M Y X I E L ' s P O V
"Akin na ang bag mo, Harmony." seryosong sambit ko sa kanya."Hindi na, kaya ko naman." nakangiting tugon niya.
"Sige na, Harmony." pamimilit ko sa kanya habang sabay kaming naglalakad patungo sa classroom.
"Bakit ba ang kulit mo, Myx?" naiinis na tanong niya sa akin.
"Kasi ayaw kong nakikitang nahihirapan ka." nakangiting sagot ko sa kanya.
Napairap siya habang umiiling sa akin at pabatong ibinigay sa akin ang kanyang bag.
"Tssk." aniya.
F A S T F O R W A R D . . .
Na assigned kaming dalawa ni Harmony at iba pang kaklase namin sa isang kilalang company dito sa aming lungsod. May makakasama din kami galing sa iba't-ibang unibersidad."I'm Engineer Julius Mirande. Just call me Engineer JM. I'll be the one who tours you in the project site and guide you to things that you needed to know as a Future Engineer or Architect. If you need anything, you can approach me and I will gonna answer your questions." pagpapakilala niya sa aming lahat.
Ipinakilala din kami sa buong staff ng kompanya kung magaganap ang aming OJT (or On-Job Training) patungkol sa aming kurso at kaming dalawa ni Harmony ang napili ni Engineer JM mula sa aming unibersidad bilang makakasama niya sa pagpunta sa isang site ng ginagawang proyekto ng kanilang kompanya. Na kasama din namin ang dalawa pang pares mula sa bawat unibersidad.
Binigyan din kami ng permiso na masilip ang kanilang blueprint ng kanilang proyekto upang maging malawak pa ang aming kaalaman sa totoong takbo ng magiging trabaho sa hinaharap at bilang isang mag-aaral ng Civil Engineering ay binigyan din nila kami ng assignment na gumawa ng sariling desisyon ng isang bahay o gusali na gusto naming ipatayo kung kami'y isang ganap ng inhinyero.
Pinagsuot nila kami ng protective gears bago pumasok sa loob ng ginagawang gusali.
"Anyway Engineer JM," biglang sambit ni Harmony habang inililibot kami sa buong site.
"Yes Miss?" nakangiting tugon niya.
"Miss Brunett po."
"Hmm. What is it, Miss Brunett?"
Napatingin naman si Harmony sa buong paligid na parang sinusuri niya ito bago nakangiting sumagot kay Engineer JM, "I just wanna say that you have a good choice of the location for your project."
"Thank you for the compliment, Miss Brunett." nakangiting tugon ni Engineer JM.
Tumango lang si Harmony sa kanya.
"Ow! By the way," biglang nakangiting sambit ni Engineer JM habang lumapit sa isang magandang babae na halos kasing-edad niya na hinawakan niya sa bewang at humalik sa pisngi nito.
"Julius," masungit na banta nito sa kanya.
Tumawa lang siya at iniharap sa amin ang kanyang kasama.
"Everyone meet Architect Scarlet Arvile Bascos, my partner in this project." pagpapakilala niya dito.
Nakangiting tumango siya habang nagsasalita, "You can call me as Architect Sab."
Tumango naman kami sa kanya.
Lumapit si Architect Sab kay Harmony, "You look familiar to me, have we meet before, Miss Brunett?" nakangiting tanong niya habang nakatingin sa nameplate ni Harmony bago tumingin ulit sa kanya.
"Yes Architure Sab." magalang niyang tugon dito.
Naiwan naman kami ni Harmony kay Architect Sab habang ang ibang kasama namin ay iniassign ni Engineer JM sa ibang Engineer na kasamahan nila.
YOU ARE READING
THE SECRET OF KNIGHT
RomanceThe Secret of Knight Start: 06.25.2019 End: 08.07.2019 Once upon a time, there was a beautiful young maiden who entered in the Male's Apartment to protect her Master's Grandson. She meet this guy and his barkada. As she lived with them, it is hard t...