Chapter 24

679 29 0
                                    

Chapter 24

***

ABALA sa pag aayos ng mga gamit si Randolf sa opisina ng Boss niya, inutusan kasi siya nitong ayusin ang mga papeles at mga documento. Bigla siyang napahinto nang may humagilap sa mga mata niya.

Kinuha niya ang documentong 'yon at binasa. Bigla nalang nawala ang emosyon niya at napakuyom ang kamao niya.

Napatingin siya sa pintuan ng bigla itong bumukas at pumasok ang Boss niya.

"Hindi ka parin ba tapos diyan?" Tanong nito.

Napatiim bagang siya at matalim itong tinignan. "Are you planning to destroy My Father?" Walang emosyong tanong niya dito at ilinahad ang documentong nabasa niya.

Natawa ito at nag lakad papalapit sakanya. "Alam mo bata, hindi mo dapat pinapakialaman ang mga bagay na 'yan, inutos ko lang naman na ayusin ko dito hindi ba?" Seryoso nitong sabi.

Nag sukatan sila ng tingin pero hindi nag papatinag si Randolf.
"Binabalaan kita, 'wag na 'wag mo siyang gagalawin." Banta niya dito pero natawa lang ito.

"Bakit anong gagawin mo? Papatayin mo ako?" Natatawang tanong nito at marahas na kinuha ang documento sa kaniya, "You know that no one can stop me neither you, kaya wag mo ng subukang pigilan ako dahil alam mo naman ang mangyayari. Wala ka rin namang magagawa tungkol dun." Sabi pa nito.

Dumilim ang mukha ni Randolf habang nakatiim bagang at nakakuyom ang kamao.

"Ako ang gagawa nun."

Napatigil ito at taimtim siyang tinignan. "What do you mean? Ikaw ang nag papabagsak sa kaniya?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

Sinalubong ni Randolf ang tingin nito. "Yes, kaya wag mo siyang gagalawin dahil ako ang gagawa nun." Seryoso niyang sabi dito.

Napahalakhak naman ito. "Then what are you going to do? You'll kill him?" Tanong nito.

"No. Death is too easy for him," Diretsong sagot ni Randolf.

Napatawa itong muli at tinapik ang balikat niya.

"Maganda naman ang plano mong 'yan, but you have to play fair kid, pabagsakin mo siya sa ibang paraan hanggang sa umabot sa point na siya na mismo ang papatay sa sarili niya." Saad nito habang nakangiti ng nakakaloko.

Napaisip naman si Randolf. "Paano ko naman gagawin 'yon? I'm just a fucking highschool student!" Naiinis niyang sabi dito.

"I know, kung gusto mo na ikaw ang nag pabagsak sa kaniya, then I'll be okay with it, hindi ko siya gagalawin kung 'yan ang gusto mo but first you have to study. Mga bata pa naman kayo kaya naisip ko na pag aralin kayo." Sabi nito, "Mag aral kayo ni Mille sa ibang bansa, matatalino naman kayo. Galingan mo kung gusto mong pagbayarin ang Ama mo." Dagdag pa nito pagkatapos ay iniwan na siya.

Pagkalabas nito ay agad na napaangat ang gilid ng labi ni Randolf.

"Humanda ka saakin."

.....

MKALIPAS ang pitong taon na pananatili nila ni Mille sa ibang bansa, bumalik sila sa Pilipinas na matatanyag na ang mga pangalan at sikat na sa buong mundo bilang matitinik na mga businessman.

Nang makalabas na sila sa Airport ay agad na sumalubong ang mga flash ng camera at sunod sunod na tanong ng mga reporters kesyo 'Bakit daw sila nagbalik since maganda naman ang kalagayan nila doon' at marami pa pero ni isa wala silang sinagot.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon