Chapter 32
Happy Reading ❤❤❤
...
KINABUKASAN buong araw na hindi lumabas ng k'warto si Queennie. Nang mahimatay siya, nagising na nalang siya sa k'wartong nainuukupa niya noon.
Wala siyang ginawa buong araw kundi ang humiga at umiyak. Nakakatulog na lang siya sa sobrang pag iyak at pagkagising niya naman hindi pa rin mawala-wala ang sakit na nararamdaman niya.
Sa sobrang sakit na naramdaman niya, namanhid na siya, ni gutom hindi niya maramdaman. Sa pangalawang pagkakataon... Maling tao na naman ang pinag katiwalaan niya, ang mas masakit pa, sobrang minahal niya ang taong 'yon.
Napatingin siya sa pintuan nang bigla itong bumukas at pumasok si Randolf.
Hindi niya ito pinansin at nag tulog-tulugan.
Naramdaman niyang umupo ito sa kamang hinihigaan niya.
"I know you're awake... kumain kana," may diing sabi nito.
"Ayoko."
Narinig niyang napabuntong hininga ito at hinila siya para bumangon.
"Ano ba! Binatawan mo ako!" Pag pupumiglas niya.
Binitawan naman siya nito at taim-tim na tumingin ito sa kanya.
"Kumain ka... Kung hindi para sa sarili mo, kahit para sa bata na lang," seryoso nitong saad.
Pagak siyang natawa habang nag uunahang tumulo ang mga luha niya. Siguro matutuluyan na siyang mabaliw sa pag kakataong 'to.
"Ayoko sabi!" Sigaw niya dito at tinapon sa sahig ang food tray nitong dala.
Matalim itong tumingin sa kanya pero hindi na siya tinablan nun.
"Why don't you just let me be?" Umiiyak niyang tanong dito, "Kung ayaw kong kumain wala ka ng pakialam dun! Hayaan mo na lang ako na mamatay sa gutom pati 'tong batang dinadala ko!" Singhal niya dito.
Sobrang nasasaktan na siya. Hindi niya na alam ang gagawin.
"Wala kang karapatang mag alala sa bata... Tinaggi mo siya hindi ba? At 'yon ang pinaka masakit saakin." Marahas niyang pilit niyang pinupunasan ang luha sa mga mata niya,"Pakiramdam ko... Isa akong kakawang sisiw na naligaw sa pugad ng mababangis na hayop..."
"Kaya hayaan mo na lang akong mamatay dito... It would be a very big victory for you if I die!"
Napahagolgol na lang siya ng iyak. Pakiramdam niya wala ng pag asa at mamatay ang tangi niyang naiisip para natakasan ang sakit na nararamdaman niya.
"... At kung wala ka namang gagawin sa'kin. P'wede bang umalis na lang ako dito at mag kalimutan na lang tayo?" Alok niya at hinawakan ang kamay nitong may benda. Gusto niya mang tanungin kung anong nangyari dun pero hindi niya nalang ginawa.
"Pangako... Mananahimik ako, wala akong pag sasabihan. Basta't makaalis lang ako dito. Parang awa mo na!" Pag mamakaawa niya dito at hinigpitan ang pagkakakapit sa kamay nito."Pangako hindi ako gagawa ng makakasira sa inyo. Mag papanggap ako na parang walang nangyari. Please... Hindi ko na kaya... hindi ko na kayang manatili dito kasama ka, hindi ko na kaya! Ang sakit sakit na!"
Binawi nito ang kamay na hawak niya... Pakiramdam niya sinaksak siya ilang beses dahil sa ginawa nito.
"Sige... Kung 'yan ang gusto mo, peke naman ang kasal natin kaya hindi tayo mahihirapang mag hiwalay," walang emosyong sabi nito.
Napatulala na lang siya sa likod nito hanggang sa makalabas ito ng k'warto.
Napahagolgol na naman siya ng iyak. Hindi niya inaasahan na ganun lang kadali matatapos ang lahat. Akala niya, si Randolf na. Akala niya ito na ang taong mag tatanggol sa kanya, pro-protekta sa kanya at mag mamahal sa kanya. Pero tama nga sila. Maraming namamatay sa maling akala.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
Ficción GeneralDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...