Chapter 2

1.3K 39 2
                                    

Chapter 2

MAG gagabi na nang bumalik ang mga kalalakihan. Nag presenta naman si Queennie na mag luto ng dinner para sa kanila at sinigurado niya talagang masarap yun para hindi tanggihan ang offer niya.

Pero hindi nakisabay sa kanilang kumain ang lalaking pumili sa kaniya kagab na napag-alaman niyang Randolf ang pangalan. Sabi ni Cris wala daw ganang kumain kaya pinuntahan niya ito sa k'warto nito at naabutan niya itong naupo sa kama at nakatulala sa kawalan.

Tumikhim muna siya bago mag salita pero nauhan siya nito. "Kung itatanong mo kung kailan ka makakauwi baka bukas o sa makalawa," sabi nito.

"Itatanong ko lang sana kung gusto mong dalhan kita ng pagkain dito?" Sabi naman ni Queennie.

Napatingin sa kaniya si Randolf pero agad din naman itong nag iwas.

Ilang beses siyang huminga nang malalim. Bumebuwelo siya sa gusto niyang sabihin at mukhang napansin ito ng lalaki.

"Do you have something to say?" Tanong nito. Tumango naman siya bilang sagot, "What is it?"

"Gusto ko sanang dito na tumira," sabi niya.

Napapantastikuhang napatingin sa kaniya si Randolf. "What?" Hindi makapaniwalang tanong nito.

"Ahmmm. Gusto ko dito na muna ako pansamantala. Mukha naman kayong mababait at alam kong ayos lang 'yon kay Madam Cora, patirahin niyo ako dito at pakainin in return I will be your maid," sabi niya pa at nagdarasal na sana payagan siya nito.

Pagak naman itong natawa na ikinainis niya.

Anong nakakatawa?

"Hindi ko kailangan ng maid," sabi nito na ikinadismaya niya.

"Lalabhan ko lahat ng damit mo! Kahit kabundok pa 'yan! Kakayanin ko basta patirahin mo lang ako dito!" Pangungumbinsi niya sa lalaki pero natawa lang ulit ito.

"I can do my laundry by myself" sabi naman nito.

"Lilinisin ko ang buong Mansyon!"

"I have my men to clean every part of this Mansion."

"Ako ang magluluto."

"We all knew how to cook."

"Huhugasan ko lahat ng pinagkainan niyo."

"We have our schedules for that."

"Lilinisin ko yung Yate niyo! kahit dun sa kailalim-laliman!"

"As if kaya mo and I also have my men to do that, so it's a no."

Mariing napapikit si Queennie dahil wala na siyang maisip! Pero napatigil siya ng biglang may pumasok sa isip niya.

Ito nalang! Last ball!

Tinignan niya nang mapang akit si Randolf. Feeling niya may sumanib sa kaniyang malanding kaluluwa.

Dahan-dahan siyang nag lakad papalapit dito at huminto harapan nito. Hindi niya rin inalis ang pag kakatitig sa mga mata nito.

Pasalamat ka talaga at sayo ko lang 'to gagawin!

Itinukod ni Queennie ang kanang tuhod sa gilid ni Randolf at mga kamay niya ay nasa balikat nito.
Nakatingala si Randolf sa kaniya habang siya naman ay naka yuko para titigan ang lalaki.

Bahagyang nag diwang si Queennie ng maramdamang naapektuhan na ang lalaki.

"What about... I'll make you goan, moan and scream in pleasure?" Sabi niya dito at mas ilinapit pa ang katawan sa lalaki.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon