Chapter 25
***
SA labas ng opisina ni Randolf ay dinig na ding niya ang pag sigaw ng Ama niya na nag pupumilit na pumasok.
"Papasukin niyo siya," utos niya sa mga tauhan niyang humaharang dito.
"What brought you here?" Sarcastic niyang tanong dito.
Matalim itong nakatingin sakanya habang nangunguyom ang kamao.
"Alam kong ikaw ang may kagagawan ng lahat Randolf!" Singhal nito sa kaniya.
Napatawa naman si Randolf, "Pinuntahan mo lang ba ako para sa sisihin?" Natatawang tanong niya pagkatapos ay umiling, "kung ganun, umalis ka na lang. Hindi ka welcome dito," Seryoso niyang saad dito.
Marahas itong napabuntong hininga habang hindi pa rin nag babago ang emosyon nito.
"Ibalik mo sa'kin ang kompanya ko! Ikaw lang ang naiisip ko na gagawa nito dahil ikaw lang naman ang may galit sa'kin!" Singhal nitong muli.
Muli ring napatawa si Randolf, "Sigurado ka bang ako lang ang may galit sayo?" Tanong niya, "Nag kakamali ka diyan," Dagdag niya pa.
"Ibalik mo na lang sa'kin ang kompanya ko nang matapos na'to!" Sigaw nito.
Nawalan ng emosyon ang mukha ni Randolf habang nakatingin dito.
"Sisihin mo ang walang k'wenta mong manager, binenta niya saakin ang kompanya mo," Pahayag niya dito.
Umangat ang gilid ng labi ni Randolf nang bigla itong natahimik.
Pinatawag niya ang mga bodyguard niya para palabasin ang ama sa opisina niya.
"Bitiwan n'yo ako!" Pag pupumiglas nito at matalim na tumingin sakanya, "Hayop ka! Wala kang k'wentang anak!" Singhal nito.
Natawa naman si Randolf dahil sa sinabi nito, "Para namang ang laki ng silbi mo!" Sagot niya dito at tuluyan na itong pinaalis.
Napangiti siya dahil sa mga nangyayari, unti-unti ng natutupad ang kagustuhan niyang pabagsakin ang kanyang ama dahil na rin sa tulong ng mga kaibigan niya. Pinakitaan nila ng malaking halaga ang manager ng main branch ng kompanyang 'yon para baliktarin ang Ama niya at agad naman itong nasilaw sa pera. Inutusan niya itong sadyain ang pagpapabagsak ng sales nito hanggang sa unti-unti nang nalugi ang kompanya ng Ama niya.
Napatingin siya sa cellphone niya nang bigla itong mag vibrate sa ibabaw ng lamesa.
"Hello?"
"Man, mukhang mag kakaproblema tayo sa lintik na manager na 'yon," sagot ni Mille sa kabilang linya. Biglang dumilim ang mukha niya dahil sa sinabi ng kaibigan,
"Mukhang plano niyang kumanta," dagdag pa nito na mas lalong nag padilim sa mukha ni Randolf."Hanapin niyo siya at patayin n'yo siya kaagad!" Walang emosyong sabi niya sa kaibigan,
"Copy Man," sagot nito at pinatay na ang tawag.Napahigpit naman ang pagkakahawak ni Randolf sa cellphone niya.
"Dudurugin kita nang pinong pino..." Bulong niya sa hangin.
***
NAKANGITING nag lalakad si Bernadeth papunta sa opisina ni Randolf pero hindi pa man siya umaabot sa pinto nito ay agad siyang hinarang ng mga bodyguard.
"Sorry Miss, pero hindi ka po pwedeng pumasok," sabi nito.
Agad namang nairita ang babae at nag pumilit na pumasok.
"I just want to talk to him!" Singhal niya sa mga ito.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
Ficción GeneralDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...