KABANATA 26

35 3 0
                                    

M Y X I E L ' s  P O V
Naglalakad kami ng barkada pabalik ng apartment.

"Debora! Watch out!" sigaw ng isang batang lalaki.

Napatigil ako nang may nabangga batang babae naglalaro dito sa park at umiiyak na ito.

Nagulat ako ng makita kong lumapit si Harmony sa dalawang bata.

"Are you okay, honey? Nandito na si Mama." nag-aalalang tanong niya doon sa batang babae at pinatayo niya ito.

M-Mama? Anak niya 'to? Sinong tatay nila?

"Sakit pwet, Mama! Huhuhu!" humikbing tugon sa kanya noong batang babae.

Marahan na pinunasan naman noong batang lalaki ang mga luha ng umiiyak na batang babae.

"Harmony," pagtatawag ko.

Napatingin siya sa akin pati sa mga kasama ko.

"M-Myxiel..." gulat niyang tugon sa akin at napayakap sa balikat ng dalawang bata.

Lumapit din ang mga kaibigan niya sa amin pati ang pamilyar na lalaki sa akin.

Siya ba ang tatay noong dalawang bata?

"You know him po, Mama?" inosenteng tanong noong dalawang bata sa kanya.

Hindi siya sumagot.

"Go to your Tita and Tito." seryosong sambit niya sa dalawang bata, pero...

"Tito CU!" masigla nilang sambit at patakbong lumapit kay CU.

"D-DM!" gulat na tawag naman ni CU.

Napatingin lang sa akin si Harmony habang tinatanaw ang dalawang bata.

"Dwight! Mariyah! Come to Tito Dash." pagtatawag noong lalaki.

Humalik muna ang dalawa kay CU bago lumapit doon sa lalaki.

"Mama! Ice cream!" masiglang pahayag noong dalawang bata at hinihila siya paalis.

Iniwan nila kaming apat dito sa isang gazebo at isama nila ang kapatid ni Harmony sa isang ice cream parlor para bumili ng makakain namin.

Tahimik lang na nakatanaw si Harmony sa dalawang batang naglalaro malapit sa pwesto namin.

"May anak ka na pala at kambal pa, good for you." panimula ko habang nakasandal lang sa haligi ng gazebo.

Napalingon siya saglit sa akin.

"Yeah. They are my precious gems from God." nakangiting pahayag niya.

"Sinong tatay nila?" diretsong tanong ko sa kanya.

"Gusto mo talagang malaman?" balik tanong niya.

"Kung iyon ang makakapagpanatag sa loob at nararamdaman ko para sa iyo." seryosong tugon ko.

Tumango siya at tinawag ang dalawang bata.

"Meet my twins, Dwight Messiah and Debora Mariyah," pagpapakilala niya kambal.

Inosenteng ngumiti lang sila sa akin.

"And DM meet Bench Myxiel Javier." naiiyak niyang pagpapakilala sa akin.

Napansin ko ang pagkagulat ng kambal habang palipat-lipat ang tingin sa akin at kay Harmony.

Nalilito din ako sa reaksyon nila sa akin.

Sabay silang lumapit sa akin habang umiiyak at yumakap sa binti ko pero nagsquat ako sa harap nila.

Bakit parang magaan ang loob ko sa kanila? Lukso ba ng dugo ito? Bakit parang konektado ako sa kanila?

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now