KABANATA 19

34 3 0
                                    

M Y X I E L ' s  P O V
MIRANDE & BASCOS DESIGN
"Harmony," pigil ko sa kanya habang hawak ang braso niya.

"May ginagawa ako, Myx, kaya pwede bang pakibitawan ang braso ko." walang-gana niyang pakiusap sa akin habang inaalis ang kamay ko sa kanyang braso.

"Miss Brunett, pakisuyo naman 'to kay Engineer JM." pakiusap noong isang staff.

Tumango lang siya at umalis patungo sa office ni Engineer JM.

"Ano, Mr. Javier," sabi pa noon staff kaya napalingon ako sa kanya at naghihintay ng sasabihin niya.

"Pinapatawag ka nga pala ni Architect Sab at nandoon siya ngayon sa office ni Engineer JM." dagdag niya.

"Sige po, maraming salamat." tugon ko at naglakad papunta sa office na pinasukan ni Harmony kanina.

"Good morning po." bati ko sa lahat ng naroon.

Binati lang din nila ako pabalik maliban kay Harmony na may inaayos na files sa kabinet ni Engineer JM.

"Have a seat, Mr. Javier." sambit ni Architect Sab.

Naupo lang ako sa harapang upuan doon sa kanyang table.

"Tapos ka ba nariyan, Miss Chain?" rinig kong tanong ni Engineer JM.

"Opo." magalang naman na tugon ni Harmony sa kanya.

"Sige, salamat at pumunta ka na doon kay Architect Sab dahil kakausapin ka din." sambit ni Engineer JM.

Wala akong narinig na tugon mula kay Harmony, basta ang sumunod na lang ay bumati siya kay Architect Sab at naupo sa katapat kong upuan at diretsong nakatingin kay Architect.

"Okay, let's start!" masiglang panimula ni Architect sa amin.

"Nandito kayong dalawa para sabihan ko kayong makakasama namin kayo ni Engineer JM sa isang formal event  na magaganap na sa Saturday night sa Laoag City, Ilocos Norte. Aalis tayo ng Friday night at uuwi tayo ng Sunday noon pagkatapos ng formal meeting natin kay Manager Zoey." masayang dagdag ni Architect.

Nagtataka lang akong tumingin sa kanya.

"Pero sa dinami-dami naming mga intern dito sa company ninyo ay bakit po kami ang napili ninyo na isama doon sa event?" seryosong tanong ni Harmony sa kanya.

"Napag-alaman kasi namin mula sa pamunuan ng kolehiyo na isa sa mga pinagmumulan ng mga Civil Engineer students na magaling pagdating sa larangan na iyon ang paaralan ninyo, University of Clifynstone Highland, at napili namin kayong makasama sa event dahil dalawa kayo sa mga students na nangunguna sa buong Nueva Ecija." nakangiting paliwanag ni Architect Sab.

"At nalaman namin na sa lahat ng interns namin mula sa iba't ibang school ay kayong dalawa lang ang napuntang Civil Engineering Students dito." dagdag pa ni Engineer JM.

Parehas kaming nagtaka ni Harmony na kaming dalawa lang ang Civil Engineer student dito pero hindi na kami nagtanong pa para doon.

"Kilala niyo ba si Manager Zoey Martinez?" pagtatanong ni Engineer JM sa amin.

"Opo." sabay naming tugon sa kanya.

"Nainvite nga pala siya doon sa event at kasama iyong alaga niyang sikat na singer sa Switzerland para magperform doon." nakangiting sambit ni Architect Sab.

"..kaso hindi familiar sa amin iyong alaga niya kaya masusurprise kami kung sino siya." dagdag naman ni Engineer JM.

Napatingin ako kay Harmony na tahimik lang na nakikinig sa kanila.

Mukhang iilan lang ang nakakaalam kung sino si Harmony bilang isang sikat na singer sa ibang bansa. Pero nakikita kong okay lang sa kanya na hindi siya gaanong kilala sa sarili niyang bansa dahil nahalata ko din iyon noong nagbakasyon kami sa Tagaytay noong nakaraang linggo.

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now