O L I ' s P O V
Matapos ang graduation namin noong isang linggo ay okay naman ang lahat at nakaalis ng maayos ang pamilya ni Chain para magpunta sa Denmark upang makaiwas sa nagbabagyang panganib na kahaharapan namin.Noong araw kung kailan nila niraid ang Twin G Company at secret hideout ay nagpupumilit si Chain na sumama ngunit pinigilan namin lalo na si Bench dahil natatakot kaming doon siya mamamatay. Mabuti man ang hangarin namin na iligtas si Chain ngunit gumamit kami ng kaunting pandadaya upang hindi siya tuluyang magpunta roon. Umaga bago ang party sa Twin G ay nilagyan namin nang pampatulog ang kanyang breakfast na siyang napagtulog sa kanya hanggang kinabukasan.
Kasalukuyan kaming nanunuod sa balita patungkol sa naganap na raid sa party ng Twin G ngunit nakatakas ang dalawang magkapatid dahil nakatunog pala sila mula sa mga spy nila sa kompanya ni Tito Benj na siyang nahuli din nila at nakakulong na ngayon. At pinaghahanap na din nila ang magkapatid sa lahat ng sulok ng Pilipinas.
Narito kami ngayon sa villa ni Master Rhimus upang masiguro ang kaligtasan ng lahat, lalo na sila Chain at Bench. Dahil nalaman naming matagal na palang pinapasubaybay si Bench ng Twin G doon sa subdivision na tinitirhan namin. At mabuti na lang ay nalaman agad ng mga agents ni Master Rhimus kaya nahuli nila ito.
"Chain, may nagpadala sa iyo kaso walang kalagayan na sender." pambungad ni Perri na kakapasok lang sa tanggapan.
Inabot naman iyon ni Chain ang isang kasinglaki ng kahon ng sapatos.
Napakunot ang noo niya nang makita ang laman ng box na hawak niya.
"What's wrong, hon?" ani Bench, saka sumilip sa box na hawak nito.
Maging siya ay ganoon din ang reaksyon niya.
Biglang nanginginig si Chain sa biglaang takot at ibinigay kay Bench ang box. Tumayo siya at lumayo mula sa amin. Maging ang pagkuha niya ng phone niya ay nanginginig din siya at may tinawagan siya roon.
Lumapit lang kami kay Bench upang makita ang laman noon.
"What the hell!" Leo & Me
"Ano iyan?!" Zychine
"Sinong siraulo ang nagpadala niyan?!" CU
"Ang creepy naman!" Astride
"Wala yatang magawa ang nagpadala niya!" PerriTikom lang ang bibig ni Bench habang nakatanaw kay Chain na nakikipag-usap sa kabilang linya.
"Hello, ... Okay lang po kayo dyan? ... Ang kambal po? ... Wala naman po bang kahina-hinala dyan? ... Sige po ... Tumawag po kayo kapag may emergency ... Sige po ... Bye din po."
Napabuntong-hininga si Chain kaya napatingin kaming lahat sa kanya.
"Okay lang daw silang lahat roon at natutulog ang kambal kasama si DJ." nanghihinang sambit niya at napaupo sa pinakamalapit na upuan sa kanya.
Lumapit sa kanya si Bench at hinawakan niya ang kanang kamay ni Chain.
Sa kahon ipinadala kay Chain ay naglalaman ng isang picture ng kambal na may malaking ekis at pinapalibutan ng dugo.
"Sigurado akong kalaban natin ang nagpadala nito sa iyo para takutin tayo at hindi rin imposibleng hindi nila alam ang tungkol sa kambal natin." seryosong sambit ni Bench.
Wala ni isa sa amin ang nakapagsalita matapos iyon.
Inabot ni Chain ang box na nasa center table. Sa takip ng kahon ay may nakadikit na sobre na binuksan ni Chain. Inis niyang nilukot ito at tinapon sa ibabaw ng center table.
"ARRGGHH!" ani Chain, saka nagtakip ng kanyang mukha na gamit ang mga palad niya at narinig namin ang mahinang hagulhol niya.
Inaalo naman siya ni Bench habang niyakap niya ito.
Pinulot ko naman ang papel na ibinato ni Chain.
S U R P R I S E ! I brought you a wonderful gift. Hope you like it!
-Twin GNapakunot naman ang noo ko.
"Siraulo nga ang nagbigay!" bulalas ni Astride.
"Teka," ani Zychine, saka hinablot niya sa akin ang papel, "Unit 101, Third Floor, Castelio La Mirsa Hotel, Makati City. Call this number as urgent as you can: 4357890."
Napatingin kaming lahat kay Zychine dahil sa naturang address na kanyang binasa mula sa sulat.
"May telephone number talaga?" bulalas ko.
Dinial ni Chain ang telephone number na nakasulat roon.
"Hello? Is this Castelio La Mirsa Hotel?"
"Yes. May I help you, Ma'am?"
"Can I ask for something?"
"What is it, Ma'am?"
"Is Mr. Gyron Benitez and Mrs. Gahra Benitez-Florestino stayed at your hotel?"
"Wait for minute, Ma'am. I'll check for it."
"Okay."
"Yes, Ma'am. Nakacheck-in po sila rito. May I ask who's this caller?"
"I am Chain Smith."
"Ow, Miss Smith,"
"Ikaw ba ang nagbigay ng address at telephone number ninyo?"
"What do you mean, Ma'am?"
"Nothing. Thank you for answering my call and I hope I can book a reservation to hotel if I go to Makati this Saturday."
"Sure thing, Ma'am. Just call us for the reservation."
"Okay, thank you again and goodbye."
Napatingin siya nang seryoso sa amin.
"Call the agents and authorities, Yuhanne. And you guys, be ready. I just need to report to Lolo Rhimus for this information." utas niya, saka naglakad patungo sa office ni Master Rhimus at sumunod naman si Bench na hawak ang box.
F A S T F O R W A R D . . .
"Are you serious, Chain?!" maktol ni Leo, saka napatampal ng noo niya."Yes. You will go there with Oli." simpleng tugon niya.
"Hala! Bakit ako napasama dyan?! Nananahimik ako rito!" reklamo ko.
"Just do it!" sigaw niya, saka matalim na tumingin sa akin.
Parehas kaming sumuko at isuot ang isang pares ng uniform ng bellboy at iba pang disguise na kailangan para hindi kami makilala.
Kaming dalawa ni Leo ang magiging go signal ng pagpasok nila roon bago sumugod kasama ang ibang higher authorities. Alam na din nang Hotel owner ang mangyayari. At sana lang ay mahuli na sila nang tuluyan upang makapamuhay na kami ng tahimik.
UNIT 101, CASTELIO LA MIRSA HOTEL
*knock knock knock*
Sumalubong sa amin ang isang early 40's na lalaki.
"Good evening. Here's your dinner, Sir." masayang bati namin.
"Get in. Do it fast!" masungit na utos niya at nagmartsa papasok ng unit.
Sumunod lang kami at itinuro ang dining room nila.
Nakita din namin roon ang isang babae. Nginitian lang namin ito at inihanda ang kanilang makakain.
Binigyan nila kami ng tip bago kami umalis nang kanilang unit.
Pumunta kami sa isang units kung nasaan sila Chain at iba pa.
"Confirm, Chain." seryosong sambit ko sa kanya.
Pinagbihis muna kami at binigyan ng baril.
May kumatok na apat na agents doon sa unit ng Twin G. Pinagbuksan naman sila, kinausap nila ang mga ito at sumama ito ng kusa.
Ngunit nang nasa tapat na nila kami ay biglang binunot nito ang baril ng isang agent nasa tabi niya at kumaripas ng takbo roon. Hinabol namin ito at nagpalitan kami ng pagputok ng baril. Dumaan silang dalawa sa hagdanan.
Sh1t! Baka makatakas pa sila sa amin! Mga mautak! Mabilis na nga sa pagtakbo!
YOU ARE READING
THE SECRET OF KNIGHT
RomanceThe Secret of Knight Start: 06.25.2019 End: 08.07.2019 Once upon a time, there was a beautiful young maiden who entered in the Male's Apartment to protect her Master's Grandson. She meet this guy and his barkada. As she lived with them, it is hard t...