Chapter 5
***
PILIT na nakikipagsukatan ng tingin si Bernadeth sa taong nasa harap niya.
"Ano naman ang kapalit?" Tanong ng taong kaharap ni Bernadeth.
"Magbabayad kami kahit mag kano," sagot naman ng kasama ni Bernadeth.
The Man infront of them smirked as he leaned forward at clasp his hands.
"I dont accept money as a payment," sabi nito sa kanila.
Kinakabahang napalunok naman si Bernadeth.
"Nag sisimula palang kami kaya bukod sa pera wala pa kaming maibibigay sa 'yong iba," sabi ni Bernadeth.
Ngumiti ito ng nakakaloko at umaktong nag isip, "Alam niyo kasi... That company has been my rival for how many years already. They are really trying so hard to reach my spot. Pilit nilang inaagaw ang p'westo ko kaya aprobado ko ang pinaplano niyong pabagsakin sila," sabi nito.
Napangiti naman si Bernadeth at nang kasama niya pero agad ding napawi yun nang mag salita ulit ito.
"As your payment... The Half of the Company will be mine," pahayag nito na ikinagulat ni Bernadeth at nang kasama niya.
They're right... he's really smart interms of negotiations.
"Basta't bumagsak sila. We're okay with that," sabi ni Bernadeth.
"It's a deal then?" Tanong nito at hindi parin maalis ang nakakaloko nitong ngiti.
Huminga muna siya ng malalim bago mag salita.
"Deal..."
***
NATATAWANG bumaba ng hagdan si Queennie galing sa k'warto ni Randolf.
Tinotopak na naman ang loko at ayaw makisabay kumain kasama ang mga kaibigan nito dahil mangungulit na naman ang mga ito kaya naman mag luluto nalang siya ng pagkain para lang sa lalaki at dadalhin niya sa k'warto nito.
"Good evening boys," bati niya sa mga lalaking maganang kumakain.
Binati rin siya ng mga ito at pinasasabay ng kumain pero tumanggi siya dahil sasabayan niyang kumain si Randolf sa taas.
Habang Abala si Queennie sa pagluluto, narinig niyang nag hiyawan at nag tawanan ang mga lalaki mula sa dining area. Sa ilang buwan niyang paninirahan dito na sanay na siya sa mga ingay ng mga ito.
Nang matapos siyang mag luto ay agad niya itong hinanda pero inuna niya munang ihanda ang dessert sa mga lalaki at nang mailapag niya ito sa lamesa ay agad naman itong kinain.
Natuon naman agad ang atensyon niya sa nag gaguwapohang tatlong lalaki na nakatayo malapit sa kaniya at nakatitig habang nakawang ang mga bibig na parang gulat na gulat ito na makita siya.
Bago sa paningin niya ang mukha nito. In other words hindi niya kilala ang mga Ito.
"Woah! Woah! Namamalik mata ba ako?" Hindi makapaniwalang tanong nang isa na blonde ang buhok at may hikaw sa kaliwang tenga. "May babae ba talaga dito?"
"Sino ka?" Tanong naman ng isa na may halong kulay pula ang buhok at maputi na para itong uminom ng isang litrong glutathione sa sobrang puti habang ang isa naman ay payat pero matipuno ang pangangatawan at may maliit na tatto sa leeg.
Ito na yata ang Isla na may pinakamaraming kampon ni Adonis!
"Ako yung maid nila," naiilang niyang sagot sa tatlo.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
Ficção GeralDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...