KABANATA 2

63 5 0
                                    

M Y X I E L ' s  P O V
Hinalikan ko talaga siya nang matagal sa kanyang labi.

Nababasa ko sa mga mata niya na hindi ko magagawa iyon kaya hinalikan ko siya at akala ko naman hindi na titigil ito sa kakatili dahil medyo naiirita na ako sa ingay niya. Pero hindi ko inaasahang sobrang lambot ng mga labi na parang marshmallows at nakakaadik na tikman ulit.

[Mind: Magtigil ka Bench Myxiel Javier! Napakapervert mo!]

Wala akong narinig na ingay mula sa kanya na parang nawalan siya ng boses dahil sa pagkakahalik ko sa kanya.

Umalis ako sa pagkakadagan sa kanya ngunit nanatili siyang nakahiga roon.

Sa sobrang nipis ng pang-itaas niyang damit ay baka lamigin ang likod niya.

Hindi ako nagdalawang-isip na buhatin siyang hanggang sa maihiga ko sa kanyang kama at kinumutan.

"Where are you going?" mahinang pigil niyang tanong sa akin habang nakahawak sa aking palad.

Napalingon ako sa kanya at nakita ko na naging malambot ang emosyon ng kanyang mukha na nakaupo na ngayon.

"Aalis na ako." malumanay kong sagot sa kanya.

Ngunit hinila niya ako palapit sa kanya at napaupo sa harapan niya.

"You know what, I hate you so much." walang emosyon niyang sambit, "You stole my first kiss." seryosong dagdag niya.

Kahit natatawa ako ay pinilit kong pigilan iyon. "I'm sorry."

Pero sa totoo lang ay siya ang unang nahalikan ko sa labi ng isang babae.

Umiling siya at binitawan ang kamay ko. "I hate you Myxiel."

Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang mga kamay niya. "I'm sorry, Harmony. I didn't mean to stole your first kiss." nakayukong depensa ko sa kanya.

"Tssk. You did that with a purpose." mangiyak-ngiyak na giit niya habang inaalis ang pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.

Tumango ako at umamin kung bakit ko siya hinalikan, "..gusto ko lang na tumahimik ka kanina dahil naririndi na ko sa pagtitili mo."

"Pwede mo namang sabihin na tumahimik ako ha? Bakit kailangang halikan mo pa ako?" naiinis niyang pagtatanong sa akin.

Napailing ako at nakaisip ng kalokohan kaya napangisi ako.

"H-hey, stay a-away from me." pautal niyang sambit habang umatras ngunit hindi niya magawa dahil hawak ko ang mga kamay niya.

"You know what Harmony, you have a soft lips like a marshmallows and I want to taste it again." nakangising sambit ko habang binabasa ang aking labi.

Wala akong narinig na salita mula sa kanya maliban sa paghikbi niya.

Napatingin ako sa kanya habang binitawan ang mga kamay niya at marahang hinahawakan ang mukha niya upang mapunasan ang luha niya, "Don't worry, I won't do that again because I respect you a lot."

Unti-unti naman siyang tumatahan,  "I hate you, I hate you! Sana di na lang ako pumayag na magpunta dito! I hate you Myxiel!" at hinahampas niya ako sa dibdib.

Hinawakan ko ang mga kamay niya at niyakap siya kahit na hinahampas naman ang likuran ko kaya hinayaan ko na lang siya hanggang mapagod at makatulog sa balikat ko.

Inihiga ko siya sa kanyang kama at kinumutan habang hawak ang kanang kamay niya na umupo sa gilid ng kama.

I am so sorry, Harmony. Akala ko nakikilala mo pa ako at naalala mo pa din kung anong relasyon natin sa isa't isa noong lumipas ang tatlong taon. Kung hindi dahil sa aksidenteng iyon ay hindi ka nawala sa akin at sana mayroon pa din tayo pero ngayong nandito ka na ulit sa akin ay gagawin ko ang lahat para bumalik ka lang sa akin. Mahal na mahal pa din kita, Harmony. And I miss you so much.

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now