WAKAS

78 3 0
                                    

"Apo, may ipapakilala ako sa iyo. Halika rito." ani Madame Evangeline.

Lumapit ang batang si Chain sa kanyang Lola na inakay siya na lumapit sa maglola sila Madame Cheilah at ang batang si Bench.

"Amiga," masayang pagtatawag ni Mamita Evangeline sa kanyang kaibigan, "Ito nga pala ang aking nakapagandang apo, siya si Harmony Chain Brunett."

"Talaga nga napakagandang dalaga na kawangis ng kanyang mga magulang." komento ni Madame Cheilah na hinagkan ang kanyang pisngi.

Naginitiang tumango ito sa matandang kaharap, "Maraming salamat po."

"Apo, siya ang aking amiga, si Cheilah Javier." pakilala ng kanyang Lola rito.

Nagmano siya rito.

"Ah! Ito nga pala ang aking apo, si Bench Myxiel Javier." pakilala naman ni Madame Cheilah sa kanyang napakagwapong apo.

Lumawak ang ngiti ni Chain dahil tiyak na makakasundo niya ito base pa lamang sa itsura nito. Niyaya niya itong makipaglaro sa kanya at isang ngiti ang naging tugon nito sa kanya.

Hinayaan ng dalawang matanda ang makapag-isa ang kanilang mga apo.

"Natitiyak kong magkakatuluyan silang dalawa sa hinaharap." nakangiting komento ng matandang si Evangeline.

"Sang-ayon ako riyan, Amiga. Nakikita kong maganda ang hinaharap nilang dalawa kapag nagkatuluyan sila." ani Madame Cheilah.

Humahikgik ang dalawang matanda habang pinagmamasdan ang kanilang mga apo mula sa malayo.

Mula noong araw na iyon ay madalas ng magkasama sila Bench at Chain mula sa pamamasyal ng kanilang mga Lola. Tuwing magkasama sila ang parang sila ang naroroon. Laging nagsosolo sa isang tabi.

Lumipas ang naging magbestfriend sila. Hanggang ang biruan nilang ligawan ay naging totohanan na.

"Ako lang dapat ang manligaw sa iyo at maging boyfriend at magiging asawa mo sa habang buhay, Harmony!" seryosong deklara ng batang si Bench.

Humagikhik naman ang batang si Chain.

"Oo naman, Myxiel! Ikaw lang ang magiging lifetime partner ko!" nakangiti pa nitong pagsasang-ayon.

Niyakap siya ni Bench nang mahigpit at hinagkan ang kanyang noo.

Nasa ikalimang baitang pala sila na mag-umpisang ligawan ng nagbibinatang si Bench ang nagdadalaga si Chain. Lumalim din ang kanilang pagtitinginan nilang dalawa hanggang maging sila noong sumunod na taon.

"I love you, Harmony." malambing na sambit ni Bench habang nakayakap dito mula sa likuran nito.

Naroon sila sa malawak na taniman ng bulaklak ni Madame Evangeline doon sa hacienda nila sa Pangasinan.

"I love you more!" aniya, saka humilig sa balikat ng kasintahan.

Masaya ang pagiging magkasintahan nila. Away-bati kung minsan,

"Ano na naman ba ito, Myx!"
"Okay na. Wala lang iyon. Peace na tayo?"

...lambingan doon, tampuhan dito.

"Hon, bili mo ko fries, please?"
"Baka sa kakafries ay lumala ang UTI mo."
"Hmmpft! Myx namin ih! Sige na, please?"
"Nakapakulit mo! Oo na!

Minsan ang kamuntikan maghiwalay dahil sa hindi pagkakaunawaan sa isang bagay.

"Ayoko ko na, Myxiel. Maghiwalay na lang tayo."
"No! Ayoko! Mapag-usapan natin itong mabuti at hindi paghihiwalay ang magandang solusyon dito!"

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now