Chapter 18

663 29 0
                                    

Chapter 18

***

KAKATAPOS lang ng shift ni Randolf sa Restaurant na pinagtatrabahuan niya. Paubos na kasi ang pera nila kaya kailangan niya ng mag trabaho para matulong sa gastusin nila ng Mama niya, kaya nagtrabaho siya bilang waiter sa isang Restaurant,  nakipag kasundo siya na sa umaga ang shift niya dahil hapon ang klase niya, mabuti nalang at pumayag ang mga ito.

Paalis na sana siya papunta sa skwelahan niya ng tawagin siya ng isang kasamahan niya.

"Ano yun?" Tanong niya dito.

"May lalaking nag hahanap sayo, nasa table 12 siya, binigyan pa nga niya ako ng tip para lang papuntahin ka kaya puntahan mo na, mukhang importante," sagot nito.

Nagtaka naman siya kung sino ang nag hahanap sa kaniyang lalaki, imposible naman kung ang Ama niya yun dahil hindi na nga sila pinahanap ng mga ito ng maproseso ang annulment. Pinuntahan niya nalamang ito dahil sa kyiryusidad niya.

Mas nag taka siya ng makita ang taong nag hahanap sa kaniya.

Lalaking nakaitim na suit at may tatto sa leeg. Mukhang mayaman ito dahil sa mga kumikinang na mga suot nito sa leeg at kamay.

Bat naman ako hahanapin ng taong 'to? Samantalang hindi ko naman ito kilala.

"Bakit niyo po ako hinahanap?" Tanong niya agad ng makarating siya sa table nito.

Napatingin sa kaniya ang lalaki at napangiti.

"Upo ka," sabi nito at agad naman siyang umupo sa upuan sa harapan nito.

"May gusto ka bang kainin? Umorder ka lang ako ang bahala," sabi nito.

Huminga muna siya ng malalim bago mag salita. "Sabihin niyo na kaagad kung ano ang kailangan niyo sakin, nag mamadali na ako, baka mahuli ako sa klase ko," masungit nyang turan dito.

Napatawa naman ito at sumandal sa upuan nito. "O siya, kung yan ang gusto mo. Nakita kita nung isang araw na nakikipag away sa limang lalaki," panimula nito.

Napataas naman ang sulok ng labi ni Randolf at bahagyang napailing.

"Tauhan ka ba ng isa sa kanila?" Walang emosyon niyang tanong dito.

Napahalak-hak naman ito at napailing. "Mali ang iniisip mo bata, nandito ako para alukin ka ng trabaho. Nakita kong kakaiba ang galaw mo, mabilis ang bawat galaw mo, kaya aalukin kita ng trabaho just name your price" sabi nito.

Napaisip naman siya. Kailangan nila ng pera ngayon.

"Anong klaseng trabaho?" Nag tatakang tanong niya.

Napatitig ito sa kaniya bago mag salita. "Hindi ko sasabihin hangga't hindi ka pumapayag" sagot nito.

Napatitig din siya dito at sinusubukan basahin ang emosyon nito. May ideya na siya kung anong trabaho ang inaalok nito. "Pasensya na pero hindi ako nag tatrabaho para sa illegal na mga gawain," sabi niya dito.

Napatawa ulet ito at napatango.
"I like your personality, youngman, mas nagiging desperado tuloy ako na ipasok ka sa grupo ko, magaling kang bumasa ng tao, matalino at magaling makipaglaban," sabi nito at may ibinigay sa kaniyang calling card.

"Tawagan mo nalang ako kung pumapayag kana at ako na ang bahala sa'yo," sabi pa nito.

Para makaalis na siya, kinuha niya nalang ang calling card at mabilis na ipinasok yun sa isa sa mga bulsa ng bag niya.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon