KABANATA 40

38 2 0
                                    

T H I R D  P E R S O N ' s  P O V
Nanguna si Chain sa paghabol sa magkapatid na Twin G. Umabot silang lahat sa basement ng hotel. Nagpalitan sila ng pagputok ng baril at ang bawat isa ay nagkanya-kanyang tago upang hindi matamaan ng mga bala. Ngunit sa kasamaang-palad ay nakaplano pala ang lahat bago dumating ang grupo nila Chain na may mga kasamahan din pala ang Twin G na back-up upang salubungin sila Chain. Sila Bench at Chain na siyang natatanging target nila para sa planong iyon.

"CHAIN! WATCH OUT!" sigaw ni Perri habang nakaturo doon sa gilid nito dahil may nakita siyang men-in-black na tinutukan siya ng baril.

Sabay na nagputok sila Chain at ang lalaking iyon. Napatay ni Chain ito dahil natamaan niya ito ay dibdib. Samantalang siya ay nadaplis sa kaliwang braso.

Mabilis na lumapit kay Chain ang mga kaibigan ni Bench, pati sila Perri at Astride upang rumesbak sa kanya.

"Mukhang kayong dalawa ni Bench ang target nila." seryosong sambit ni CU sa mga ito.

"Obviously." masungit na sabat ni Chain habang hinahawakan ang nadaplisang braso niya.

"Mabuti pang ialis na namin kayo rito at ang mga agents na ang bahala sa kanila." suhestyon ni Zychine.

Sumang-ayon silang lahat.

Dahan-dahan ang kanilang pag-alis roon ngunit hindi nila alam na nagkakagulo din pala sa lobby na kung saan ay nagkalat doon ang mga empleyado, ang ibang nakatira doon, kanilang mga kasamang mga agents at pati ang mga kasama din nang Twin G. Sa kanilang pagdating ay hindi nila inaasahan ang kaguluhan doon na naging dahilan upang mapahiwalay sa kanila si Chain at napunta sa kamay ng kanilang kalaban.

Sa bilis ng pangyayari ay hinahabol nila ang kotse na kung saan lulan nito si Mrs. Gahra Benitez-Florestino at si Chain. Mabilis ang takbo ng kotse sa maluwag na highway.

Nakikipag-agawan sa manibela si Chain ngunit nagpagiwang-giwang sila.

Alam ni Chain na maaari silang bumangga o tumaob o kaya sumabog pa ito, minabuti na lang ay naisipan niyang tumalon mula sa kotse iyon. Sa kanyang pagtalon ay nagpagulong-gulong siya sa sementadong daanan at tumama ang kanyang ulo sa pavement kung saan siya tuluyang nawala siya ng malay.

Samantalang ang kotse ay tumaob nga at nagkaroon ng malakas na pagsabog mula roon sa kotse na kasama ang driver nitong si Mrs. Florestino.

Napatigil sila Bench nang makita ang pagtaob at pagsabog ng kotse dahil akala nila ay naroon din si Chain.

"HARMONNNNY!" & "CHAIIIIIINNNN!" kani-kanilang sigaw sa nasaksihan.

Napaluhod sila Perri at Astride na siyang dinaluhan nila CU at Zychine. Pinigilan naman nila Leo at Oli si Bench sa paglapit roon dahil lumalakas ang pagsabog ng kotse iyon.

Mabilis na rumespunde ang isang fire truck upang apulain ang kotseng naging itim at dalawang ambulansiya na din.

Isang kilometro mula sa kotseng sumabog ay nakita ng mga medic si Chain na walang malay kaya mabilis nila itong isinakay sa ambulansiya. Dahil kilala ni Bench ang pigura ni Chain ay malakas siyang kumawala sa pagkakahawak nila Leo at Oli sa kanya. Sumama siya sa ambulansiya kung saan ay lulan si Chain na walang malay at maraming gasgas sa kanyang buong katawan pati ang dumudugong ulo niya.

Sumunod na lang din ang mga kaibigan nila sa ambulansiya na patungo sa hospital. Nabalot ng matinding takot sila dahil sa posibilidad na maaring mangyari kay Chain. At halos naging taimtim ang kanilang panalangin upang makaligtas ito at mabuhay pa ng matagal-tagal kasama ang kanyang future husband at mga anak.

Gaano man ang nangyari kay Chain ay magandang balita naman mula sa kanilang iwanan na labanan. Nahuli na ang mga nagtatangka kay Bench at Chain. Lahat sila ay nasa custody ng mga awtoridad at mga tauhan ni Master Rhimus.

Limang oras mula ng isinugod sa hospital si Chain ay ngayon palang lumabas si Doctor Martin at mukhang may isang masamang balita ito para sa kanilang lahat.

"Kamusta si Harmony, Doc Martin?" ani Bench noong makalabas ito mula sa Emergency Room.

"I'm sorry, Bench." paumahin nito sa kanya.

"A-anong nangyari sa pinsan ko, doc?" pautal na singit ni CU.

"Masyadong malakas ang pagkakauntog ni Chain doon sa malapit na pavement kung saan ninyo siya natagpuan kanina. At hindi lang siya doon tumama kung hindi sa malaking bato bago sa pavement. Ayon sa aking pagsuri sa kanya ay dugong namuo sa kanyang ulo na natanggal din namin." paliwanag niya sa mga ito.

"Ano pong posibleng mangyari ka sa kanya?" lakas-loob ngunit mangiyak-ngiyak na pagtatanong ni Perri.

"Tatapatin ko na kayo sa kanyang kalagayan ngayon, si Miss Brunett ay nakasurvive sa pag-alis namin ng namuong dugo sa kanyang ulo pati ang bumaong bala ng baril ng kanyang hita ngunit naging successful man ito ay nasa comatose naman ito dahil masyadong malakas ang pagkakatama niya sa pavement. I'm sorry, Bench, CU, walang kasiguraduhan kung kailan siya muling magigising. Ipanalangin na lang natin na magkaroon ng isang himala para sa kanya." mahabag na pahayag ni Doc Martin sa amin.

Inilipat nila sa ICU si Chain upang maobserbahan ng mga doctor ang kalagayan nito.

Nakarating din ang balita iyon sa pamilya ni Chain. Napuno ng hagulhol at iyakan nang dumating sila sa hospital. Maging ang kambal ay halos nawalan pa ng malay sa kakaiyak nila.

"P-papa, M-mama will (sob) awake po d-diba?" mangiyak na paniniguro ni Debora Mariyah.

"Yes b-baby, M-mama will wake up." paniniguro ni Bench sa bata habang yakap-yakap ito.

"Mama l-love us s-so much. She w-will wake up, (sob) s-she will w-wake up." umiiyak na sambit ni Dwight Messiah sa sarili na yakap-yakap din ni Bench.

Lumipas ang dalawang buwan ngunit tulog na tulog pa din si Chain sa kanyang ihigaan rito sa hospital. Halos doon na tumira ang lahat ng malapit sa kanya para malaman ang updated na status nito. At upang mabawasan ang pangungulila nila ay kinakausap nila ito araw-gabi dahil alam nilang nakikinig ito sa kanilang mga kwento at pangungulila sa kanyang presensiya.

Nahatulan na din ng guilty si Mr. Gyron Benitez na habang-buhay na makukulong bilang kanyang parusa.

Ngunit tadhana na yata ay nagdesisyon para kay Chain dahil dumating ang araw na kanilang pinakatatakutan na ang mga negatibong mangyayari ay nangyari na nga.

Naroon ngayon sa loob ng ICU ang kambal na si DM, mga girlfriends at ang barkada nila Chain at Bench.

Masayang nagkukuwento ang kambal sa kanilang nakahigang ina nang magkagulo ang lahat dahil sa malakas ng tunog mula sa aparatus na nakakabit kay Chain. Lumabas silang lahat at ayaw man inawan ng kambal ang kanilang ina ngunit kinakailang na itong matignan ng Doctor.

Pinilit nilang nirevive si Chain ngunit ito na mismo ang sumuko at hindi lumaban sa laban ng buhay.

Matapos na inianunsyo ang oras ng kamatayan nito ay wala ni isang nakapagsalita. Hagulhol. Iyakan. Pagdadalamhati. Pangungulila.

Mabilis na dinaluhan ni DM ang kanilang inang walang buhay at doon humagulhol kasama ang kanilang pamilya.

Patakbong umalis si Bench at nagtungo sa chapel ng hospital.

"Panginoon, alam ko pong nakalilimot ako sa iyo kung minsan, pero sa itong kahilingan ko ngayon ay pagbigyan niyo po ako. Gusto ko pong makasama habang-buhay si Harmony. Gusto ko po siyang iharap sa inyo bilang katuwang ko sa buhay na ibinigay niyo sa akin. Gusto ko pong mabuo ang sarili naming pamilya. Panginoon, sana po ay dinggin ninyo ay kahilingan ko. Panginoon, si Harmony at ang mga anak namin ang natatanging kayamanan ko habang nabubuhay ako. Panginoon, patawarin niyo po ako sa mga kasalanan ko. Panginoon, para niyo nang awa, huwag niyo pong munang kunin sa akin ang babaeng pinakamamahal ko sa lahat." mataimtim na usal ni Bench habang nakaluhod sa harap nang altar at nakatingin sa malaking krus ni Panginoong Hesukristo.

THE SECRET OF KNIGHTWhere stories live. Discover now