Chapter 6
*****
NAIINIS na napakamot ng ulo si Bernadeth. "Haaayy! Ayoko na!" Reklamo nito at binato yung libro na binabasa niya.
Natawa si Queennie dahil sa inaakto ng kaibigan.
"Mas mabuti pang mag sayaw na lang ako dun sa club! Malaki pa ang ibabayad sa'kin," sabi nito sabay tumayo at nag simula itong sumayaw sa harapan ni Queenniee."Tumigil ka nga!" Natatawang saway niya sa kaibigan at hinila ito paupo.
"Kasi naman eh! Ang hirap-hirap namang sagutan niyan!" Pagmamaktol nito pero tinawanan niya lang ito.
"Madali lang 'to. Basahin mo kasing mabuti," pangungumbinsi niya.
"Ikaw na lang ang sumagot. Matalino ka naman eh," suhestiyon nito habang nakangiti nang matamis.
Nginitian niya rin ito at bahagyang sinabunutan. "Abuso kana! Nag tu-tutor na nga ako sayo eh."
"Ang hirap nga kasi niyan!" Reklamo ulit nito pero kinuha nito ang libro sa kamay niya at muling binasa.
Napangiti naman si Queennie. Kahit nahihirapan ay nakikita niya naman ang pagpupursigi nitong matuto.
"Anyway, kamusta na pala kayo ni Tristan?" Biglang tanong nito, "Madalas ko nalang kayong makitang mag kasama ah? Okay lang ba kayo?" Sabi pa nito habang nasa libro pa rin ang atensyon.
Huminga muna siya nang malalim bago sagutin ang kaibigan. "Okay lang naman kami," walang gana niyang sagot.
Napatingin naman sa kaniya si Bernadeth. "Sa tono ng pananalita mo. Parang hindi ah?" Nagtataka nitong sabi.
Nginitian niya lang ang kaibigan at tinuruan na ulit ito sa mga paper works na kailangan nitong gawin.
Talagang tinulungan niya ang kaibigan niya. Pinatira niya ito sa bahay nila at tinutulungan sa gastusin basta't mag aaral lang itong mabuti...
*****
"Good morning people!" Bati ni Leonard nang makapasok ito sa kusina.
Kumakain na silang lahat nang pumasok ito. "Hindi niyo naman ako hinintay!" Nag tatampo nitong sabi at nakisalo na sa kanila.
Tahimik lang si Queennie habang kumakain. Hindi niya pinapansin si Lexxian na panay ang komento na masarap daw ang luto niya.
"Grabe! Sino bang nag luto nito? Ang sarap naman!" Wika nito habang maganang-maganang kumain.
Pero may napansin siyang kakaiba sa mga kinikilos ng mga kalalakihan, hindi pinapansin ng mga ito si Lexxian na para bang may ginawa itong kasalanan.
Napaigtad siya nang padabog na ilinagay ni Lexxian ang kusara't tinidor sa lamesa. "Come on guys! Multo na ba ako ngayon?" Tanong nito at isa-isa silang tinignan pero wala manlang bumaling dito bukod sa kaniya.
"Okay! Okay!" Sabi nito at tumingin sa kaniya, "Ms. Queennie. I'm very sorry... Sorry kung napagtripan kita kagabi. I Just want to know how would you react and I'll admit that I am guilty for what I did so, I'm sorry," sabi nito sa kaniya.
Hindi nakapagsalita agad si Queennie dahil sa biglaang paghingi nito ng tawad.
"Guilty my foot!" Sabi ni Randolf na puno ng sarkastiko.
Tinignan naman nang masama ni Lexxian si Randolf. "H'wag ka ngang Sumabat! Hindi ikaw ang kausap ko at dapat nga magpasalamat ka pa sa ginawa ko eh!" Naiinis na sabi ni Lexxian.
"Shut up!" Saway ni Randolf.
Ayaw niya ng humaba pa ang diskuyong ito kaya naman maisipan niyang patawarin na lang ito. Hindi naman talaga ganun ka-big deal ang ginawa nito.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
General FictionDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...