Chapter 38
KINABUKASAN nang masising si Queennie ay agad niyang kinapa ang katabi at awtomatiko siyang napamulat nang mapagtantong wala na ang mag Ama sa tabi niya pero agad naman siyang nakarinig ng mga halakhak na galing sa Terrace.
Walang ganang sinundan niya ang mga tawanang 'yon at bumungad sa kanya ang mag ama na nag kukulitan habang kumakain.
Susubuan ni Randolf si Qen pero hindi ito umaabot sa bibig ni Qen dahil kakainin ito ni Randolf. Tuwang-tuwa naman si Qen dun.
Napangiti siya sa nakita... Hindi niya akalain na darating ang araw na 'to.
"Mama!" Tawag sa kanya ni Qen.
Napatingin din si Randolf sa gawi niya at agad siyang nginitian.
Lumapit naman siya sa mga ito at binigyan ito ng halik.
"Good morning my boys," bati niya.
Binati rin siya nang dalawa at sabay siyang hinalikan sa magkabilang pisngi.
Masayang nag agahan ang tatlo at kung titignan ay para silang masayang pamilya na walang masasakit na pinagdaanan.
Sa araw na 'yon. Kinalimutan muna nila nila ang lahat at pinalipas ang araw na masaya lang. Ganun din sa mga sumunod pang araw.
NAPATITIG si Randolf sa mga kaibigan niyang nag aayos ng gamit para umalis. Dalawang linggo na ang lumipas at kailangan na nilang mag pakita sa publiko at mag panggap na nag luluksa sa pagkamatay niya daw.
"Mag iingat kayo," bilin niya dito pero tumawa lang ang mga ito.
"Ingat sila saamin kamo," pag tatama ni Lexxian.
Natawa naman siya at ang ginulo ang buhok nito.
Malaki ang pasasalamat niya sa mga kaibigan niya dahil hindi siya iniwan ng mga ito kahit na pinagtabuyan niya pa ito. Lalo na pag protekta sa mag ina niya.
"Man, sa susunod na araw kailangan na ring bumalik ni Queennie. Baka may bigla na namang kumalat na balita na nabaliw na naman siya dahil sa pagkawala mo. Alam mo naman ang utak nang babaeng 'yun," paalala sa kanya ni Mille.
Natapatango naman siya. Ayaw niyang umalis sila Queennie sa Isla dahil gusto niya pa itong makasama pero tama ang kaibigan niya.
"Basta't bantayan niyo sila lagi habang hindi pa ulit ako lumilitaw... I still have to regain myself," sabi niya naman sa mga ito.
"Siyempre naman... Basta mag pagaling ka para matapos na 'to! Nami-miss ko na si Ynice, gusto ko na siyang makasama!" Biglang sabi ni Morille na ikinagulat nila.
"Who's Ynice?" Tanong ni Jet.
"Mind telling us, who she is?" Tanong niya naman dito.
Nag iwas naman ito ng tingin at mukhang nagulat din ito sa sinabi, "T-tara na nga!" Aya nito at nauna ng lumabas ng Mansyon.
Natawa na lang sila at napailing dahil sa inasta ng kaibigan."Sige, Man. Alis na kami. We still need to find that fuckers, susunduin na lang namin si Queennie sa susunod na linggo," paalam ni Howen at isa-isa na silang nag paalam.
Pinuntahan niya naman sila Queennie sa k'warto niya at nakita niyang kalalabas lang nang dalawa sa banyo.
"Papa!" Tawag sa kanya ni Qen. Nakasuot ito ng robe habang karga ni Queennie.
Linapitan niya naman ito at hinalikan, "Ang bango na ng baby ko!" Masayang komento niya dito, napangiti naman si Qen.
"Naka alis na ba sila?" Tanong ni Queennie habang pinupunasan ang buhok ni Qen.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
Genel KurguDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...