Chapter 41 (Final Chapter)

935 22 6
                                    

Chapter 41

NAPABUNTONG hininga si Randolf at marahan na hinilot ang sentido niya. Nasa opisina siya ngayon pero wala nanan dun ang isip niya kundi nandun kay Queennie. Sina Kio at Maica na muna ang bahala na mag bantay dun at mag asikaso kay Qen dahil may Press conference siyang kailangan puntahan. Kailangan niyang ipaliwanag kung ano talaga ang totoong nangyari at tungkol sa pagkamatay niya 'kuno'.

Sunod-sunod na tanong ang natanggap niya pero walang pag aalinlangan niya naman itong sinagot. Sinabi niya na rin na tauhan siya nito noon at kasabwat siya sa mga ginawa nito noon. Alam niyang p'wede siyang makulong sa pag amin niya pero malaki ang tiwala niya sa abogado niya...

Pagkatapos ng conference ay agad siyang nag tungo sa opisina niya para bawas-bawasan ang natambak niyang trabaho.

Napatingin siya sa pinto nang bumukas ito at pumasok si Cris. Para lang itong hangin na pumasok, hindi siya nito pinansin at nakatulala lang na nakaupo sa couch.

"You okay, Man?" Tanong niya.

Marahas itong napasuklay ng buhok at napabuntong hininga.

"Nahanap mo na ba siya?" Tanong niya na naman.

"Hindi pa rin... Nandito ako para sana hiramin ang Mansyon mo sa Isla," sabi nito.

Napatango naman siya, "Wala namang tao dun," sabi niya dito.

"Kung sakaling mahuli ko na ang nag pasabog sa kompanya ko, dun ko muna siya ikukulong para makasigurado akong hindi siya makakalaya," seryosong saad nito.

Napag alaman nila na hindi pala tauhan ni Arthur ang taong nag pasabog sa kompanya ni Cris noon... Hindi din nila alam kung ano ba ang intensyon nito para gawin 'yon.

"Anyways, how's Queennie?" Pag iiba nito sa usapan.

Napabuntong hininga muna siya bago sumagot, "She's doing well. Pero hindi pa rin siya nagigising. Sabi ng mga Doctor, ayos lang naman yun dahil nakakatulong daw 'yon para gumaling agad ang sugat niya," sagot niya.

Tumango naman ito pagkatapos ay tumayo na, "She'll be fine... Basta't maging matatag ka lang," saad nito, "Kailangan ko ng umalis, Man. Yun lang talaga ang pinunta ko dito," paalam nito.

Tuluyan na itong umalis kaya pinagpatuloy niya na ang ginagawa niya pero tinignan niya muna ang cellphone niya na linagay niya sa drawer ng mag press con siya kanina.

At agad siyang nataranta nang makitang maraming missed calls galing sa mga kaibigan niya lalo na kay Lexxian.

Agad siyang nag handa para bumalik sa Hospital at sa bawat hakbang niya ay pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso niya.

Sa labas ng k'warto ni Queennie ay naririnig niya na ang iyakan sa loob...

Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan at natulala na lang siya sa bumungad sa kaniya.

"Hi, My Dolfo..." Naiiyak na bati sa kanya ni Queennie.

Patakbo siyang lumapit dito at agad itong yinakap, "My Queen!" naiiyak bulong dito.

"Kuya! Saan ka ba galing! Kanina pa kita tinatawagan!" Naiinis na sabi ni sa kaniya ni Lexxian habang pinupunasan ang basa nitong pisngi dahil sa kakaiyak.

Masayang nakatingin sa kanila ang mga kaibigan niya, ganun din ang mga kaibigan ng asawa niya. Napatingin naman siya sa Ama niya, masaya itong nakikipagkulitan kay Qen.

"Thank you... Thank you for coming back My Queen," sabi niya dito at hinalikan ang pisngi nito, "I missed you so much," dagdag niya pa.

Yinakap din siya nito at pagkatapos ay pinunasan nito ang basa niyang pisngi.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon