KABANATA 30

34 4 0
                                    

M Y X I E L ' s  P O V
"Bench," seryosong pagtatawag ni CU sa akin.

Napalingon ako sa kanya habang nag-aayos ng aking sarili para makabisita sa kabilang bahay.

"Bakit? May kailangan ka?" nakangiting pagtatanong ko sa kanya.

"Bakante na ulit ang kwarto ni Chain dahil wala na ang mga gamit niya doon." seryosong banggit niya.

Napatigil naman ako sa pag-aayos ng sarili ko at napatakbo sa kwarto ni Harmony.

Napaatras na lang ako ng makita ko ngang bakante na talaga ang kwarto pero pinilit kong sinuyod ang lahat ng sulok at wala talagang ni isang gamit roon si Harmony.

"Anong nangyari dito?" gulat na pagtatanong ni Zychine.

"Nasaan ang mga gamit ni Harmony?" takang pagtatanong ni Leo.

"Akala ko namalikmata lang ako kagabi na bakante na 'to." singit na pahayag ni Oli.

Ano ba talagang nangyari dito? Iniwan na ba ako ni Harmony? Pero bakit naging ganito ang kwarto niya?

"Pumunta na lang tayo kila Perri. Tutal nandoon naman sila Chain at para matanong mo na din siya tungkol dito." suhestyon ni CU.

Sumang-ayon na lang ako kaya nandito na kami ngayon sa tapat ng gate nila Perri at saktong kakalabas lang ni Astride sa kanilang pinto.

"Bench, napadalaw kayo?" bungad niya sa amin at pinagbuksan kami ng gate.

"Si Harmony?" mabilis kong tanong sa kanya.

"Ah, ih, w-wala na sila dito." alinlangang sagot niya sa akin.

"Paanong wala na sila?" singit ni CU.

"Lumipat na sila doon sa niregalong bahay kay Chain kaninang madaling araw." kaswal naman na tugon ni Perri na nasa likuran namin.

"Nandyan ka na pala, Yuri!" gulat na bati ni Astride.

"Pasok na muna kayo, boys." anyaya ni Perri sa amin.

Pumasok lang kami sa kanilang bahay.

"Nasaan ba talaga sila Harmony?" pangungulit kong tanong.

"Lumipat nga sila doon sa niregalong bahay sa kanya." medyo inis na tugon ni Perri.

"Saan ba kasi iyon?" pangungulit ko pa ulit.

"Hayst! Ang kulit mo talaga, Bench!" iritang sabi niya.

"Tawagan mo na si Chain para sa kanya mo mismo malaman kung nasaan sila ngayon." simpleng suhestyon ni Astride.

Oo nga naman Bench Myxiel! Bakit hindi mo naisipang tawagan siya?! Bungol ka din ih!

*ring ring ring*

"Hello Harmony,"

"May problema ba?"

"Nasaan ka ngayon? Wala kasi kayo dito kila Perri."

Narinig kong napabuntong-hininga siya.

"Lumipat daw kayo sabi nila."

"Oo, lumipat kami sa niregalong bahay ni Lolo Rhimus mo at pasensiya na din kung hindi ko sinabi sa inyo ang tungkol doon pati ang pagkuha ko ng mga gamit ko sa apartment."

"Pwede ko bang malaman kung saan kayo lumipat para mapuntahan namin kayo ngayon?"

"Sa tapat ng apartment ninyo at katabing bahay nila Yuhanne ay nandoon kami ngayon. Sige, ibaba ko na at may gagawin pa ako. Bye."

At siya na mismo ang nag-end ng tawag.

"Nasaan daw sila?" biglang tanong ni Oli.

"Sa katabing bahay nito sa tapat ng apartment natin." wala sa sarili kong sagot at tumayo sa pagkakaupo.

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now