Chapter 22
***
"ZALTEGA, Ayos ka lang ba?" Tanong ng kaklase niya sa taekwondo na si Kio.
Napabuntong hininga naman si Randolf bago sagutin si Kio.
"Yeah. I'm good." Sagot ni Randolf.
Ngayon ang tournament ng taekwondo, sila ni Kio ang representative ng School nila. Mabuti nalang at naabisuhan kaagad ng coach niya ang tungkol sa nangyari kaya makakalaban siya sa tournament.
Napatango naman si Kio at nginitian siya.
"Good luck, basta't kalma lang tayo ah." Sabi ni Kio bago siya tuluyan nitong iniwan.
Pumasok si Randolf sa boy's locker room at nadatnan niya doon ang mga makakatunggali niya na galing sa iba't ibang skwelahan, hindi pa man lubusang nakakapasok ay agad na may humarang sa kaniya.
"Ikaw si Randolf Zaltega hindi ba?" Tanong nito pagkatapos ay pagak na natawa. "Narinig ko na may muntik ka ng mapatay dun sa school niyo, nakakapagtaka naman na nakaabot ka dito, binantaan mo ba sila para mapayagan kang makalaban dito?" Pang aasar nito.
Seryoso lang itong tinignan ni Randolf bago ito lampasan at hindi nalang pinansin.
Hanggang sa nagsimula na ang tournament at tinawag na si Randolf, sakto namang natapat sa kaniya ang lalaking humarang sa kaniya kanina.
Tumaas ang gilid ng labi ni Randolf ng makita ang takot sa mukha nito, mukhang sa tingin niya palang babagsak na ito, paano pa kaya kung banatan niya na?
Nag simula na ang laban at mukhang hinihintay nito na siya ang maunang tumira kaya wala nang pinaglagpas na pagkakataon si Randolf at agad itong binanatan, ng maibagsak niya ito ay agad niya itong inibabawan at sinakal.
Pinipigilan si Randolf ng mga tao doon dahil hindi na tama ang ginagawa niya pero nag mistulang bingi ang lalaki.
"Randolf! Tama na yan! Ano ba!" Saway ni Kio at pilit siyang hinila nito patayo.
Marahas niyang inalis ang kamay ni Kio na nakahawak sa mga braso niya habang matalim na tinignan ang kalaban niya.
"Yan ang napapala ng mga taong mayayabang! Pasalamat ka hindi kita tinuluyan!" Galit na sigaw ni Randolf at padabog na umalis.
Nang dahil sa nangyari na disqualified ang School nila pati si Kio hindi nakalaban dahil sa ginawa niyang gulo, pero wala naman siyang pakiaalam dun. Simula ng mag bago siya nawalan na siya ng pakiaalam sa kapwa at sa mga nalapaligid sakanya.
......
"So? How was the tournament? Did you win?" Tanong sa kaniya ng lalaking inutangan niya ng pera na ngayon ay ang taong kumopkop sa kaniya.
"Na disqualified ako, muntik ko na kasing mapatay ang kalaban ko." Walang buhay na sagot ni Randolf.
Napatawa naman ang lalaki. "Yan ang gusto ko sayo bata. Good job." Natatawa nitong sabi pag katapos ay may binigay sa kaniyang listahan.
"Yan ang mga listahan ng mga sisingilin mo, kung hindi mag bayad, alam mo na ang gagawin." Pagahayag nito pagkatapos ay tumawa.
Napataas naman ang gilid ng labi ni Randolf.
"Cool." Walang emosyong komento ni Randolf pagkatapos ay umalis na par gawin ang trabaho niya.
...
Agad na bumaba ng sasakyan si Randolf ng mai-park niya ang kotse at pumasok sa destinasyon niya.
Tinignan niya muna kung sino ang una sa listahan at hinanap ito.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
Ficțiune generalăDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...