KABANATA 5

48 4 0
                                    

L E O ' s  P O V
"Sama ka?" anyaya ko kay Chain.

"Saan ang punta niyo?" nakangiting tanong niya habang nakatingin sa amin.

"Shooting Range." kaswal na sagot ni Bench.

"Sasama ako!" masiglang tugon niya habang nakatingin sa akin.

Ang ganda talaga ni Chain lalo na iyong nakakaakit niyang blue (left) and green (right) eyes. Pero parang may something sa kanya na hindi ko mafigure-out at hahanapin ko ang sagot doon.

"Matunaw ang pinsan ko." komento ni CU habang nakahawak sa balikat ko.

"Ay hehehe anong gagamitin nating sasakyan pala?" pasimpleng tanong ko habang nagkakamot ng batok.

"Motorbike!" masayang sagot ni Oli.

"Magpants ka, Chain." bilin ni Manong CU sa pinsan niya.

"Opo manong CU." pang-asar niyang tugon habang nakamake-face kay CU at paakyat nang hagdan.

"At sa akin ka na sumakay mamaya!" bilin pa niya.

"Ayoko nga! Ako ang mamimili!" pasigaw niya tugon.

Napailing naman si CU.

"Wala ka pala sa pinsan mo, CU!" kantyaw ni Zychine.

Sumang-ayon naman kami ni Oli at mas lalong inasar si CU.

Napansin ko naman ang tahimik na si Bench habang nakatingin sa hagdanan na parang inaabangan si Chain sa pagbaba.

Lumapit naman ako kay CU nang tumigil na kaming pang-aasar sa kanya.

"CU," mahinang tawag ko.

"Hmm?"

"Ano ba talaga ni Bench si Chain?" usisang tanong ko.

Sasagot na sana siya ngunit narinig namin ang magiliw na bungad ni Chain mula sa hagdan.

"NAKABIHIS NA KO! TARA NA!" aniya.

Lalo pa siyang gumanda sa paningin ko sa ayos niyang messy bun hairdo, off-shoulder red floral top, black highwaisted pants at white sneakers.

"Kay Bench ka magtanong." sambit ni CU habang nakahawak sa balikat ko.

Sabay kaming nagpunta sa garage.

"Sa akin ka na sumakay, pinsan!" pilit ni CU.

"Ayoko nga, Ukairo."

"Safe ako magdrive," Oli said as he winked.

"Huwag ka dyan, Chain! Sa akin na lang!" sambit ko.

"Naku! Mas lalo kay Leo! Sobrang bilis niyan magpatakbo na parang hinahabol ni Kamatayan! Kaya sa akin na lang!" sabat ni Zychine.

Siraulo 'to! Siniraan pa ako.

Natawa lang siya sa amin at sumakay sa motorbike ni Bench.

Nagulat naman kaming lahat.

"Mga bunganga ninyo baka pasukan ng mga langaw." natatawang niyang biro sa amin at, "Tara na!"

SHOOTING RANGE.
Tulad ng dati ay nagsuot kami ng safety gear bago nagtungo sa shooting area.

"Do you know how to use this?" pagtatanong ni Bench kay Chain habang nakaturo sa baril na nasa lamesa.

Nakanguso habang nag-iisip si Chain.

"I teach you if you don't." dagdag pa ni Bench.

"Hehehe, sige." parang bata niyang tugon kay Bench.

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now