KABANATA 8

47 4 0
                                    

O L I ' s  P O V
UNIVERSITY OF CLIFYNSTONE HIGHLAND: Garden
"My Loves," malambing kong pagtatawag kay Chain.

"Mukhang nasasanay ka nang tawagin ako ng ganyan," natatawang komento niya, "..pero may kailangan ka ba?"

"Himalang hindi kayo magkasama ni Bench ngayon ha?" kaswal kong pagtatanong sa kanya.

"Bigla kasi niya akong iniwan sa classroom matapos iyong klase namin." nakabusangot niyang sagot.

Kung hindi ko lang kaibigan si Bench ay aagawin kita sa kanya kaso may DM ka na ngayon kaya nagpapasalamat na lang ako kasi binigyan mo ako ng chance na mapalapit kami sa iyo.

"Hinanap ko siya sa buong campus kaso ikaw ang nakita ko kaya tumigil ako para magtanong sana sa'yo. Nakita mo ba siya?" nakangusong tanong niya sa akin.

Nakita ko naman mula sa likod ni Chain na dadaan si Bench at nakatingin siya sa aming dalawa.

[Mind: Ting! Evil plan!]

Noong palapit na si Bench ay hinila ko si Chain para mas lalong lumapit sa akin bago siya makaangal sa paghila ko ay hinawakan ko ang mukha niya at saka kunwari ko siyang hinalik sa kanyang labi ngunit inilagay ko ang tatlong daliri ko para hindi direktang labi niya ang hinahalikan ko.

Naramdaman ko ang pagtilapon ko sa damuhan at malakas na tili ni Chain.

Mabuti na lang at kaming tatlo lang ang taong nandito ngayong sa Garden.

Tarantang dinaluhan ako ni Chain.

"Ayos ka lang?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Sorry." mahinang bulong ko habang nakangiti sa kanyang maamong mukha na nag-aalala sa akin ngayon.

Litong tumitig ang naging tugon niya sa akin.

Ngumiti lang ako.

Hinila naman siya patayo ni Bench at kinaladkad palayo.

"Siraulo ka talaga, Oli." komento ni Leo.

"Masarap ba ang suntok na galing kay Bench?" biro ni CU.

Tumayo lang ako at pinunasan ang tumutulong dugo sa labi ko.

"Bakit mo kasi ginawa iyon kung alam mong nasa malapit lang si Bench?" simpleng tanong ni Zychine.

"Wala lang." nakangising tugon ko habang tinatanaw ang daanan kung saan lumabas iyong dalawa.

"Anong wala lang?" seryosong tanong ni CU at hinawakan ang kuwelyo, "Kung ganoon, bakit kailangan mo pang halikan ang pinsan ko?"

Inawat naman noon dalawa si CU upang hindi niya ako tuluyang suntukin sa mukha.

"Hindi ko hinalikan ang pinsan mo at peke lang iyon dahil nakaharang ang tatlong daliri ko sa labi niya." kaswal kong sagot habang tinitignan ang mga daliri ginamit ko sa malambot niyang labi.

"Pinag-away mo lang iyong dalawa." komento ni Zychine.

"Oo nga Oli, bungol ka talaga." pagsasang-ayon ni Leo kay Zychine.

"Pero bakit ba hindi sila magkasama at ikaw ang kasama kanina ni Chain?" takang tanong ni CU.

"Iniwan kasi siya ni Bench matapos ang klase nila kanina, hinanap niya daw sa buong campus kaso ako ang nakita niya at magtatanong lang siya sa akin tapos kung anong nakita niyo kanina ay ayon na ang sumunod na nangyari." kaswal kong paliwanag.

"Tara na nga sa cafeteria at nagugutom na kami!" anyaya ni Leo habang inaakbayan ako.

"Mamaya na lang natin problemahin ang kalokohan mo." sambit pa ni CU.

Nagpatianod na lang ako sa kanilang tatlo.

K I N A G A B I H A N . . .
Nakasalubong ko sa living room sa apartment si Chain na nakasimangot at wala sa sarili niyang katinuan.

"Chain," pigil ko sa kanya habang hawak ang braso niya.

Napatingin naman siya sa akin at biglang umaliwalas ang mukha niya.

"Ikaw pala, Oli! May kailangan ka?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Chain, iyong tungkol kanina sa school-"

"Huwag mo nang isipin iyon at wala lang iyon sa akin kaso nga pala gumawa ka lang ng problema mo." nakangiting tugon niya.

"Oo, alam kong magkakaproblema ako sa ginawa kong kalokohan kanina pero pasensiya pa din at hindi ko intensyong halikan ka." nakayukong giit ko pa din.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko kaya napatingin ako sa nakangiting mukha niya.

"Hindi naman dumapi ang labi mo sa akin kaya okay lang pero sana huwag mo nang uulitin iyon sa susunod lalo na sa harapan ni Myxiel o ni Ukairo o kaya si DM at bubugbugin ka lang nila." nakangiting bilin niya.

"Ano bang nararamdaman mo kay Bench? Mahal mo pa ba siya?" seryosong pagtatanong ko habang nakatingin sa malungkot niyang mga mata na diretsong nakatingin sa akin ngayon.

"May mga bagay akong dapat isantabi at unahin bago nilalaman nito," at hinawakan niya ang kanyang dibdib.

"dahil baka gamitan lang nila iyon para hindi ko magawa ang nakaatas sa akin." makahulugan niyang sagot sa akin at binitawan niya ang mga kamay ko.

"Aakyat na ako at magpapahinga dahil sobrang daming nangyari sa akin ngayong araw. Good night." paalam niya at nagtungo sa hagdanan.

"Hoy bungol! Kakain na! Halika na dito!" pagtatawag sa akin ni CU.

"Nandyan na!" sigaw ko sa kanya.

Tahimik lang ngayon ang aming hapunan. Tunog lang mga kubyertos na tumatama sa aming mga plato at paghinga ang mga nagsisilbing ingay sa buong silid.

Patapos na kaming kumain nang biglang nagsalita si Bench.

"Where are you going?" seryosong tanong ni Bench.

Napalingon kami kay Chain na seryosong nakatingin kay Bench at may hawak na bow and arrow na itinutok pa kay Bench.

Nagulat naman kaming lahat ng pakawalan niya iyon sa direksyon ni Bench ngunit narinig lang namin na may bumagsak na tao sa may pintuan at nabasag na paso.

Mabilis na lumapit si Chain doon sa taong tinamaan niya ng palaso sa tagiliran at napansin ko naman ang tumilapon na baril malapit sa nabasag na paso.

"Yuhanne, Jaye, pumunta kayo dito sa apartment at may nakapasok." seryosong sambit ni Chain habang nakahawak sa bluetooth headseat niya.

Naguguluhan lang kaming lima habang itinatali ni Chain ang mga kamay ng nakapasok at may ininject siya pampatulog dito.

"Bantayan ninyo at baka mawala ang nahuli ko. Sayang kung nagkataon!" nakangiting biro niya sa amin.

Lumapit naman siya kay Bench na naguguluhan din sa nangyayari.

"Ayos ka lang?" nag-aalang tanong niya kay Bench.

Ngunit niyakap lang siya ni Bench at hinayaan lang niya iyon.

"A-ayos lang ako." utal na tugon ni Bench.

Napansin ko ang pagyakap din ni Chain sa kanya habang hinahaplos ang likod nito.

Dumating lang ang mga kaibigan at mga pulis dito sa apartment upang kuhanin ang sibilyang nakapasok.

Walang ipinaliwag sa amin si Chain sa nangyari dahil noong makaalis ang mga kaibigan at mga pulis ay bumalik na siya sa kanyang kwarto at binilin kaming hugasan ang mga pinagkainan namin bago matulog.

Wala rin nakapagtanong o nagsalita tungkol ko kaya doon natapos ang aming gabi.

Ano ba talagang nangyayari dito kani-kanina? Litong-lito at naguguluhan na ako este kami pala! Hayst! Bakit ba namin nararanasan ito?! Woaaahhh! Arggh! Pero bakit parang lagi na lang prinoprotektahan ni Chain si Bench at alam na alam niya kung kailan na kailangan siya nito? Ano ka ba talaga, Chain? Ano bang meron sa iyo?

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now