Chapter 8

236 18 0
                                    

Alyza

Pagkatapus naming kumain dinalaw muli namin ni Jairuz ang papa niya na nasa hospital paren hanggang ngayon. Ang sabi nang doctor samin bumuti na raw ang pakiramdam niya pero hindi dapat kami magpakampanti dahil under monitoring paren ang papa nito.

Hindi ren kami nag tagal doon dahil may pasok pa kami bukas. Pinilit man akong ihatid ni Jairuz ngunit umayaw ako dahil kaya ko naman ang sarili ko. Pag dating ko nang bahay sinalubong agad ako ni kuya.

"Bakit ngayon ka lang? Kasama mo naman ba boyfriend mo?" tinignan ko lang ng masakit si kuya James.

"Kuya, kong may boyfriend man ko hindi ko yun itatago sayo tandaan mo yan?"

"Anong hindi itatago na huli nga kayo ni mama sa hospital? Matanong ko lang sino ba kasi pinupuntahan niyo?"

"What! Ma?" agad akong na patingin kay mama. Nasa kusinna ito at abala sa paghahanda.

"Bakit anak? Maykailangan ka?"

"Si kuya James nangaasar na naman"

"Hoy bunso nagsasabi lang ako. Kahit tanunginn mo pa si mama"

"Anak, sabihin mo na lang kasi. Hindi naman kami magagalit ni kuya mo sayo alam naman namin na hindi ka gagawa ng isang disisyon na hindi mo kaya"

"Ma namam ano bang pinagsasabi mo"

"Kaya nga bunso sabihin mo na para naman malinawan kami"

"Kuya naman wala naman akong dapat sabihin sayo"

"Meron, sino yong lalaking kasama mo sa hospital?"

"Kuya kong ano naman ang iniisip mo nagkakamali ka"

"Bakit wala naman akong iniisip ah"

Huminga muna ako ng malalim bago ako umopo sa tabi ni kuya. Very protective talaga si kuya sakin. Dapat alam niya lahat na nang yayari sa buhay ko parang bestfriend ko na nga siya. Hindi ako nagtatago kay kuya tuwing mayitatanong siya sakit sinasagot ko agad. Maliban na lang siguro sa mga ex ko na kay rami rami hindi naman kasi siya nagtanong kaya walang rason na sabihin ko sa kanya ang tongkol doon.

"Kuya, ma! Makinig ka. Ganito kasi yun ang lalaking kasama ko ay si Jairuz, schoolmate ko siya tapus ayun may hilim palang pagtingin sakin. Niligtas niya ako sa school nong may tinatakbuhan akong mga lalaki adik. Bilang ka palit na ki pagdate ako sa kanya. Kaso ngalang ang akala kong simpling date na uwi sa ibang sitwasyon. Pinakilala niya ako sa mga magulang niya bilang girlfriend niya dahil yun daw ang hiling ng papa niya bago ito ma wala sa mundo. Kaya ayun. Sinasamahan ko siya sa hospital parati dahil ako mismo hinahanap ng papa niya"

Nakanga-nga lang si kuya sakin habang pinapaliwanag ko sa kanya. Ngayon alam na nila kong bakit ko parati kasama si Jairuz. Hindi naman all the time pamensan mensan lang.

"So, pumayag kana na maging girlfriend niya?"

"Kuya naman anong klasing tanong yan?"

"Personal bakit ano pa bang pwedi kong itanong sayo"

"Kuya hindi ako pumayag sa deal. Hindi mo pwedi diktahan ang puso"

"That's my words, ikaw talaga Alyza ang dami mo nang alam sa buhay pwedi ka nang umalis didto sa bahay"

"Kuya naman"

"Joke lang bunso tara na nga, kanina pa tayo hinihintay ni mama sa kusina"

Nakangiti lang sakin si mama sakin. Alam kong masaya siya dahil ni hindi man lang niya ako pinagalitan. May tiwala naman sakin si mama kaya mahal na mahal ko talaga siya.

"Bakit ang dami naman ng niluto mo ma?" pagtatanong ni kuya.

"Wala lang ang dami kasing pagkain sa refrigerator, sayang lang naman kapang hindi namin luluto'in"

"Ganon ba. Ma ka musta na pala si papa?" pagtatanong ko.

"Sa susunod na taon pa siya uuwi didto. Gusto na sana niyang mag bakasyon kaso ngalang hindi pwedi. Hindi naman siya pinapabayaan ng boss niya sa Thailand"

"Ganon po ba ma"

"Bumas daw tatawag dito ang papa niyo. Manganagamusta lang daw siya"

"Sige ma kaming bahala kumausap kay papa bukas" wika ni kuya.

"Tara na nga, kumain na lang tayo. Masamang paghintayin ang pagkain"

Kwentohan lang kami ng kwentohan bang kumakain. Nakakalongkot man na wala dito si papa pero hindi na lang namin yon pinapansin dahil alam naman namin na hindi pinapabayaan ni papa ang sarili niya.

Pinipilit na nga ni kuya si papa na umowi at wag ng magtrabaho kaso ayaw lang ni papa dahil nakasanayan na daw ng katawan niya. Kaya ayon walang magawa si kuya. Isang manager si kuya sa isang kilalang coffee shop all over the world.

Kaya naman kaming buhayin ni kuya kaso nga lang ayaw talaga ni papa na tumigil. Isusubo ko na sana ang pagkain sa bibig nag door bell. Agad na pa tayo si mama para tignan kong sino ang nasa labas.

"Sino kaya yun?" pagtatanong ni kuya.

"Yan ren yong ang hindi ko alam"

"Kumain na lang tayo bunso"

Kumain na lang muna kami ni kuya nan doon naman kasi sa labas si mama para tignan kong sino ang dumating. Isusubo ko na sana ulit ang kanin sa bibigko ng bigla dumating si mama at ganon na lang ako na pa tayo ng makita ko si Jairuz na nasa likod nito.

Agad akong lumapit sa kanya at inalalayan itong umopo sa sala. Ang longkot longkot ng mukha niya parang my problema ito.

"Kuya, pakidala naman ng tubig dito please"

Bakas sa mga mata ni Jairuz ang longkot at sakit. Ramdam na ramdam ko ito. Hindi ko alam kong ano ang itatanong ko sa kanya dahil nangangamba ako baka kasi dumag pa ang sakit na nararamdaman niya.

"Alyza painumin mo mona siya ng tubig"

Pagkatapus niyang uminon nilakas ko na ang loon ko para tanungin siya.

"Jairuz ano ba kasing nang yari?"

"Alyza iniwan na ako ni papa. Akala ko malakas na siya hindi pala. Pinakita niya lang satin yun para hindi tayo magaalala"

"I am sorry Jairuz sa nang yari"

"Wala aka dapat ihingi ng tawad wala ka namang kasalanan"

"Condolences Jairus" wika ni mama

"Salamat po tita"

"Kumain ka na ba? Kamusta si mama mo?"

"Kumain na po ako tita. Okay naren si mama. Pina cremate na agad namin ang banggay ni papa kasi yun yong huling habilin niya samin"

"Alam kong matapang ka anak. Nan dito naman kami para sayo lalong lalo na si Alyza. Sige ma iwan mo na namin kayo dyan"

"Salamat talaga tita"

Pagkaalis nila mama at kua biglang tumahimik si Jairuz. Alam kong gulong gulo ngayon ang utak niya. Sino naman kasing taong hindi masasaktan kapag nawalay sila sa tanong pinakamamahal nila.

"Gusto mo nang yakap? Para naman guma'an gaan ang pakiramdam mo"

Tinignan niya lang ako sabay ngiti sakin. Walang ano ano niyakap ko na agad siya. Ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Salamat talaga Alyza, dahil hindi mo ko iniwanan"

"Alam mo Jairuz sa panahon ngayon dapat kailangan mo ng isang taong dadamayan ka sa lahat ng mga pinagdadaanan mo sa buhay"

"Ang saya saya ko niya dahil dumating ka"

"Alam mo Jairuz lahat naman na nangyayari satin ay may dahilan kaya wag na tayong malokot kahit nakakalukot talaga. Lakasan mo na lang ang loob mo"

"Lalakas lang naman ang loob ko kapag kasama kita"

"Ikaw talaga kahit ganyan na ang nangyayari sayo nagagawa mo pareng mag pic-up line"

"Pianpagaan ko lang loob ko. Salamat talaga Alyza"

"Wala yun basta ikaw"

----

The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon