Chapter 8

772 29 1
                                    


Chapter 8

*****

NAIINIS na lumabas ng club si Queennie at kinuha ang cellphone niya para tawagan si Maica. "It's starting to piss me off, Maica! Hindi na 'to nakakatuwa!" Bungad niya dito nang sagutin nito ang tawag habang naglalakad naman siya papunta sa parking lot.

"Look, Queennie. I'm telling the truth! Hindi ko lang alam kung saan nag tatago ang babaeng yun sa mga oras na 'to o baka naman may pinapaligaya pa siyang customer," giit ni Maica.

Mariin siyang napapikit at marahas na sinuklay ang hanggang balikat nyang buhok.

"P'wede ba Maica! itigil mo na 'to!" Singhal niya dito at pinatay na ang
tawag.

Hindi niya alam kung bakit ba siya nakikinig dito... Hindi niya rin alam kung gusto lang siyang idamay ni Maica sa galit nito kay Bernadeth.

Napabuntong hininga muna siya bago lapitan ang kotseng ginamit pero napahinto siya nang makita ang pamilyar na kulay pulang kotse.

"Is that Tristan's car?"

Namilog ang mga mata niya at napaawang ang bibig ng makitang umuuga ito!

Mahirap paniwalaan para sa kaniya na bumalik sa pagiging prostitute ang kaibigan kesa sa paniwalaang nagbago na si Tristan,  kahit wala ng explaination maniniwala agad siya na manloloko ito. Hindi niya rin alam kung ba't niya ba sinagot ang gago, dahil na rin siguro sa pangungulit ni Bernadeth na sagutin niya ito.

Huminga ulit siya nang malalim bago mapagdesisyunang lapitan ang kotse at walang sabi-sabing binuksan ang backseat nito.

Bumungad sa kaniya ang kasintahan at ang babaeng nakaupo sa kandungan nito habang tumataas-baba ang balakang nito.

Matinding kahihiyan ito para sa kaniya kaya naman buong lakas niyang hinila ang buhok ng babae
palabas ng kotse.

"B-babe!" Gulat na sabi ni Tristan habang inaayos ang pantalon nito.

"Wag mo akong mababe-babe gago ka!" Singhal niya dito at patuloy pa ring sinasabunutan ang babae, nakaupo ito sa lupa habang si Queennie naman ay nakatayo at pilit na tinatanggal ang kamay niya sa buhok ng babae.

Alam niyang pinagtitinginan na sila pero walang nag-tangkang lumapit habang si Tristan naman ay pilit siyang inaawat pero sadyang malakas ang kapit niya sa buhok ng babae.

"Ano, Tristan? Masarap ba ang babaeng 'to?" Tanong niya dito tinulak niya ang babae kaya naman nasobsob ito sa lupa at tinulak niya naman si Tristan palayo na nakahawak sa braso niya.

"Wait Babe! Let me explain!" Pigil nito sa kaniya nang magtangka na siyang umalis.

"Explain mong mukha mo!" Singhal niya dito, "Ano na lang ang sasabihin ng mga taong nakakaalam tungkol sa'tin? Gago ka na nga! Ginatungan mo pa! Nakakahiya ka!" Dagdag niya pa.

Napaigtad siya nang may biglang humawak sa braso niya, nang
balingan niya ito nakita niyang si Maica pala 'yon.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya kay dito pero hindi ito sumagot at matalim lang itong nakatingin sa babaeng kalaguyo ni Tristan.

Napatingin rin siya dito at pakiramdam niya ay binuhusan siya ng malamig na tubig nang makilala ang babaeng yun.

"B-bernadeth?" Gulat niyang sambit sa pangalan niyo habang palipat-lipat ang tingin niya kay Tristan at Bernadeth na hindi makatingin sa kaniya nang diretso.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon