PART 21: I Don't Eat Pork!

4K 75 6
                                    

Pambawi guys hehe :)
Magsisipag akong mag-update ngayon...

I don't eat pork, but I really love'd eating meat. 💦

   🙈🙉🙊
   

Ramdam niyang ayaw talagang umalis ang demonyo niyang bisita. Matapos siyang hindi kibuin nito ng ilang araw ngayon ay nandito ito sa harapan niya at hinahanapan siya ng nawawalang tao, imbes na mangunsime ay hinayaan na lang niya itong maupo sa sofa at pakialaman ang t.v niya. Bahala itong mainip sa kakahintay kung may lalabas bang Harry galing  sa silid niya! Hindi niya lubos maisip kung anong tumatakbo sa isip nito at sa kanya hinahanap ang bayaw, ano siya hanapan ng mga naliligaw?
Hindi siya umaalis sa kusina kahit na hinihintay nalang niyang kumulo ang nilulutong adobo, nagdadalawang isip siya kung yayayain ba niya ang kanyang panauhin o hayaan itong magutom.

“E di wow! Kapal naman ng mukha nitong makikain sa pamamahay ko,” sulsol ng kanyang kontrabidang isip.

“Tumigil ka nga! Isipin mong mabuti, kapag binato ka ng bato batuhin mo ng tinapay. Kaya yayain mo 'yan kumain,” sagot naman ng konsensya niya.

Napatingin siya sa pwesto nito, dapat ba siyang makaramdam ng konsensya sa lalaking ito. Binawi niya ang tingin nang mapatingin din ito sa  kanya, inabala niya agad ang sarili sa niluluto.

Mga ilang sandali pa ay naaamoy na niya ang masarap amoy nang nilulutong adobo, kaya nagpasya na siyang patayin ang apoy at nagsimula na siyang maglabas ng dalawang pinggan, mga kubyertos at hinain na ang niluto. Akmang yayayain na niya ito ngunit nagdadalawang isip pa rin siya, pero sa huli’y mas pinili niyang yayain nalang ito dahil alam niyang nagugutom na din itong tulad niya.

“Hali ka na. Kain tayo,” aya niya.

“I’m not hungry.”

“Bahala ka sa buhay mo,” aniya at umupo na upang simulan ang kanina pa hinihintay na pagkain, talagang gutom na siya. Hindi siya kumain kanina sa set kasi mas gusto niyang magluto, dahil namiss na niya ang sariling luto. Nang sa pag-angat ng tingin ay nakatayo na ito sa kanyang harapan.

“Anong niluto mo?” tanong nito.

“A-adobong baboy.” 

“Ahh.. I don’t eat pork,” anito na bahagya niyang ikinainis. Bakit pipilitin niya ba itong kumain ng baboy. Nang akmang sasagutin niya ito’y agad nitong sinundan ang unang sinabi. “…But I eat meat. I really love eating meat,” dugtong nito sa naunang sinabi. Habang may pilyong ngiting nakaguhit sa labi, alam  niya'ng iba ang ibig sabihin nito ng MEAT.

Biglang nag-init ang buong mukha ni Gie, hindi man niya gusto ay naaapektuhan siya kapag gano'n ang inaasta ng lalaki. Bahagya niyang iniyuko ang ulo upang hindi nito makita ang pamumula ng kanyang mukha, nang may naisip na sasabihin ay saka siya nagsalita.

“Ano ka? Cannibal dahil mahilig kang kumain ng meat?” biro niya.

Hindi niya alam kung pagsisisihan niyang binigkas niya pa ang salitang iyon. Nagulat siya ng bigla itong humalakhak ng malakas, napatingin siya sa direksyon nito at nakita niya ulit kung gaano ito kagwapo habang  tumatawa, sana lagi nalang gano'n si Fyro. Nkita niya ulit ang dating Fyro five years ago.

“If you called it cannibal. Maybe I am,” anito na parang may ibang ibig sabihin habang tatawa-tawa pa din. “—Because I’d like eating meat,” anito na sumeryoso ulit ang ekspresyon ng mukha. 

Sa simpleng titig ng lalaki ay naaapektuhan siya lalo na kapag nasasagi nito nang hindi sinasadya ang balat niya’y pakiramdam niya nakukuryente ang buong ugat niya. Inilayo niya ang tingin sa mga mata nitong nang-aakit sa kanya at itinuon iyon sa pagkain.

“Total nand'yan ka na rin naman kumain na tayo,” aniya upang mawala ang tensyon sa pagitan nila.

Pagkasabi n'on ay agad niyang nilagyan ang sariling pinggan ng kanin at ulam tsaka nagsimulang kumain, gano'n din ang ginawa ng lalaki. Gutom nga siguro ito dahil no'ng nagsimula na itong kumain ay hindi na nito napansin ang presensya niya, dere-deretso na ang ginawa nitong pagsubo.

“Akala ko ikaw lang ang masarap. Pati pala ang luto mo masarap din,” anito na ang buong atensyon ay nakatuon sa pagkain.

Hindi niya nalang pinansin ang sinasabi nito, yumuko siya upang hindi makita ng lalaki ang pamumula ng mukha niya. Ayaw man niyang aminin ay natutuwa siya sa nakikita niyang gana nitong kumain sa niluto niya. Nang matapos na silang kumain ay sinimulan na niyang iligpit ang mga pinagkainan nila, napatingin siya dito nang walang anu-anuman ay dumighay ito ng malakas at wala man lang itong pa-excuse kaya siya nalang ang nagkusang humingi ng paumanhin.

“Exxxcuuuse me po,” aniya na nag-ala Michael Enriquez sabay ubo pa, dahilan upang matawa ito ng malakas.

“Hindi bagay sayo,” anito matapos tumawa ng malakas.

“Eh di wow!” sabay irap sa lalaki. Kung makatawa wagas tapos hindi daw bagay sa kanya. “Ano na baka naman pwede ka nang lumayas sa pamamahay ko 'no?” sita niya dahil mukhang wala naman itong balak umalis.

“Ako?” patay malisya nitong turo sa sarili.

“Alangan naman ako!?” naiinis na niyang saad. “Ano ako ang lalayas sa sarili kong pamamahay?” naiinis na talaga siya dito.

Imbes na sagotin siya ay naupo pa ito sa sofa at parang walang naririnig ay kinuha nito ang remote at binuksan ang t.v napataas ang kilay niya.

“Aba talagang makapal ang mukha ng taong ito,” sinadya niyang lakasan ang boses upang marinig ng walang modong lalaki. Sinulyapan lang siya ng lalaki at binalik ulit ang pansin sa telebisyon. “At bakit nand'yan ka pa rin?” aniya na nakatayo ng tuwid sa mismong harapan nito. Nanatili pa rin itong walang imik. “Talagang! Ano ba ang gusto mo? Sabi na ngang wala ang bayaw mo dito, bakit kasi 'di mo tawagan para malaman mo kung nasaan,” patuloy niya ngunit hindi parin ito sumasagot. “Ano ba naman Fyro! wag mong sabihin na balak mo akong bigyan ng sakit sa ulo ngayong gabi na ‘to,” aniya na tinitigan ito.

Ngayon lang niya napansin na hindi ito nakatingin sa mukha niya kundi nakatingin ito sa dibdib niya, bigla siyang nakaramdam ng hiya ng maramdamang galit din ang dalawang pasas niya at ngayon niya lang din napasin na wala pala siyang suot na bra, agad niyang itinakip ang dalawang kamay sa may dibdib.

“Ano naman ang tinitingin-tingin mo sa dibdib ko?” nakataas ang kilay niyang tanong. Gusto niyang mahiya ngunit ayaw niyang magmukhang tangang virgin sa harap nito.

Tumayo ito at ngumiti ng makahulugan at ibinalik ang tingin sa pasas niyang hanggang ngayon ay nagagalit padin.

“I missed that,” anito na ang tinutukoy ay ang nakapatong sa dibdib niya.

Bigla siyang nahintakutan sa sinabi ng lalaki, hindi dito kundi sa sarili niyang katawan. Dahil kahit sa simpleng pag-ngiti at pag sabi nitong namiss nito ang katawan niya, pakiramdam niya ay huhubarin na niya ang panty at magmamakaawang angkinin ng lalaki.

“Manyak!” sigaw niya rito at agad tumalikod papasok sa sariling silid.

Agad niya iyong ini-lock upang hindi ito makapasok at napagpasyahang bukas nalang siya maghuhugas ng pinggan. Ayaw na niyang makita pa ang mukha ng lalaki.

“Wala man lang ba talaga iyong balak na umalis sa bahay ko?” kausap niya sa sarili.

Kapag hindi siya lalayo sa lalaki ay malamang na baka bumigay na naman siya sa ibinabadya ng katawan para dito. Sa simpleng tingin lang nito ay nais na niyang maulit ang nangyari sa kanila ilang araw pa lang ang nakakalipas, naaalala lang niya ang nangyari noon ay umiinit na ang kanyang pakiramdam. Napatingin siya sa may pintuan kung saan nasa labas ang lalaking nagpapainit ng kanyang katawan.

xxFLORDELUNAxx

Last Updated
Aug-08-2019

Nga pala, gusto kong magpasalamat sa mga sumusubaybay nang kwentong ito. Thank you so much at sana huwag kayong magsawang maghintay :*

𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon