KABANATA 20

28 4 0
                                    

C H A I N ' s  P O V
Matapos ang oras ny OJT namin, sinundo nila Zychine at Oli si Bench dahil may importante daw silang meeting sa Apartment na magbabarkada. Kaya pumayag na lang ako na umalis sila dahil pupunta din ako ng grocery at bibili ng mga bagay na kailangan ko.

"Chain," biglang tawag sa akin ni Kitty nang makasalubong ko siya sa grocery store.

Tumango lang ako sa kanya at nilagpasan pero hinawakan niya ako sa braso.

"Wala ka yatang kasama ngayon? Kawawa ka naman. Siguro sawa na sa iyo si Bench kaya hindi mo siya kasama ngayon." nakangising sambit niya.

Inalis ko lang ang pagkakahawak niya sa aking braso habang ngumingiti lang sa kanya at naglakad papuntang counter.

Narinig ko lang ang pagdadabog niya sa pinag-iwanan ko sa kanya.

Wala akong mapapala kapag pinatulan ko lang siya at wala din akong pakialam kung isa siya sa mga Fangirl na nababaliw kay Myxiel.

Nagcommute lang ako pauwi ng apartment. Nang makarating ako ng bahay ay narinig ko lang ang tawanan ng mga boys sa backyard at hindi ko na lang pinuntahan dahil dumiretso na ko sa kwarto ko.

"Chain! Nandyan ka ba sa loob?" rinig kong tanong ni Ukairo mula sa labas ng kwarto ko noong lumabas ako sa walk-in closet.

Binuksan ko naman iyon ay bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Ukairo.

"May kailangan ka?" kaswal kong pagtatanong habang nakapamewang sa harapan niya.

"Talikod ka, Chain." utos niya sa akin.

Takang tumingin lang ako sa kanya pero ginawa ko pa din ang inuutos niya sa akin.

Blinindfold niya ako kaya nagulat ako.

"Ukairo! Ano 'to?! Hoy! Saan mo ako dadalhin! Hoy! CYRIEL UKAIRO BRUNETT LIGERO!" reklamo ko habang naglalakad kami papunta sa kung saan sa apartment.

"Enjoy your night, couz!" masayang sambit ni Ukairo habang ipinasok niya ako sa isang kwarto at narinig kong nilock niya iyon.

Tinanggal ko ang blindfold ko sa mata at humarap sa pinto para subukang buksan iyon kaso nakalock talaga.

"Ukairo! Buksan mo 'to! Ano ba?! Napakadilim dito! Hoy!" inis kong sambit habang patuloy na kinakalampag ang pintuan.

Napatigil ako dahil sa biglang lumiwanag ang dingding at napalingon ako sa aking likuran.

"Wow! Ang ganda!" manghang banggit ko ng makita ang buong kwarto.

Maraming mga christmas light, mga butterfly, paper crane & heart-shape origami, at mga throwback & recent pictures ang nakadikit sa dingding na nakasabit din sa kisame. Sa lapag may romantic set-up na mauupo o kaya pwedeng mahigaan na parang isang tent. At mas napansin ko ang maraming abstract paintings.

Lumapit ako sa mga pictures at nakita ko na karamihan ang mga pagmumukha ko pero mayroon ding kasama ko si Myxiel na stolen o kaya hindi.

Habang tumitingin ako sa mga picture ay nakarinig akong stramming ng gitara sa isang pamilyar na kanta.

            I
   You would always ask me
   Those words I say
   And telling me
   What it means to me

           II
   Every single day
   You always act this way
   For how many times I told you
   I love you for this is all I know

            III
   Come to me and hold me
   And you will see
   The love I give
   For you still hold the key

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now