Chapter 39

671 20 1
                                    

Chapter 39

PILIT na nakikipagpatentero si Randolf sa mga sasakyan. Alam niyang p'wede siyang mahuli dahil sa ginagawa niya pero wala na siyang pakialam dun.

Nang malaman nila ang nangyari sa mag ina niya ay agad silang umalis sa Isla.

"Man! Qen's location is changing!" Imporma sa kanya ni Jet na kasama niya.

Ang iba niya namang mga kaibigan ay nakasunod sa kanila habang ang iba naman ay inasikaso sina Madam Cora at para sa proteksyon ng mga ito.

Mas binilisan niya pa ang pag mamaneho at sinundan ang tracking device na naka-kabit sa k'wentas ni Qen.

NAPATINGIN ang mga tauhan ni Arthur kay Tristan nang makitang nag lalakad ito patungo sa p'westo nila habang may buhat-buhat na babaeng walang malay.

"Bukasan niyo," utos ni Tristan sa mga ito pero agad naman itong tumanggi.

"Naku Sir, hindi p'wede. Nakakulong diyan ang babaeng pinakuha samin ni Boss Arthur," pagtanggi nito.

Pagak na natawa si Tristan, "So? Ano naman?"

"Sino po ba ang babaeng 'yan?" Tanong ng lalaki at tinignan pa ito pagkatapos ay napangiti, "Bagong babae niyo na naman?"

Nginitian niya rin ito, "Yeah... Bored ako ngayon e," sagot niya na ikinatawa nila, "Sige na, buksan mo na," pangungumbinsi niya sa mga ito pero mukhang nag aalangan pa rin ito.

"Marami naman ang k'warto dito, Boss. Mas mabuting dun niyo na lang siya dalhin.

"Hindi p'wede... Baka makita pa ako ng Ma'am Bernadeth niyo," sabi niya naman.

Napatango naman ito, "Kung sabagay."

"Kaya buksan mo baka bumalik na ulit sila, bibilisan ko lang. It's easy for me to fuck her hard because she's asleep."

Tuluyan na itong nakumbinsi at binuksan na ang basement... Nakita niyang nakatali malapit sa pader si Queennie. Tulala ito at walang emosyon pero napatawa ito nang pagak nang makita siya.

"What's so funny, Mrs. Zaltega?" Tanong ni Tristan.

LUMIPAS ang araw ng hindi manlang kumain si Queennie. Sa mga nangyari, hindi niya alam kung malulunok niya pa ba ang pagkain.

Napatingin siya sa pinto nung bumukas ito at pumasok si Tristan na may kasamang babae.

Awtomatiko naman siyang napatawa at napailing.

"Kahit kailan talaga hindi ka nag bago," natatawang sabi niya dito, "Alam mo namang mabangis na hayop ang fiancé mo, pero ganyan ka parin... Good luck sa'yo."

Ito naman ang natawa, "Alam niyang ganito na ako simula pa lang, pero ganun niya ako kamahal dahil hindi niya manlang ako magawang pakawalan."
"Sobrang tanga niya pala kung ganun," komento niya at bahagyang napailing.

Agad siyang nataranta nang mag lakad ito papalapit sa kanya dala ang bag nang babaeng kasama nito.

"Anong gagawin mo?" Natatarantang tanong niya dito.

Hindi ito sumagot at binuksan ang bag nang babae at kinuha ang makeup nito pagkatapos ay sinimulan siyang lagyan ng kolorete sa mukha.

"Ano bang ginagawa mo!" Singhal niya dito at pilit na iniiwas ang mukha niya.

"Ako na ang nag me-makeup sa'yo para sa lamay mo," sagot nito at biglang tumawa.

Pilit niya paring iniiwas ang mukha niya pero hinawakan nito nang mahigpit ang baba niya at pilit na pinatingin sa kanya.

"H'wag kang malikot!" Saway nito.

Nang matapos ay marahas nitong binitawan ang baba niya at bumalik ulit dun sa kasama nitong babae pagkatapos ay sinimulan itong hubaran.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon