KABANATA 27

36 4 0
                                    

M Y X I E L ' s  P O V
K I N A B U K A S A N . . .
"M-Morning-" putol na gulat na bati ni Leo nang madatnan ako sa dining room na nag-aagahan.

Napatingin lang ako saglit sa kanya at bumalik din sa pagsubo ng breakfast ko.

"Ang aga mo naman yatang gumising ngayon? Kasi sa mga ganitong oras ay ako palang ang gising ha?" takang pagtatanong niya sa akin.

"Wala. Trip ko lang, may angal ka ba doon, Leo?" masungit kong tugon sa kanya.

"Wala boss hehe ano pala? Tuloy ba ang punta natin sa orphanage mamaya?" pag-iiba niyang tanong.

Nagkibit lang ako ng aking balikat.

"What's up Mother Earth!" sigaw ni Oli at gulat din na makita ako.

"Bench, my friend, ang aga mo ngayon ha? O baka naman hindi ka na natulog dahil sa mga rebelasyon kahapon?" pambabawi niyang bungad sa akin.

Hindi naman ako sumagot sa kanya.

Dahil hindi ako interesadong kausapin sila ay wala silang nagawa kung hindi ang kumuha ng makakain nila at magtimpla ng kanya-kanya nilang kape.

Naging tahimik lang kaming kumakain na tanging paghinga at pagnguya ang naririnig mula sa aming tatlo.

"Zychine, saan ka galing?" pagtatanong ni Leo.

Napalingon din ako sa bagong dating na si Zychine sa dining room.

"Nagjogging doon sa park at dumaan din kila Chain. Ang aga ngang nagising noong kambal hahaha tinalo pa ako sa paagahan na magising. Mukhang alas-tres o alas-kwatro pa yata gising pati sila Chain, Perri, Astride at si Dash. Si CU na lang ang hindi nagigising sa kanila." masayang kwento niya sa amin.

"Weak talaga pagdating sa paggising nang maaga si CU hahaha tulog-mantika kasi!" natatawang komento ni Leo at Oli.

"Nga pala, pinapasabi ni CU sa akin kagabi na hindi siya makakasama sa orphanage kasi susulitin daw niyang makabonding ang kambal pati si Dash at makikicelebrate na din ng birthday ni Chain at Christmas Eve." dagdag pa niya.

"Paano ba iyan? Ipacancel na lang natin ang pagpunta doon ngayon." komento ni Leo.

"Oo nga Bench, kasi kung kulang tayong bibisita baka malungkot ang mga bata kasi wala si CU ih siya ang pinakalapitin ng mga bata doon." pagsasang-ayon ni Oli.

"Pero diba naging tradisyon na nating pumunta doon?" pagtatanong na sabat ni Zychine.

Hindi naman ako nagkomento para doon dahil pinag-iisipan ko pa kung anong dapat kong gawin para sa amin na ito.

Napatigil ako sa pag-iisip ng may narinig kaming nagtatakbo at tumatawang mga bata mula sa front door.

Napatayo ako pati ang mga kasama ko at sabay-sabay kaming pumunta sa living room dahil nandito na ang mga ingay na nasa labas pang kanina.

"Debora! Messiah! Huwag malikot at maupo lang kayo dyan." marahang bilin ni Harmony sa kambal.

"You have a big house, Tito CU!" manghang sambit ni Debora.

"This is not mine, kiddo." ani CU.

"If this is not yours, who is the real owner?" pagtatanong naman ni Dash.

"Him." simpleng tugon niya habang itinuturo ang direksyon ko.

Tumango lang siya habang nakatingin sa akin.

"Hindi pa pala kayo nakabihis." biglang sambit ni Perri sa amin.

"Diba may pupuntahan kayong orphanage ngayong araw?" patanong na pahayag ni Astride sa amin.

Nagpaalam naman si CU na magpupuntahan sa kwarto para makaligo at makapag-ayos ng sarili pati ang tatlong mokong.

"Hello Papa!" inosenteng nakangiting bati sa akin ng kambal at yumakap sa binti ko.

Sabay ko silang binuhat sa mga bisig ko at nginitian silang dalawa na sabay pang humalik sa aking magkabilang pisngi.

Nagtataka lang ako kung bakit parang welcome na welcome na ko sa buhay ng kambal? Na parang ayos lang sa kanila na tawagin akong papa? Kinausap kaya ni Harmony? O baka naman ... pero imposible ang iniisip ko dahil wala pang 24 hours noong makilala nila ako ... pwede ding alam na talaga nilang ako ang tatay nila dahil napansin ko iyon noong ipakilala ako ni Harmony sa kanila ay niyakap nila agad ako. Ano ba talaga?

F A S T F O R W A R D . . .
Nakasakay lang ulit kami sa private high-tech mini bus nang pamilya ni Leo.

"Wow! Parang house, Mama!" manghang komento ng kambal.

Ngumiti lang si Harmony sa kambal.

"Mama! Mama! I want to watch Spongebob Squarepants in the TV! Pwease???" nakapuppy-eyes na pakiusap ni Debora.

"Debora, stop it! It's so embarrassing! We will watch in my ipad." suway ni Messiah at inilabas ang ipad niya mula sa bagpack niya.

Nakasimangot lang si Debora.

"But it is too small for me to watch, Kuya Messiah!" pagmamaktol pa niya.

Minaniobra naman ni Leo ang flatscreen at pinagbigyan ang gusto ni Debora.

"Yehey! Thank you po!" masayang sambit niya at tumingin kay Messiah, "Bleh!"

"Tssk." masungit na tugon ni Messiah at nakinuod na lang kasama ni Debora.

Napailing naman ako sa magkaibang ugali nilang dalawa pagdating sa isang bagay.

Nakikinuod na lang din kaming mga matatanda habang magkakatabing nakaupo sa sofa at ang iba ay nakadapang nakahiga sa kama.

Sofa: *right to left*
Dash》Harmony》Messiah》Debora》 Me》Leo
Double deck: Perri & Astride 》CU | Zychine》Oli

"Chain, ilang taon na sila DM?" pasimpleng tanong ni Oli.

"Turning into three." nakangiting sagot niya.

"Hindi halata parang silang 6 years old kasi halos fluent ang English speaking nila pati ugali." singit ni Leo.

Ngumiti lang si Harmony.

"Kailan ba ang birthday nila?" tanong naman ni Zychine.

"New Year's Eve hmm December 31."

"Wow! Halos naging double celebration ang mga occassion!" komento ni Oli.

Tumawa lang si Harmony.

"Mama," rinig kong pagtatawag ni Messiah.

"Hmm?"

"Happy birthday po!" masayang bati niya at humalik sa pisngi.

"Thank you, Honey."

"Ma!" pagtatawag naman ni Debora.

"Yes, Honey?"

"Happiest birthday, Mama!" bati din niya at may ibinigay na isang card.

"We made it for you." sabay na pahayag ng kambal.

"Thank you so much, honey." maluha-luhang tugon ni Harmony.

"So sweet kiddos!" tili nila Perri at Astride.

No comment kaming mga boys.

Binuksan ni Harmony ang card, may nakaguhit doon na isang bahay na may isang pamilya [Messiah, Mama Chain, Papa Bench, Debora] tapos may extended family pa [Dash, Girlfriends ni Harmony at mga kaibigan ko] at may nakasulat din na "HAPPY BIRTHDAY MAMA!"

Napangiti lang ako sa ginawang regalo ng kambal.

Hindi pa pala namin binabati si Harmony dahil may inihanda kaming munting surpresa sa kanya doon sa orphanage at sana magustuhan din niya tulad ng ginawa ng kambal para sa kanya ngayong kaarawan niya.

Pumunta sa harap ni Harmony ang kambal at niyakap siya habang hinahalikan sa magkabilang pisngi.

Thanks God for the opportunity to see this beautiful view and the opportunity to be with them for the rest of my life. But there is one thing that I wanted to have in my life is to be loved by Harmony again. I hope I can get it!

"Selfie time, Mama!" masiglang sabi ng kambal.

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now