Chapter 10

805 33 0
                                    

Chapter 10

KINABUKASAN tumambay silang magkakaibigan sa kusina. Walang umiimik sa kanila hanggang si Lexxian na ang bumasag sa katahimikan.

"Now what?" Tanong ni Lexxian sa mga kalalakihang tahimik lang.

Halos hindi sila nakatulog nang maayos dahil sa mga nalaman nila tungkol kay Queennie at 'yun ang pag- uusapan nila ngayon.

"Nakakalungkot ang nangyari sa kaniya. Masayahin siya pero may mga itinatago palang hindi maganda ang bawat tawa niya," komento ni Leonard.

"You're right. Nakakaimbyerna yung mga walang k'wentang taong yun!" Nang gagalaiting sabi ni Lexxian, "Ang I'll be very happy if I'll burry them alive!"

"So, anong gagawin natin?" Tanong naman ni Howen.

"Mabait si Queennie, nagawa pa nga niyang patawarin ang bruhang yun sa panunulot nito sa boyfriend niya tapos ganun lang ang igaganti niya?" Naiinis na sabat ni Lexxian, "At kung ako ang tatanungin, gusto ko siyang tulungang bawiin ang dapat para sa kaniya at oadanasin rin ng hirap ang mga taong gumawa nun sa kaniya... Kahit ngayon lang naman sana may magawa akong tama," dagdag pa nito.

Napaisip Rin rin si Randolf kung Gugustuhin Pa ba ni Queennie na Makaharap ang mga taong kinamumuhian nito. At kung gusto rin nitong bumalik sa dati nitong mundo.

Napatingin sila kay Glonar nang magsalita ito.

"Wala namang kaso kung tutulungan natin siya. Ang problema lang ay kung kaya ba natin siyang kalabanin ulit," makahulugang pahayag nito na nag patahimik sa kanila.

...

MALUTONG na napamura si Queennie habang dahan-dahang bumabangon sa higaan niya at sapo sapo ang ulo niya.

Nagpatingin siya sa paligid at nagtaka. "Paano ako nakarating dito?" Nag tataka niyang tanong sa sarili niya at pilit na inaalala ang nangyari pero sumasakit lang lalo ang ulo niya.

Napatingin naman siya sa orasan na nasa bedside table at agad siyang napabalikwas ng bangon nang makitang tanghali na pala.

Dali-dali niyang inayos ang sarili niya at nang makalabas siya ng k'warto ay dumiretso agad siya sa kusina. Nadatnan niyang kumakain na ang mga ito. "Pasensiya Hindi ko Na kayo naipagluto" Hingi niya ng tawad mga ito.

Ngumiti lang ang mag kakaibigan at tumango. Napatingin naman siya sa upuan ni Randolf, nagtaka siya nang makitang bakante ito.

"Nasaan si Randolf?" Tanong niya.
Nagkatinginan pa ang mga ito at Nagturo turuan kung sino ba ang mag sasabi pero Si Lexxian na ang Sumagot.

"Nandun sa Kwarto niya,"walang ganang sagot nito.

Nagtatakang tinignan niya ang mga ito bago puntahan si Randolf. Masaya siyang nag lakakad papunta sa k'warto nito at dahan-dahang pinihit ang seradura ng pinto. Sinigurado niyang hindi mag lilikha ng ingay dahil gusto niyang surpresahin ang nasa loob ng k'warto.

"Good Morning!" masayang bati niya kay Randolf nang makapasok siya.

Napansin niyang walang emosyon ang mukha nito at sa uri rin ng titig nito parang may ginawa siyang malaking kasalanan. Bigla naman siyang kinabahan dahil dun.
Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa kama at hinarap siya habang hindi pa rin nito inalis ang matalim na titig sa kaniya.

"A-ayos ka lang ba?" Kinakabahang tanong niya dito.

Imbes na sumagot, tinanong rin siya nito. "Ba't ka nag sinungaling sa'min? Sak'in?" Seryosong tanong nito at dama niya ang lamig ng bawat salita nito.

Pasimple niyang hinagod ang dibdib para pakalmahin ang puso niya dahil sa biglaang pag bilis ng tibok nito.

Tumikhim siya at pilit na ngumiti at sinalubong ang titig nito. "A-ano b-bang ibig m-mong sabihin?" Utal-utal niyang tanong dito at gusto niyang kutusan ang sarili dahil sa pagkakautal.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon