Ilang minuto lang ay narating na niya ang opisina ng lalaki. Nang makitang wala ang sekretarya nito ay dire-diretso siyang pumasok sa loob na agad ding napaatras nang marinig ang boses ng dalawang taong nag-uusap sa loob ng opisina. Bahagya niyang binuksan ang pinto upang marinig ang pinag-uusapan ng mga ito at makita kung sino ang babaeng nagsisigaw sa loob.
“Bakit Fire? Mahal mo na ba ang babaeng iyon?” galit na wika ni Faye. Nakatalikod ito sa gawi niya, kaya hindi siya sigurado kung si Faye nga ba iyon. Ngunit nang tinawag itong 'ate' ni Fyro ay nakumpirma niyang tama ang kaniyang hinala.
“N-no ate alam mo naman na nakipaglapit lang ako sa kaniya dahil sa gusto kung malaman kung totoo nga bang siya ang kabit ni Harry at alam mo naman na ayaw ko sa mga babaeng katulad niya 'di ba?” malambing ang boses ni Fyro habang sinusubukang hawakan ang babaeng nagpupumiglas.
Buong tapang niyang pinigilan ang mga luhang nagbabadyang mag-unahan sa kaniyang pisngi. All along, duda pa rin pala sa kaniya ang lalaki.
“She don’t deserve me right? Dahil isa siyang manggagamit and a girl like her didn’t deserve to meet the family and staff kaya bakit ka naman nagrereact ng ganyan?” dugtong pa nito.
Nangmanhid ang buong pagkatao niya sa mga masasakit na salitang narinig mula sa bibig ni Fyro. Akala niya ay maayos na sila, akala niya ay iba na ito, akala niya ay naniniwala na itong hindi siya masamang babae ngunit… Muli niyang sinilip ang dalawang magkapatid na ngayon ay magkayakap na.
Nanghihinang lumayo siya sa pintuan ng opisina ni Fyro, hindi na niya kaya pa ang mga naririnig, pakiramdam niya ay may sumasaksak sa puso niya ngayon at sa sobrang hapdi na nararamdaman ay daig pa nito ang binubuhusan ng asin habang pinapadugo. Akmang aalis na siya nang muling nagsalita si Fyro.
“Atsaka 'wag kang mag-aalala ate humahanap na ako ng paraan upang lumayo sa kanya—” marami pa itong sinabi ngunit hindi na niya marinig pa ang iba dahil pakiramdam niya'y nangmanhid na ang buo niyang katawan sa sobrang sakit na nararamdaman.
Dahan-dahan siyang naglakad palayo, akala niya lang pala lahat ngunit maling-mali pala siya sa lahat ng inakala niya. Tama nga talaga ang kasabihan na pagkatapos ng saya lungkot ang papalit. Nanlalabo na ang mga matang pinilit niyang maglakad upang makalayo sa kinaroroonan ng dalawang magkapatid.
-----
Hindi man gusto ni Fyro na sabihin ang mga katagang iyon ay kinailangan niyang sabihin upang kumalma ang Ate Faye niya. Kwenisyon niya ang kapatid dahil kadarating na kadarating pa lang nila ni Gie ay bumungad na agad sa kaniya ang masasamang balita patungkol sa babae na kagagawan ng kapatid. Ipinabura na niya sa lahat ng peryodiko ang masasamang balita at binalaan ang reporter at ang nagsulat ng masamang balita tungkol kay Gie na sisirain niya ang buhay nito kapag sinubukan ulit nitong isulat ang ipinatigil na niya. Ngunit hindi niya kayang ipagtanggol ang babae sa harapan ng kapatid na hanggang ngayon ay hanggang langit ang galit sa babae.
“Marami namang babae Fire huwag lang sa Gie na iyon, alam mo naman ang reputasyon niya madumi pa siya sa lahat ng insekto.”
Naalala niyang wika ng ate niya. Gusto niyang salungatin ang sinabi ng kapatid ngunit hindi niya magawa. Sa ibang araw na lang siguro niya ipapaliwanag ang lahat iyong hindi na mainit ang ulo nito, huwag na muna ngayon dahil mainit pa ang sitwasyon at wala siyang lakas upang makipagtalo. Nasasaktan siya sa masamang sinasabi ng kapatid niya, hindi ito ang gusto niyang mangyari pagdating nila ni Gie, ang gusto niya ay kausapin ang kapatid at ipaliwanag na hindi masamang babae si Gie ngunit hindi nangyari ang nais niyang mangyari, hindi niya na kontrol ang sitwasyon.
Malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya. Paano niya pa ipapaliwanag dito ang mga bagay na nais niyang ipaliwanag tungkol sa babae kung ganun na galit pa rin ito kay Gie.
Kinagabihan ay pinili niyang umuwi ng maaga, masyado siyang nag-enjoy na kasama si Gie kaya naman ngayong pagbalik niya ay natambakan siya ng napakaraming trabaho. Pagod na pagod ang pakiramdam niya, isa pa sa dahilan ang nakapagpagod sa kanya ay ang mga masasamang balita na kumakalat ngayon tungkol kai Gie at ang kapatid niyang galit parin sa babae. Bagsak ang balikat na naglakad siya patungo sa pintuan ng kanyang apartment ng biglang magulat sa taong naghihintay sa kanya.
“A-anong ginagawa mo dito?” salubong ang kilay na tanong niya kay Marga.
Hindi niya inaasahang madadatnan na naman niya ulit ang babae sa mismong pintuan ng bahay niya.
“Mag-usap naman tayo Fire,” mahinang sambit ng babae.
“Pagod ako Marge kaya kung pwede sa susunod na araw na lang,” iwas niya rito.
Mas gugustuhin pa niyang matulog kaysa makausap ang babae.
“Mahal parin kita Fire,” agad na sambit nito upang makuha ang atensyon niya.
xxFLORDELUNAxx
Pasensya na kung medyo matagal ang update ng lola niyo.
Enjoy reading ;)
May isa pang "Part" hintay lang kunti.
Salamat :)
BINABASA MO ANG
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware]
Fiction générale➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 ➡️ R18 ⚠️ Rated SPG 🔞 [read at your own risk] Ilang taon matapos ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila, muling nagkita sina Gie at Fyro. Pinangakuan siya nito ng kung anu-ano-malalaking projects, madaming pe...