Chapter 19
***
NAG mamadaling kinuha ni Randolf ang mga gamit niya para umalis.
"Oh? Randolf? San punta mo?" Tanong ng isa sa mga kasamahan niya sa trabaho.
Hindi niya ito sinagot at dali-daling lumabas, hindi na siya nakapag paalam sa boss niya dahil sa pag mamadali. Nang makalabas siya sa Restaurant ay agad siyang tumakbo papunta sa Mama niya na nasa Hospital. Hindi na siya nag abalang mag hintay ng sasakyan dahil gusto niya ng makita ang Mama niya.
Tinawagan kasi siya ng katrabaho ng Mama niya sa Hotel at sinabing nahimatay daw ang Mama niya kaya naman agad siyang nagmadali na puntahan ito.
Humahangos na pumunta siya sa may station ng Hospital para tanungin kung nasaan ang Mama niya at ng sabihin nito kung anong room ay kaagad din siyang tumakbo papunta doon.
"Ma!" Sambit niya sa pangalan nito ng makita itong nakahiga sa kama.
Hinawakan niya kaagad ang kamay nito at ilinapat sa mukha niya.
"Ma, ayos ka lang ba? Kamusta ang pakiramdam mo?" Naiiyak niyang tanong sa Mama niyang natutulog.
Napatingin naman siya sa pinto ng pumasok ang katrabaho ng Mama niya.
"Oh? Hijo, nandito ka na pala," sabi nito ng makapasok.
"Ano pong sabi ng Doctor? Okay lang po ba ang Mama ko?" Nag aalalang tanong niya dito.
"Sinuri na siya ng mga Doctor kanina pero hindi pa lumalabas ang resulta" sagot nito at hinaplos ang ulo niya.
"O siya, babalik na muna ako sa trabaho ko, bantayan mo muna ang Mama mo, babalik ako dito bukas," paalam nito.
Ihinatid niya naman ito sa may Pintuan. "Sige po, mag iingat po kayo, salamat nga po pala sa pag dala kay Mama dito at sa Pag tawag niyo po sa'kin," sabi niya dito.
Napangiti naman ito. "Naku wala yun, sige alis na ako."
Hindi muna siya pumasok sa skwelahan para mabantayan ang Mama niya. "Kamusta na ang pakiramdam mo Ma?" Tanong niya ng magising ito.
"Ayos naman ako anak, mukhang nasobrahan lang ako sa kakatrabaho," sagot nito.
"Sabi ko naman sayo wag kang masyadong mag papagud eh ang tigas talaga ng ulo mo," sermon niya sa Mama niya.
Napangiti naman ito at ginulo ang buhok niya. "Ikaw talaga!" Natatawang sabi nito.
"Umuwi na tayo nak, baka lumaki ang babayaran natin kung mag tatagal pa ako dito," sabi nito.
Napailing naman siya dahil sa sinabi ng Mama niya.
"Hindi pa tayo pwedeng umalis Ma, hindi ka pa okay, hindi pa nga lumalabas ang resulta ng test mo." Hinawakan niya ang kamay nito, "wag mo ng alalahanin yung babayaran natin, ako na ang bahala dun, mag a-advance nalang po ako dun sa pinagtatrabahuan ko," sabi niya dito.
Napatitig naman sa kaniya ang Mama niya at bigla siyang yinakap. "Ang anak ko, napabait at napakasipag," biglang sabi nito.
Bumitiw naman siya sa yakap nito dahil bigla siyang may naramdamang kakaibang kaba sa dibdib niya.
"Basta Ma, mag pagaling ha? Magagalit ako pag hindi ka makinig sakin, wag ka munang mag trabaho, ako na man ang mag aalaga sa'yo," sabi niya sa Mama niya.
Napangiti naman ito at tumango.
"Alis muna ako Ma, mag papalit lang ako ng Damit, kukuha din ako ng Gamit mo at ng pera para sa babayaran natin," paalam niya.
BINABASA MO ANG
Secret Identities Series#1: Randolf Zaltega (COMPLETED)
Genel KurguDahil sa alak na ininom ni Queennie na may halong pampatulog ay naisama siya sa mga babaeng prostitute na ipapadala sa isang isla para sa grupo ng mga kalalakihan. She became one of those girls who's willing to beg for pleasure, she became Randolf Z...