Z Y C H I N E ' s P O V
Chineck muna ni Doc Martin si Chain, wala naman daw siyang komplikasyon sa sugat at kailangan niyang magpahinga."Chain," pagtatawag ni CU, "Kamusta? Masakit pa ba?" dagdag pa niya habang itinuturo ang tagiliran niya.
Maging kami ay tinanong namin siya sa kalagayan niya.
Hindi naman siya pinansin ni Chain pati kami at tumingin kay Bench na parang nag-aalala.
"Okay ka lang?" tanong niya kay Bench.
"Huh?" takang na tugon ni Bench, "..hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan, Harmony?" dagdag pa niya.
Matagal siyang tumingin kay Bench at bigla niya itong niyakap.
"H-harmony? Bakit? Ayos ka lang ba? May masakit pa sa'yo?"
"Okay lang ako, ikaw ang inaalala ko, mabuti naman at hindi ikaw ang natamaan nila kung hindi ay magkakamatay na kami." malumanay na makahulugang sagot niya.
Naguluhan naman kaming nakatingin doon sa dalawa.
Kumalas si Bench sa yakap ni Chain at hinakawakan niya ito sa kamay.
"Huh? Sinong sila?" naguguluhang tanong ni Bench.
Hindi siya umimik.
Dumating naman ang mga kaibigan niya.
"Chain-babes!" worried na tawag nila Perri at Astride habang patakbong lumapit sa kama ni Chain.
Gumilid naman kami at umalis naman si Bench doon sa kama para makalapit silang dalawa.
"Ayos ka lang, Chain?" ani Perri.
"May masakit pa sa'yo bukod dyan?" pagtatanong Astride.Narinig lang namin ang tawa ni Chain kaya napatigil iyong dalawa sa kakatanong sa kanya.
"Ayos lang ako." nakangiting sambit niya at biglang nagseryoso, "Nahuli na ba sila?"
Napalingon naman sa amin iyong dalawa bago sumagot kay Chain.
"Oo Chain, mabuti na lang naireport mo agad kanina at nasa malapit lang kami kaya nacorner namin kasama iyong ibang agent at mga pulis." seryosong sagot ni Astride.
"Mabuti naman, sa parking lot palang ay napansin ko na silang nakasunod sa amin kaya pinilit ko si Myxiel (at tumingin kay Bench pabalik sa dalawang kaibigan) na ako ang magdrive para mailigaw ko sila." malumanay na sambit ni Chain sa kanila.
Seryoso lang kaming nakikinig sa kanilang tatlo.
"May napansin nga akong isang itim na kotse at dalawang itim na motorbike na nakasunod sa atin pati iyong men-in-black na sakay nito." bulalas ni Leo.
Napatingin sa amin silang tatlo at nagkatinginan sa isa't-isa.
"Sila ba iyong tinutukoy mo na nakasunod at bumaril sa'yo?" dagdag pa ni Leo.
"Oo Leo, sila nga iyon." sagot ni Perri.
"Ano bang meron sa inyo?" biglang tanong ni Bench.
Napatikom silang tatlo ng bibig at walang ni isang sumagot kay Bench maski si Chain.
"Mas mabuting mag-iingat kayong lahat lalo ka na Mr. Javier. At nakasalalay ang kaligtasan mo sa buhay ni Chain." seryosong saad ni Perri.
"Baka ikaw pinupuntirya nila tulad ng dati at laging si Chain ang napupuruhan sa huli kaya mag-iingat ka sa lahat ng bagay." dagdag pa ni Astride.
Hindi naman nakapagsalita si Bench na parang natamaan siya sa sinabi noong dalawa.
Tikom ang bibig ni CU ngayon kahit na palaging ipinagtatanggol niya si Bench sa mga ganitong usapin.
Nagkatinginan naman kami nila Leo at Oli dahil kami lang ang hindi nakakaintindi sa nangyayari.
"Care to share?" bulalas ni Oli.
"Oo nga guys, wala kaming maintindihan sa pinag-uusap ninyo." dagdag ko pa.
"Naguguluhan na kasi kami sa kung anong meron sa inyo at nakaraan ninyo?" singit pa ni Leo.Walang nagsalita sa kanila para maipaliwanag ang mga gusto naming malaman tungkol sa kanila.
"This is not the right time to ask for it and do not ask it again." seryosong komento ni Chain, "And if you don't mind, keep quiet because I will take my rest for awhile as you do yours." At nagtaklob ng kumot.
Natahimik kaming lahat.
Nagpaalam naman si CU na lalabas na kasama kami kaya iniwan namin si Chain na kasama iyong dalawa.
Pumasok kami sa isang bakanteng kwarto sa katabing kwarto ni Chain.
"What are we doing here, CU, Bench?" pagtatanong ko.
"Magtanong na kayo ng gusto niyong malaman." kaswal na sabi ni Bench sa amin.
"Anong relasyon mo kay Chain?" Me
"Bakit sobrang nag-aalala ka sa kanya?" Leo
"Siya ba iyong dating girlfriend mo?" Oli"Oo, siya ang girlfriend ko noon kaya sobrang akong nag-aalala sa kanya." malungkot na sagot ni Bench.
"Bakit hindi ka niya kilala?" Me
"Bakit wala ka noong kailangan na kailangan ka niya?" Leo"Nawala ang mga memorya niya sa akin at sa kung anong relasyon namin." napayuko si Bench habang sumasagot sa amin, "Natrauma ako sa pagkakaaksidente namin noon (sob) kahit na gustong gusto ko siyang dalawin at (sob) makita siya noon ay inilayo nila siya sa akin at wala akong magawa (sob) kung hindi ang manatili dito dahil sa banta sa buhay ko. (sob) Hindi ko sinasadyang iwan siya noong kailangan niya ako pero ayaw ko din maulit lang ang nangyari noon at sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari sa kanya ngayon." nahihirapan niyang pagpapaliwanag sa amin.
"Kaya ba hindi ninyo masabi-sabi ng diretso sa amin ang tungkol sa inyo?" biglang tanong ni Oli.
"Oo Oli, kasi natatakot lang kami na hindi kami tumupad sa ipinangako namin na walang magsisikreto sa atin pero hindi naglihim pa din kami sa inyo." paliwanag ni CU.
"Kaya ba madalas tayong magpunta sa mga lugar na may nagtuturo ng pang-self-defense dahil sa may nagbabanta sa iyo?" singit ni Leo.
Tumango si Bench sa amin.
"Anong plano mo ngayon, Bench?" pagtatanong ko.
"Lalo na kay Chain." dagdag ni Leo.
"Are you planning to winning back her heart?" nakangising tanong ni Oli na parang may kalokohang iniisip.
Binatukan naman siya ni CU.
"Baliw! Alam mo namang kakarecovery lang ng pinsan ko! Pwede pa hayaan na lang natin ang tadhana para sa kailangan at huwag kang magpakaCupido dahil hindi mo bagay kasi ungas ka!" sigaw ni CU sa kanya.
Nagtawanan lang kami habang nagbabangayan iyong dalawa.
"Basta bro, kapag kailangan mo ng tulong sa mga nagbabanta man sa iyo o kaya kay Chain ay nandito kami na reresbak para sa'yo!" masiglang saad ko na sinang-ayuan noong dalawang mokong.
"Salamat sa inyo." malumanay at nakangiting tugon ni Bench.
Nagtanguan at nagbatukan lang kami dahil hindi kami sanay sa seryoso at madramang usapan tulad nito.
Kinubukasan ay iniuwi na din namin si Chain sa apartment dahil nagpumilit siya kasi magkakasakit lang daw siya lalo sa hospital kapag nagtagal siya roon.
Sumama lang din iyong dalawang kaibigan niya dahil gusto nilang makita ang tinutuluyan ni Chain at umuwi lang sila noong sumapit ang dapit-hapon kasi may aasikasuhin pa daw silang assignment.
Assignment? Sa school? Pero sino ba talaga si Chain? Bakit parang secret agent siya este silang tatlo na kumilos, gumalaw, at magsalita na parang trained na trained para sa kung anong bagay? Ano ka ba talaga, Miss Chain?
YOU ARE READING
THE SECRET OF KNIGHT
RomanceThe Secret of Knight Start: 06.25.2019 End: 08.07.2019 Once upon a time, there was a beautiful young maiden who entered in the Male's Apartment to protect her Master's Grandson. She meet this guy and his barkada. As she lived with them, it is hard t...