Lumipas ang isang linggo at dalawang araw na nga'ng nakakauwi si Gie sa condo niya. Simula ng may nangyari sa pagitan nila ni Fyro ay hindi na ulit siya kinausap ng lalaki. Nasaktan man siya ay alam naman niyang mangyayari ang bagay na ito. Ano ba sila 'di ba wala namang sila? Nag-sex lqng, naglabas nang mainit na likido sa katawan. Hanggangbdoon lang, end of the story! Gano'n talaga, ano ba ang dapat niyang i-expect sa taong iyon 'di ba nga galit na galit 'yon sa kanya dahil mang-aagaw siya, ahas at kung ano-ano pa, kaya wala siyang dapat asahan para hindi siya masaktan.
Napalingon siya sa gawi ng mesa dahil biglang tumunog ang kanyang cellphone.
“Hello Albert? Okay na ako. Nandito na ako sa condo ko. Opo kaya huwag ka nang mag-alala. Okay, thank’s bye.”
Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag. Mag-isa lang siya sa condo na nabili ni Jordan noong panahon na bago pa lang namatay ang Nanay Nessy nila. Ang kalahating pera na namana niya at namana nito ay pinagsama nilang dalawa upang mabilhan siya ni Jordan ng sariling condo dahil hindi na sila pwedeng magsama sa iisang bahay.
Dahil siya lang naman mag-isa, mas pinili niyang maghubad at ang kanyang panty lamang ang naiwan, wala naman siyang dapat ikahiya sa katawan niya kung sakaling may makakakita man sa kahubdan niya.Naglakad siya patungo sa kusina upang gumawa ng makakain, kahit siya lang mag-isa ay hindi niya pinapabayaan ang sarili pagdating sa pagkain, ayaw niyang ginugutom ang sarili dahil mahirap magkasakit. Naglabas siya ng frozen meat at ibinabad ito sa plangganang puno ng tubig, balak niyang magluto ng paboritong adobong baboy. Kung nandito lang si Albert ay malamang ma-stress na naman ito sa nais niyang kainin, ayaw nitong pakainin siya nang puno ng cholesterol at fats dahil baka daw masira ang figure niya ngunit dahil nga sa may pagkapasaway siya at namiss na niya talaga ang luto niyang adobo ay walang makakapigil sa kanya.
Hinihiwa na niya ang mga sangkap na gagamitin ng biglang may nag doorbell.
"Oh! Wala naman akong inaasaahan na bisita,” aniya sa sarili.
Itinigil niya ang ginagawa at hinanap ang paboritong pambahay na damit. Ang kanyang manipis na duster, hindi siya buntis pero nakasanayan na niya ang mag- duster kahit noon pang hindi pa siya artista. Tumunog ulit ang doorbell at sunod-sunod na iyon na para bang nagmamadali ang taong nasa labas.
“Aba’t lintik na—” naiinis niyang sambit napaka-atat ng taong ito. “Sino ba ang bwesita kong hindi ko naman inaasahan.”
Hindi na niya inabala pang silipin sa peep hole kung sinoman ang herudis niyang bisita. Pabalya niyang binuksan ang pinto nang magulat sa kanyang 'di inaasaahang bisita!
“F-fyro!” gulat niyang bungad.
------
Kanina pa si Fyro sa labas ng pintuan ni Gie at kanina pa siya pindot ng pindot sa doorbell nito, ginawa na nga niyang piano ang doorbell nito ngunit hindi pa rin nito binubuksan ang pinto. Galing siya sa mansiyon at naaawa siya sa Ate Faye niya dahil tuluyan na talagang hindi umuwi ang bayaw. Ang sabi ng ate niya’y si Gie ang huling tinawagan nito at tuluyan na itong hindi umuwi sa bahay. Ang laki na nang ipinayat nito at napapabayaan na nito ang mga anak.
Sinubukan niyang tawagan ang bayaw ngunit hindi ito sumasagot kaya naisip niyang puntahan ang condo ni Gie at baka nandoon ito. Pinindot niya uli ang doorbell, ngunit wala pa din.
Siguro nga ay nasa loob si Harry at may ginagawa ang mga itong hindi maganda, lalo siyang nanggigil sa naiisip kaya naman napagdiskitahan niya ang doorbell nito, kulang nalang ay sirain niya iyon. Nagulat pa siya nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa ang babaeng naka-duster.
BINABASA MO ANG
𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐎𝐫 𝐋𝐮𝐬𝐭 [Published by: Bookware]
قصص عامة➡️ 𝐂𝐎𝐌𝐏𝐋𝐄𝐓𝐄𝐃 : 𝟐𝟎𝟏𝟗 ➡️ R18 ⚠️ Rated SPG 🔞 [read at your own risk] Ilang taon matapos ang isang mainit na gabing pinagsaluhan nila, muling nagkita sina Gie at Fyro. Pinangakuan siya nito ng kung anu-ano-malalaking projects, madaming pe...