Chapter 20

750 31 0
                                    

Chapter 20


***

ILANG linggo nang nananatili sa Hospital ang Mama ni Randolf, hindi pa rin sinasabi sa kaniya ng Mama niya ang sakit nito, habang siya naman ay nag papanggap na walang alam at sinasakyan na lang ang pagsisinungaling nito.

"Hijo, palala na ng palala ang sakit ng Mama mo, I think it'll be better for her to undergo the Operation, yun nalang ang natitira nating option para gumaling siya." Sabi ng Doctor sa kaniya.

Marahas naman siyang napasuklay ng buhok niya, hindi niya na alam ang gagawin. Wala na silang pera, masyado na nga siyang namroblema para sa ibabayad ng chemo teraphy ng Mama niya mas lalo pa ngayon na kailangan na itong maoperahan.

"Mag kano po ba ang gagastusin Doc?" Kinakabahan niyang Tanong dito.

"Sa tingin ko aabutin yun ng isa't kalahating milyon" sagot ng Doctor sakanya.

Napahilamos naman siya ng mukha, san naman siya kukuha ng ganun kalaking halaga?

"Talaga bang magiging okay na ang Mama ko pag naoperahan na siya?" Tanong niya.

Sandaling natahimik ang Doctor at nag aalangan na sinagot ang tanong niya. "60℅ ang chance na maging successful ang operation," sagot nito.

"What about the 40℅?" Kinakabahan niyang tanong.

"40℅ ang chance na hindi maging successful at lumala ang sakit ng Mama mo. But we promise to do our best," sagot nito.

Napahinga naman siya ng Malalim at tumango. "Okay, hahanap ako ng paraan," sabi niya at nag paalam na sa Doctor.

Habang nag lalakad siya papunta sa kwarto ng Mama niya, iniisip niyang mabuti kung saan ba siya makakakuha ng isa't kalahating milyon para sa operasyo ng Mama niya.

"Oh? Anak bat ngayon ka lang? San ka nanggaling?" Tanong ng Mama niya.

Nanghihinang napaupo siya sa silyang nasa tabi ng kama.

"Nak? Ayos ka lang ba?" Nag aalalang tanong ng Mama niya.

Hindi niya na napigilan ang emosyon niya at naiiyak na tumingin sa Mama niya.

May bonnet itong suot dahil unti unti ng nalalagas ang buhok nito, nangangayayat at namumutla na rin ito.

"Hanggang ngayon ba, Ma. Hindi niyo parin sasabihin sakin ang totoo? Hihintayin mo pa ba na malagas lahat ng buhok mo bago mo sabihin sa'kin ang totoo?" Sunod sunod niyang tanong dito.

Mukhang nagulat ang Mama niya dahil sa sinabi niya, napaiwas ito ng tingin at mahinang napaiyak.

"Alam ko ang nangyayari Ma! Ilang araw na akong naghihintay na sabihin mo sakin ang totoo pero wala!" Umiiyak niyang sabi sa Mama niya.

"Patawarin mo ako anak, ayoko lang na mag alala ka sakin, ayoko na mamroblema ka para lang ipagamot ako," umiiyak nitong sabi.

Marahas naman siyang napasabunot sa buhok niya. "Anong gusto mong gawin ko Ma?! Tumunganga hanggang sa malagutan ka ng hinanga?! Ma naman eh! Anak mo ako! Dapat ako ang unang makakaalam sa kalagayan mo!" Singhal niya.

"Patawarin mo ako Randolf, pero ayoko na, Tama na," umiiyak na sabi ng Mama niya.

Napapantastikuhang tinignan niya ito. "Ayaw mo na? Paano naman ako Ma kung aayaw kana?! Iiwan mo akong mag-isa?!" Umiiyak niyang tanong dito.

Hinawakan nito ang kamay niya.
"Gusto ko na makasama mo ang Papa mo, gusto ko na magkasama kayo, gaganda ang buhay mo pag nandun ka sa poder niya," umiiyak nitong sabi.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon