Chapter 30

712 19 2
                                    

Chapter 30

Happy Reading❤

...

SA nakalipas na buwan mas naging maalaga si Randolf kay Queennie, at mas naging understanding. Lalo pa't pabago-bago ang mood ng asawa niya dahil sa pag bubuntis nito.

Napangiti siya ng madatnan niya si Queennie na tinitignan ang sarili sa salamin. Linapitan niya ito at yinakap mula sa likuran.

"What's with your face? Ba't nakasimangot ka?" Nag tatakang tanong niya dito.

Nag mamaktol itong humarap sa kanya, "Mag dadalawang buwan palang akong buntis pero ang taba ko na, paano pa kaya sa susunod pang mga buwan?" Reklamo nito.

Natawa naman siya dahil sa tinuran nito kaya tinignan siya nito ng masama.

"H'wag mo nga akong tawanan!" Singhal nito sa kanya at kinurot siya sa tagiliran.

"Natural lang naman sa buntis ang tumaba, para healthy rin si Baby."

Mas tumalim ang paningin nito sa kanya, "So sinasabi mo talagang mataba na ako?" Naiinis na tanong nito.

Napatikhim siya at hinapit ito papalapit sa kanya, "Ano naman kung mataba ka na? Maganda ka pa rin man," komento niya.

"Baka kasi bigla kang mag hanap ng sexy!" Nag mamaktol nitong sabi, "subukan mo lang! Talagang tatamaan ka saakin!" Pag babanta naman nito na ikinatawa niya.

Yinakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa mag kabilang pisngi, "Hindi naman issue saakin ang katawan mo, mas issue saakin ang mga kinakain mo. These past few days mas lalong nagiging weirdo ang mga gusto mong kainin."

Tumawa lang ito at inayos ang neck tie niya.

"Hayaan mo na, ngayon lang naman." Nakangiting sabi nito at muling humarap sa salamin, "ayos lang ba ang suot ko?" Tanong naman nito.

Tinitigan niya naman 'yon ng mabuti.

"Pangit ba?" Nag aalalangtanong nito.

Napangiti siya, "You're so gorgeous, My Queen... But I bet you're more gorgeous when you're naked," bulong niya sa tenga nito at hinalikan ito pababa sa leeg nito.

"Heh! Umalis na tayo Dolfo, baka malate pa tayo niyan," saway nito at hinila na siya palabas ng k'warto nila.

Ihahatid niya ito ngayon sa office nito. Gusto niya sana na hindi na ito mag trabaho at siya na lang ang bahala sa lahat para hindi masyadong ma-stress, pero mapilit ito. Hindi pa naman daw masyadong malaki ang tiyan nito.

Nang makarating sila sa GGC ay agad silang dumiretso sa Conference room dahil may importanteng meeting ang asawa. Pagkapasok nila ay agad na natuon ang atensyon niya kay Benjamin na prenting nakaupo.

Parang biglang huminto ang mundo niya lalo pa nung idineklara ni Queennie na ito na ang bagong COO ng kompanya.

"Mrs. Zaltega, gusto lang po naming malaman kung bakit biglaan ang pag dedeklara niyo kay Mr. Quenñiza bilang bagong COO. Baka maraming mag taka kung bakit isang estranghero ang biglaang ipinalit mo sa bakanteng posisyon," reklamo ng isang Board member.

Napangit ang asawa, "Wala ba akong karapatang gawin 'yon?" Nakangiting tanong ni Queennie at inisa-isang tinignan ang mga taong nanduon, "I know what I'm doing at hindi siya estranghero para saakin. Matagal ko na siyang kilala and don't worry, mapapagkatiwalaan natin siya," sabi nito at tumayo na sa swivel chair nito, "That would be all for today. Thank you."

Nag sitayuan na rin ang mga ito at nag bow kay Queennie. Habang si Randolf naman ay naiwan at matalim na tinignan si Benjamin. Nginitian naman siya nito at di nag tagal ay sunod-sunod ng nag paalam sa kanya ang mga ka-meeting ni Queennie.

Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega  (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon