Chapter 15
***
NANGHIHINANG napaupo si Queennie habang Nag uunahang tumulo ang Luha niya.
Umiiyak na ilinibot niya ang Tingin sa kabuuan ng Opisina nila. Natuon ang Atensyon nia sa Pwesto nila Maica at Kio.
Napahagolgol nalang siya ng iyak nang makitang wala na ang mga gamit ng mga ito.
Isang linggo na siyang laman ng Balita, tapos isang araw nalaman niya nalang na umalis na si Maica ng hindi manlang nag papaalam sakanya. Ganun din si Kio bigla nalang din itong umalis.
Hindi niya alam kung bakit s'ya pinaparusahan ng ganito. Iniwan siya ng mga magulang niya, trinaydor siya ng bestfriend niya, at ngayon iniwan na rin ng mga kaibigan niya. Si Jam nalang ang inaasahan niya na hindi mang iiwan sa kaniya.
Naapektuhan na rin ang trabaho niya sa Hospital. Most of the day nasa Opisina lang siya dahil nawawalan na ng tiwala ang mga ibang pasyente.
Napatingin siya sa pinto nang pumasok ang Secretary ng Director ng Hospital. Napatayo naman siya para salubungin ito.
"Dra. Grivenda, pinapatawag po kayo ni Director," sabi nito.
Tumango naman siya at sumunod dito. Nang makapasok sila ay bumungad sakanya ang iba pang mga Doctor na matataas ang posisyon including Jam.
"Good afternoon," bati niya sa mga ito.
"Have a seat Dra. Grivenda"Sabi ng isa sa mga ito
Naupo naman siya sa bakanteng upuan at kaharap niya si Jam na hindi makatingin sakanya.
Kinuyom niya ang kamay para maibsan kahit papaano ang kabang nararamdaman.
"We will go straight to the point Ms.Grivenda. We've been bothered since that issue of yours popped out pero hindi ka muna namin kinausap tungkol dun. Pero nag sisimula ng maapektuhan ang Hospital, unti-unti ng nababawasan ang mga pasyente'ng pumupunta dito dahil sa pag aakalang may baliw na Doctor ang Hospital na to"Sabi ni Mr.Alcala ang Papa ni Jam
"Director Alcala is Right. Nadadamay na ang Hospital at ibang Doctor dahil sa issue mong yan Ms.Grivenda"pag sang ayon ng isa
"I'm sorry for all of this fuss. I promise to fix this as soon as possible"hingi niya ng tawag
"You should. Kung ayaw mong matanggalan ng lisensya"sabi ni Mr.Alcala
Tumango naman siya pero may sumabat na naman.
"Kailangan na niyang mapatalsik sa Hospital! Kung mananatali parin siya dito baka tuluyan nang bumagsak ang Hospital na'to!"Sabat ng isa
Tumango naman ang ibang Doctor bilang pag sangayon.
"We agree"sabi ng mga ito at nag taasan ng kamay para sabihing Sangayon nga sila.Si Mr.Alcala at si Jam nalang ang hindi nagtataas ng kamay.
"Sir. Please give me a chance to fix this"pag mamakaawa ni Queennie
Huminga ng malalim si Mr.Alcala at unti unti nitong itinaas ang kamay.
Mas hinigpitan niya ang pagkakuyom ng kamao niya at napatingin siya kay Jam na walang emosyon na nakatingin sakanya.
"Jam, tulungan mo naman akong mag explain. Ikaw nalang ang kasama ko, alam mong hindi totoo ang mga balitang yun"pag mamakaawa niya sa lalaki pero hindi manlang nag bago ang emosyon nito.
Mariing napapikit si Queennie nang makitang nag taas narin ng kamay si Jam. Pakiramdam niya sinaksak siya ng maraming beses.
"I agree"sabi ni Jam
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
Fiction généraleDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...