C U ' s P O V
"Hoy!" bulyaw ko kay Bench na nakatunganga sa kitchen habang hawak ang isang mug, "..nakatulala ka dyan? Para kang nanuno ih."Napailing siya at biglang ngumiti na parang nanalo sa lotto.
"Para kang baliw! Anong nginingiti mo dyan, bro? Tatawag na ba ako sa Mental Hospital para masundo ka nila." pagbibiro ko sa kanya.
"Bro, nananginip akong may nangyari daw sa amin ni Harmony kagabi doon sa kwarto ko pero pagkagising ko kaninang umaga ay wala ni isang bakas ni Harmony at ang pinakaweird sa lahat ay wala din akong saplot sa katawan na nagising kanina." wala sa sarili niyang kwento sa akin.
May nangyari sa kanila kagabi?! Matanong nga ang pinsan ko mamaya pagkagising niya. Na curios tuloy ako kung may milagro o wala.
"Baka nagsarili ka lang kagabi kaya wala kang saplot na nagising kanina at masyado mo kasing iniisip ang pinsan ko kaya akala mo na may nangyari sa inyong dalawa." birong sabi ko sa kanya.
"Naalala ko pa ngang sinabi niyang mahal pa din niya ako." giit pa niya.
"Lasing na lasing ka kagabi, bro." paalala ko din.
"Pwes, sinong naghatid sa akin sa kwarto ko nang hindi ko nasasapak kung hindi si Harmony iyon?" biglang tanong niya.
"Ipinagising ka nila sa akin kaya hindi mo sila nasapak at si Ukairo ang naghatid sa'yo sa kwarto mo." kaswal na paliwanag ni Chain.
"H-Harmony," gulat na pagtatawag ni Bench, "..kanina ka pa ba dyan?"
"Hindi, kakarating ko lang." simpleng sagot niya habang palapit sa frigde upang kumuha ng maiinom.
Pero ang totoo ay kanina pa siyang nakatayo at nakikinig doon sa may hamba ng kitchen na napansin ko lang noong ipinagpipilitan ni Bench na may nangyari sa kanila ni Chain.
"Nga pala, pinapasabi noon dalawa na thank you daw sa pag-iimbita kahapon at naihatid ko na sila kanina dahil may aasikasuhin pa daw silang napakaimportante." banggit pa niya bago umalis ng kitchen.
Narinig ko ang marahas na pagbuntong-hininga ni Bench at napakamot ng kanyang ulo.
"Sabi ko na nga ba, nagsarili ka lang kagabi!" kantyaw ko sa kanya habang malakas na tumatawa.
Tinanghali namang nagising iyong tatlong mokong at nagkanya-kanyang pag-iinda dahil sa hangover nila.
Tinulungan ko si Chain sa paghuhugas ng pinagkainan namin.
"Pinsan," mahinang pagtatawag ko.
"Hmm?" tugon ni habang nagsasabon ng plato.
"Magtapat ka nga sa akin," seryoso kong sabi.
"Ano iyon?" pagtatanong niya at saglit na lumingon sa akin.
"May nangyari ba sa inyo kagabi?" seryosong pagtatanong ko.
Tumahimik lang siya sandali na parang pinag-iisipan kung magsasalita o hindi sa akin.
"Ano nga, pinsan? Meron nga? Silent means yes." pamimilit ko.
"Napakatsimoso mo talaga! Kalalaki mong tao kamo."
"Pero seryoso nga kasi, pinsan? Meron o wala? Sagutin mo lang at titigilan na kita."
"Meron," pag-aamin niya sa akin at seryosong tumingin sa akin, "pero mas gugustuhin kong huwag sabihing sa kanya na totoong may nangyari nga sa amin at huwag mo ding babanggitin iyon."
"Pero bakit?"
"Dahil hindi makakabuti iyon sa misyon ko dito."
May misyon na naman siya kaya ba siya bumalik dito? At sino na naman kaya ngayon? Teka, hindi kaya si Bench dahil ilang beses ko nang napapansin na prinoprotektahan niya ito? Baka nga si Bench talaga.
YOU ARE READING
THE SECRET OF KNIGHT
RomanceThe Secret of Knight Start: 06.25.2019 End: 08.07.2019 Once upon a time, there was a beautiful young maiden who entered in the Male's Apartment to protect her Master's Grandson. She meet this guy and his barkada. As she lived with them, it is hard t...