KABANATA 22

27 4 0
                                    

C U ' s  P O V
Hinayaan niya akong aalalayan siya sa kama niya.

"Para kailan lang noong inilabas ka namin ng hospital pero nandito ka na naman!" galit kong sabi sa kanya.

Tumikom lang ang kanyang bibig at hindi ako pinatulan.

"Kamusta naman ang katawan mo? May nabali na naman ba o sugat na malaki?" masungit kong tanong.

"Medyo masakit pa din. Hiwa sa kanang braso, daplis sa hita at saksak sa tagiliran." walang-gana niyang sagot sa akin.

"Tssk. Ilan ba buhay mong bata ka? Iisa lang, Chain! Masamang damo ka lang talaga kaya hindi ka minamalas! Pero papaano kapag napatay ka niyang kung sino man iyon? Paano na lang ang maiiwan mong tao dito? Si DM?! Ha?! Ano?" mahabang sermon ko.

Ngunit hindi lang siya umimik sa akin dahil alam niya sa sarili niyang tama ako.

"Umuwi kanina si Bench na nagdadabog sa kwarto niya at syempre may kinalaman ka doon. Nag-away na naman kayo?" pag-iibang topic ko at seryosong pagtatanong ko sa kanya.

Tumango lang siya.

"Naku naman! Hindi pa nga ulit kayo pero kung mag-away naman kayo parang may relasyon na ulit kayo!" sermon ko.

"Tssk. Dami mong alam." naririnding sabi niya.

"Ano bang pinag-awayan ninyo at hindi ka niya kasabay umuwi?! Tapos nangyari pa 'to sa'yo?!" inis kong tanong.

Lagi na lang akong napapagitna kapag may away o tampuhan ang dalawa na 'to?! Minsan pabor ako kay Chain o kaya kay Bench. Minsan naman naiinis na lang ako. O minsan pa ay napipili ko na lang na pumagitna sa kanila para playsafe lang ako.

Kinuha niya ang phone niya, may kung anong pinindot doon at iniabot sa akin ang sagot sa tanong kong anong pinag-awayan nilang dalawa na tinignan din nung dalawang kaibigan niya.

"Hala! Si Dash iyan! Hahaha!" natatawang bulalas ni Jaye.

"Dash talaga, Chain-babes?" natatawang komento naman ni Yuhanne.

"Pinilit kong ipaliwanag sa kanya iyan pero hindi siya naniniwala at akala niya pinaglalaruan ko lang siya kaya pumayag akong manligaw siya. Na playgirl ako kasi halos tatlo daw ang pinagsasabay ko. At sinabihan niyang akong manloloko na sinungaling pa." nakabusangot at naiiyak na paliwanag ni Chain.

"Kilala niyo ang lalaking 'to?!" simpleng pagtatanong ko na medyo lito at naiinis.

"Oo!" sabay na sagot nila Perri at Astride.

Pero kay Chain lang ako napatingin at nanghihingi ng paliwanag para sa dalawang picture na ipinakita niya.

Isang picture na may kasama siyang hindi ko kilalang lalaki na nakaakbay at sobrang sweet nila. At ang sumunod ay isang stolen picture na kasama ulit iyong lalaki ang dalawang bata na pamilyar sa akin.

"He's Dash Joseth Brunett, my younger brother from Switzerland. He grow up there since he was four years old with Mamita Evangeline and Tita Mayline." nakangiting panimula niya.

"You don't met him when you visited me in our house because he's staying in his condo unit." dagdag pa niya.

Hinayaan ko lang siyang magkuwento tungkol sa lalaking pinagseselosan ni Bench na younger brother pala niya.

"Those two pictures with him and the two kids was just our family bonding in Paris captured by the paparazzi. Maybe my Lil'bro looks like matured man like you but he's just nineteen years old, Ukairo." naiinis niya pang paliwanag sa akin.

Naniwala naman ako sa paliwanag niya dahil sa picture na pinakita niya.

"At ayaw ni Myx na tanggapin ang paliwanag kong iyon dahil sarado ang isip niya na kahit sabihin ko pang kapatid ko siya o kaya itanong niya kila Yuhanne at Jaye pero ayaw niya talagang makinig sa akin kaya iniwan niya ako pagkatapos ng OJT namin at kaya ako nandito ngayon." naiiritang sambit niya at hindi niya napigilang hindi humikbi sa harapan namin.

"Sshhh, Chain, tahan na. Don't worry, akong bahala sa mokong na iyon. Shh, please, Chain." pag-aalo ko sa kanya.

F A S T F O R W A R D . . .
"YEHEY! MAKAKALABAS KA NA ULIT CHAIN-BABES!!!" masiglang sigaw nila Perri at Astride kay Chain.

Natawa lang naman siya sa mga ito.

Halos tatlong araw din noong aksidente ni Chain at ngayon lang siya pinayagan na umuwi. Sa tatlong araw na iyon ay pinapalabas ko sa mga kaibigan ko lalo na kay Bench na emergency ang pagkawala ni Chain na kunwaring pinabalik siya ni Lola Evangeline sa Switzerland dahil kay DM, kaya hindi na siya nakapagpaalam sa kanila.

Sa tatlong araw din iyon ay late akong umuuwi ng bahay para makadalaw kay Chain pero parang nakakahalata na sila sa akin lalo noong kagabi at syempre ginalingan ko talaga ang pag-a-acting ko para hindi nila ako mabuko.

"Miss Chain, mag-iingat ka ha? Para naman hindi tayo laging nagkikita dito sa hospital na laging ganoon ang sitwasyon mo." biro ni Doc Hyacinth na sinang-ayunan ni Doc Martin.

"Opo, Doc Hyacinth." magalang na tugon ni Chain.

"Mauna na kami at magroround pa kami sa ibang pasyente namin." paalam ni Doc Hyacinth sa amin.

"See you around." sambit pa ni Doc Martin.

Habang nagliligpit sila Perri at Astride ng gamit ni Chain ay biglang may naalala si Astride na kahit ako ay hindi ko napapansin dahil sa mga nangyari kay Chain.

"Oh my gosh! December na pala! Birthmonth mo na Chain-babes pati si DM diba?" gulat na sambit ni Astride.

"Oo nga Chain! Malapit na ding uuwi dito si DM!" pagsasang-ayon naman ni Perri.

Nakangiting nagkibit-balikat si Chain sa kanila na maging siya ay mukhang nakalimutan din ang bagay na iyon.

"Akala ko ba CU, nasa Switzerland si Chain ih bakit nandito siya sa hospital ngayon?" seryosong pagtatanong ni . . .

"Z-ZYCHINE!" gulat na pagtatawag ni Astride.

"Leonardo?" patanong ni Perri naman tawag sa taong nasa likuran niya.

"Tssk." angil ko.

Pumasok silang dalawa pero nasunod din pala sila Oli at Bench bago isinarado ang pinto.

"Huwag niyong sisisihin si Ukairo na nagsinungaling siya sa inyo dahil inutos ko sa kanya na huwag sasabihin sa inyo lalo sa isa dyan na sinabihan lang naman ako ng playgirl, manloloko at sinungaling kasi ayaw niyang tanggapin ang paliwanag ko. Siguro kasalanan din niya kung bakit ako nandito at ngayong araw lang makakalabas." masungit na sambit ni Chain habang ipinagpatuloy ang pag-aayos ng kanyang gamit.

"Alam mo Chain-babes, ganyan naman ang mga lalaki mga walang tiwala, sobrang seloso at ayaw pang maniwala," panimula ni Perri.

"Pero kapag sila ang nakagawa ng mga bagay na ikakagalit nating mga babae na minsan kahit isang simpleng sorry nila, okay na lahat, pero kapag tayo naman, kahit isang sorry natin ay aabot pa sa siyam-siyam bago mapakinggan o kaya kapag may nangyari sa atin nang dahil sa kanila." prankang dugtong ni Astride.

Natamaan din ako doon ha? Grabe naman 'tong dalawa kung maka-realtalk sa amin.

"Chain, magstay ka na lang muna sa bahay namin at nasa subdivision lang naman iyon." biglang offer ni Perri sa kanya.

"Tama si Perri! Doon ka na lang para magkakasama tayo at malayo ka sa danger zone!" pagsasang-ayon ni Astride.

Hindi naman ako nakapagreact doon.

"Okay lang ako, Yuhanne, Jaye," nakangiting tugon niya.

"Pero," angal nila.

"Ano ba naman kayong dalawa, hahaha okay lang ako saka two weeks and half lang ako mag-i-stay sa apartment ngayong buwan dahil mag-i-stay ako doon sa iyo mula sa Pasko hanggang New Year kapag dadating si DM." masayang pahayag niya.

"Realtalk ba yan?!" masayang paniniguro ng mga kaibigan niya.

Tumango lang siya kaya biglang yumakap ang mga kaibigan sa kanya.

No comment naman ako doon pero napansin ko na hindi sang-ayon si Bench kay Chain.

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now