Chapter 27

643 22 0
                                    

Chapter 27

Happy Reading ❤

...

PADABOG na isinara ni Bernadeth ang pintuan ng k'warto nila ni Tristan pagkatapos ay tinignan ang paligid.  Nakatira na lang sila ngayon sa isang maliit na apartment, wala na siyang trabaho at si Tristan naman ay patuloy na nag hahanap.

Sinuklay niyang ang buhok pagkatapos ay nag mamadaling pinuntahan ang mga gamit niya at hinalungkat 'yon.

"Hindi ako mag papatalo sa'yo Queennie! Hindi!" Galit niyang sabi habang patuloy pa rin sa pag halungkat sa gamit niya.

Agad naman siyang napangiti nang makita na ang hinahanap niya. Nag mamadali siyang tumayo at inayos ang sarili niya para puntahan si Queennie...

TAAS noong nag lalakad si Queennie papunta sa opisina niya. Kung noon nahihiya siyang makatinginan manlang ang mga empleyado niya, hindi na ngayon. Mas malakas na ang komp'yansa niya sa sarili.

Thanks to her loving husband.

"Good morning po, Ma'am," bati sa kanya ng nakasalubong na empleyado.

Nginitian niya naman ito at tinanguan habang nakasunod naman sa kanya si Rhay at Gemma.

Nang makarating sila sa opisina niya ay agad na nawala ang maganda niyang mood nang makitang prenting nakaupo si Bernadeth sa swivel chair niya.

"What the hell are you doing here?" Walang emosyong tanong niya dito.

Ngumiti lang ito at pinagkislop ang mga kamay. Sinenyasan niya naman si Rhay at Gemma na umalis lang muna at iwan silang dalawa.

"Sigurado po kayo Ma'am?" Bulong ni Gemma.

Tinanguan niya lang ito at agad namang umalis ang dalawa. "Ano na naman ba ang ginagawa mo dito?" Tanong niya ulit.

"Nandito ako para ibalik lahat ng pinaghirapan ko," sagot nito na ikinatawa niya ng pagak.

"Ano? Baka ang ibig mong sabihin ay pinaghirapan mong nakawin?" Natatawa niyang sabi.

Napatayo ito at matalim na tumingin sa kaniya. "Kahit papaano naman ay may naitulong din ako para sa ikabubuti ng kompanyang 'to! " Sigaw nito, "kaya dapat lang na sa'kin ang kalahati nito!" Dagdag pa nito at biglang may ilinapag na folder sa mesa.

"Ano na naman 'yan?" Walang gana niyang tanong dito.
"Yan ang katibayan na sa'kin ang kalahati ng kompanyang 'to!" Sagot ito.

Napabuntong hininga naman siya at pumunta sa isa sa mga cabinet niya at kinuha ang kopya ng dokumento na ibinigay sa kanya ni Randolf.

"Ito naman ang katibayan ko na nag sasabing 70 percent ng kompanyang 'to ay sa'kin! At ni 0.1 wala kang parte dito kaya ano pang silbi ng pinaglalaban mo?!" Determinado niyang sabi dito at ilinapag ang dokumento sa mesa.

Agad naman itong kinuha ni Bernadeth at binasa. "H-hindi! Hind maari!" Sigaw nito at itinapon ang mga papeles, "Trinaydor nila ako! Mga traydor sila!" Sigaw pa nito.

"P'wede ba Bernadeth tumigil kana! Hanggang kailan mo ba balak agawin ang kompanyang pinaghirapang itayo ng mga magulang ko!" Singhal niya dito, "Itigil mo na ang mga kabaliwan mo hangga't hindi ko pa isinisiwalat ang mga ginawa mo saakin noon," banta niya.

Tumawa naman ito na parang baliw,
"Hindi mo ako mapipigilan! Hinding-hindi ako titigil hanggang sa pareho kayo ng asawa mo na mawala sa landas ko! Kung makukulong rin lang naman ako sa huli mas mabuti pang sagarin ko na!" Banta naman nito at nag mart'yang umalis ng opisina niya.

Napabuntong hininga siya at hinilot ang sentido niya.
"Kailan ba uli tatahimik ang buhay ko?"

Binasa niya ang dokumentong ilinapag ni Bernadeth kanina at binasa 'yon. Napahinga siya ng malalim nang mabasa na kalahati nga ng kompanya ay nasa pangalan ni Bernadeth, katibayan pa nito ang perma niya.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon