Chapter 3
*****
NAKANGITING binuksan ni Queennie ang locker niya at awtomatiko siyang napailing nang makitang marami na namang regalo, bulaklak at love letters.
Nasa kalagitnaan siya sa pag tingin-tingin dito nang biglang may kumiliti sa kaniya.
"Ano ba Bernadeth! H'wag ka nga!" Natatawang saway niya sa kaibigan pero ngumiti lang ito sabay peace sign. Napatigil ito nang matuon ang atensyon nito sa locker niyang halos wala ng mapaglagyan sa dami ng laman.
"Wow bes! Ang dami naman niyan!" Komento nito na parang hindi
makapaniwala."Naku! Hindi ka na nasanay," nakangiti niyang sabi sa kaibigan.
"Mabuti kapa maraming nanliligaw sayo. Samantalang ako..." Malungkot na sabi nito at bumuntong hininga.
Nginitian niya naman ito. "Okay lang yan. Darating din ang panahon na marami ding manliligaw sa'yo ang ganda-ganda mo kaya!" Sabi niya sa kaibigan para hindi na ito malungkot.
"Ba't wala ka pang sinasagot? Kahit isa manlang sa kanila?" Nag tatakang tanong ni Bernadeth.
"Kasi hindi naman ako nag mamadali," sagot niya at binigay kay Bernadeth ang mga chocolates at ibang regalo na nasa locker niya.
Nag liwanag naman agad ang mukha nito. "Wow! salamat ah!" Masaya nitong sabi, "Paano yung mga bulaklak at love letters? Kung ayaw mo saakin na lang?" Tanong nito.
Napailing na naman siya. "Itatago ko na yun. Alam mo namang gusto kong basahin ang mga yun at alam mo ring mahilig ako sa bulaklak kaya h'wag kang abuso diyan!" Sabi niya sa kaibigan at bahagya itong inirapan na ikinatawa nilang dalawa.
Isinarado niya na ang locker niya at sabay na silang nag lakad ni Bernadeth papunta sa klase nila.
*****
NAPAIGTAD Si Queennie sa gulat at dali-daling pumunta sa lababo para hugasan ang nahiwa niyang kamay.
Napabuntong hininga sya at iniling ang ulo niya.
Wala naman ako sa sarili ko. Ba't ba kasi bumabalik ang mga ala-alang yun? May gusto ba itong ipahiwatig?
Nabalik lang siya sa katinuan nang pumasok na sila Randolf at kagaya nang nakaraang araw, hindi pa rin siya pinapansin nito.
Napaisip siya kung ano ba ang kasalanang nagawa niya dito at bigla nalamang itong naging mailap sa kaniya.Nang mabalik ito galing sa pinuntahan nila hindi na siya nito pinansin at sa pagkaka-alala niya dalawang linggo na ang nakalipas simula nun. At dalawang linggo na rin itong mailap sa kaniya.
Dumating na ba ang araw na
kinakatakutan ko? Ang araw na mag-sasawa na siya sa'kin at papaalisin na ako dito?Parang may kumurot sa puso niya dahil sa isiping yun.
Mapait siyang napangiti.Ba't ba ako nasasaktan? Katulong lang naman ako dito at dakilang parausan ni Mr.Randolf Zaltega.
Napahinga siya nang malalim. Kailangan ko na palang ihanda ang
sarili ko.Tahimik niyang inihanda ang pagkain ng mga ito. Pagkatapos ay tahimik siyang lumabas ng kusina, pinapasabay siyang kumain pero wala siyang gana. Naisip niyang tumambay lang muna sa labas kung nasaan ang duyan.
Ang duyan na 'yon ang lagi niyang karamay sa tuwing nalukungkot siya. Gumagaan ang pakiramdam niya.
Di rin siya nag tagal sa pag tambay doon at bumalik siya agad para ligpitin ang mga pinagkaininan ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
General FictionDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...