KABANATA 12

49 4 0
                                    

M Y X I E L ' s  P O V
"Sa anong lugar na ulit tayo nakatira, Ukairo?" pagtatanong ni Harmony kay CU.

"Blackwood Village, Palayan City, Nueva Ecija." sagot naman nito.

Kasalukuyan kaming anim na nasa library ng school para sa mga gawaing kailangan namin ipasa sa mga instructor namin.

Tumango naman si Harmony kay CU at nagtipa sa kanyang phone.

"Bakit mo natanong?" takang tanong ni CU sa kanya.

Arrangement:
Left wing: Zychine 》Harmony 》Leo Right wing: CU 》Me 》Oli

"DM." simpleng sagot niya at saglit na sumulyap sa akin pabalik kay CU at sa phone niya.

"Ow, bakit naman daw?" dagdag pa ni CU habang nakangising nakatingin sa akin.

"Tssk." mahinang react ko at inilihis ang tingin sa librong hawak-hawak ko na kanina ko pang binabasa.

"Gusto niya daw malaman kung nasaan ako nakatira ngayon para daw may ideya siya kapag bumisita siya dito sa birthday ko hahaha alam mo namang gusto din niyang magkaroon kami ng matitirahan dito maliban doon sa bahay namin sa Switzerland." mahabang paliwanag niya kay CU habang nagtitipa pa din.

Magkasama sila sa iisang bubong? Live in na sila ni DM?! What the fugde!

"Magkasama kayo sa iisang bubong?" gulat na tanong noong tatlong ugok.

"Oo naman, kasama din namin doon sila Mamita at ang parents ko." nakangiting sagot niya habang nakatingin sa akin.

Tumango-tango sila at naramdaman kong nakatingin siya sa akin.

"May one week pala tayong vacation sa susunod na buwan bago matapos ang first semester!" masayang sambit ni Zychine sa amin.

"Talaga!? Parang gusto kong mamasyal!" masiglang tugon ni Harmony.

"At saan mo balak mamasyal?" masungit na tanong ni CU sa kanya.

"Tagaytay hehehe gusto ko ding maghiking." parang bata niyang tugon dito na makikita ang excitement sa mukha niya.

"Tamang-tama My Loves! May resthouse kami doon sa malapit sa Taal Lake at wala doon sa susunod na buwan ang Tita Fatima ko kasi pupunta siya ng Denmark." masayang suhestyon ni Oli.

Arggh! Nakakapangselos na nakakangiti siya sa ibang lalaki pero siya akin kaya hindi pwedeng pagbawalan siya.

May bigla namang lumapit sa amin na isang babaeng Criminology student at nagsalita, "Miss Chain, Mr. Bench, pinapatawag po kayo ni Mr. President sa Admin Building."

"Sige, salamat po." magalang na tugon ni Harmony.

"At pinapatawag po pala ang lahat sa amphitheater dahil may program po." dagdag pa niya bago nagpaalam na aalis at lumapit sa ibang estudyante para sabihin ang inutos sa kanya.

"Kita na lang tayo sa amphitheater." paalam noong apat sa amin at naunang umalis.

Tinulungan ko naman si Harmony sa mga librong dala niya at tahimik lang kaming naglakad patungo sa Admin Building.

"Good morning, Mr. President." magalang naming bati nang makapasok kami sa office niya.

"Good morning and have a seat." balik-bati niya.

Naupo naman kami sa silyang nasa harapan ng kanyang lamesa.

"Pinatawag ko kayo dalawa dito dahil magpeperform kayo mamaya sa program na ginaganap ngayon sa amphitheater." nakangiting saad niya.

"Po?" halos sabay naming tugon.

"Magkakaroon kayo ng isang intermission number at depende sa inyo ang gagawin ninyo doon mamaya." simpleng paliwanag ni Mr. President.

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now