Alyza
Habang nagpapakababad sa pagso-scroll sa timeline ko indi ko ma iwasan ma ingit sa mga picture na nakikita ko sa internet. Picture ng mga couple na masaya at sweet. Napapasana all na lang talaga ako. Nakikisabay sa mga sana ng ibang tao.
Na sana kong hindi lang akong na dala sa bugso ng dam-damin ko at hinintay ko lang ang tamang panahon kong saan makikilala ko ang lalaking para sakin, sana ngayon hindi ako nasasaktan ng ganito. Masakit paren talaga, hindi naman kasi madali na maghilum ang isang sugat kong malalim ito.
It takes time para gumaling to. Nasa happy break up na lang hindi yong ganito. Sana panaginip na lang ang lahat lahat ng mga nangyayari sakin. Gusto ko ng magising na isang araw wala na ang sakit, pa'it, hapdi, galit at pagkukunwari na okay lang ang lahat kahit hindi.
Magla-log out na sana ako ng biglang may lumabas na message at bigla akong na lungkot dahil mula ito kay Jairus. Babasahin ko ba o hindi. Para sa ano pa at nag message siya sakin. Wala na akong paki sa kanya.
Kahit anong pilit ko sa utak ko na wang pindotin, pinindot ko talaga. Kahit labag sa kaluoban ko pinilit ko na lang basahin ito. Hindi naman siguro mag babago ang isip ko after this reading the message.
To Jairus:
I just want to say sorry. Yes, inaamin ko na it's all about game, money and fun. Pero ng nakilala kita nag iba lahat ng paniniwala ko. Hindi ko to ma sabi sayo sa personal dahil hindi mo naman ako pinapansin. Pero if I have a change I will tell you everything. Nagiba ang paniniwala ko na paglaro'an ka like what Joshua have done to you. Akala ko kasi isang kang babae na walang paki sa lahat ng mga nagyayari sayo. Pero nong nakasama kita doon na nagsimula na magbago ang isip ko. Na hindi ko na itutuloy ang pangloloko sayo dahil alam kong hindi mo yun deserve. Hindi mo deserve na masaktan at paiyakin dahil you deserve to be happy. Sorry kong nag sinungaling ako about kay dad. Nagawa ko lang yun dahil sa campany namin. Walang kasalanan dito ang mama at papa ako. Ako ang nagsabi sa kanila ng lahat about the plan. In order to save the company na gawa nila yun sayo. Sorry talaga. Ngayon pinagsisihan ko na lahat lahat, tiniwalag nila ako sa groupo dahil binali ko ang rules at hito ako bug-bug sarado pero don't mind me malakas pa naman ako. Thank you Alyza for making me happy and realize na money can't buy happiness. I am the good boy games.
Hindi ko alam kong bakit ako na papaluha sa mga sinabi niya. Pero may part sa utak ko na nagsasabi na wag ko na lang pansinin baka part lang yan ng play nila. May part ren ng utak ko na nagsasabi na kailangan kong kausapin si Jairus. Naaawa talaga ako sa kanya ang dami niyang mga pasa. Ni wala man lang tumolong sa kanya para gamutin yun.
Pinunasan ko na ang mga luha ko baka kasi ma halata na naman ni kuya at mama na umiyak ako at isubong pa nila ako kay papa. Hindi pa kasi sinasabi ni mama kay papa dahil ayaw niya itong magalala sakin. Mahal na mahal pa naman ako non ni papa. Kahit siya never niya akong pinaiyak. Dahil tenoring nila akong princessa. Kahit nga lamok pinagbabawalan ni lang lumapit sakin.
Bumaba na ako para kumain. Sinalubong ako ni kuya ng isang mahigpit na yakap.
"Bunso kain na tayo, smile ka naman dyan para naman ganahan ka sa pagkain"
"Kuya naman, binibiro mo na naman ako"
"Sige ka pag hindi ka kumain hindi ko bibigay sayo ang regalo ko"
"Ano naman ang ibibigay mo sakin?"
"Secret, alam kong magugustohan mo ito"
"Kuya naman binibitin mo ko, sige ka pag hindi mo sinabi sakin hindi ako kakain ng madami"
"Ikaw talaga bunso sige na nga, binilhan kita ng album ng idol mo, heto" wika ni kuya sabay abot sakin ang isang box na kong saan nasaharapan ang picture ni Taylor Swift.
Kinuha ko na ang takip at bumongan sakin ang bagong album niya na Lover. Gusto kong tumalon talon sa saya dahil dito at may kasama pang mga diary niya. Mahal na mahal talaga ako ni kuya. Alam niya talaga kong ano ang magpapasaya sakin.
"Salamat talaga, dahil dyan kakain ako ng marami"
"O siya, kumain na tayo tatlo ang dami niyo pang sinasabi"
"Ma, hayaan mo na si kuya"
"Mahal na mahal kita bunso alam mo yan"
"Mahal na mahal din kita kuya. Ikaw ang pinaka the best na kuya sa buong mundo"
"At ikaw naman ang bunso namin na pinaka ma ganda"
"Kumain na muna tayo mamaya na yan"
Sinubo ko na sa bunga-nga ko ang pakain, binilisan ko tala ang pagkain dahil gusto ko na agad ma pakinggan ang mga kanta sa lover na album ni Taylor.
Matagal ko na talaga siyang idol. Simula pa nong grade eight ako. Sinubaybayan ko na talaga siya hanggang ngayon. Ngayon complete na ang album ko from Taylor Swit, Speak Now, Fearless, Red, 1999, Reputation at ang last ang Lover. Ang saya ko lang talaga dahil supportive si kuya para sakin. Mabuti na nga to para hindi ko ma syadong ma isip si Jairus.
"Sarap talaga ng luto mo ma, na busog ako"
"Ako ren ma, ito nga si bunso ang dami na kain kanin. Baka tumaba ka lalo niyan"
"Ma, si kuya pinagtri-tripan naman ako"
"Ikaw talaga bunso kahit tumaba ka pa ng tumaba ikaw paren ang princess namin. Kaya okay lang yan"
"Ikaw talaga, hayaan mo na nga ang kapatid mo. Ligpitin mo na lang ito" sumbat ni mama kay kuya. Kinuha na ni kuya ang pinagkainan namin at dinala ito sa kusina. Kami naman ni mama at pumunta na sa sala para ma nood ng k-drama.
Ito ang ginagawa namin tuwing gab'i. Bonding bonding para naman hindi mawala ang closeness namin sa isat isat. Kong nan dito lang sana si papa mas lalong sasaya ang bahay nato. Kwela ren kasi yun kong magpatawa.
"Ma, anong papanuorin natin?"
"Anong bang bago anak?"
"Crash landing on you, maganda yun ma"
"Talaga, anong kwento?"
"Taga north korea yong lalaki tapus ang babae kaga south kaso na punta ang babae sa north. Hindi ko na alam ang susunod. Hahaha panoorin nalang natin ma"
"Sige na play mo lang dyan. Lalabas lang ako dahil may kumakatok sa gate natin. Mag door bell naman tayo"
"Sige ma, ako bahala dito"
Hinanap ko na agad sa nitflex ang episode one. Buti na lang lumabas agad. Minsan kasi mahina ang signal ng wifi namin dahil maraming nakikigamit. Isa na doon ang kapitbahay namin na kaibigan ni mama. Buti na lang hindi niya alam ang password at tanging cellphone niya lang ang na ka connect samin.
"Ma matagal ka pa ba dyan?" sigaw ko
"Anak tawaging mo ko si kuya mo, bilis nan dito si Jairus may saksak siya sa likod at may mga sugat"
Para akong na bingi sa sinabi ni mama. Kaya napatayo ako at dali daling pumunta sa kusina.
"Kuya, bilis puntahan mo si mama sa labas nasasak si Jairus kuya" taranta na sabi ko.
Parang gusto kong umiyak. Pero hindi pwedi dapat panindigan ko tong disisyon ko na itigil na itong feelings ko sa kanya. Dali dali ren akong lumabas at ganon na lang ako na gulat ng ma kita ko si Jairus na nagaagaw buhay.
"Ma, kuya dahil na natin siya sa hospital. Kailangan niyang madala agad doon" wika ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Umiyak na ko.
Kahit labag sa kalooban ni kuya dali dali niya kinuha si Jairus kay mama at sinakay ito sa sasakyan. Gusto ko siya yakapin pero hindi ko magawa. Jairus lumaban ka please.
"Sumakay na kayong dalawa, bilisan niyo na"
Sumakay na kami ni mama at agad ng pinaandar ni kuya ang sasakyan. Hinawakan ko ang kamay ni Jairus dahil hindi ko na talaga ma tiis pa. Napaiyak na lang ako dahil malamig na ang kamay nito.
Jairus lumaban ka hindi ka pweding mawala sakin. Jairus maguusap pa tayo. Lumaban ka promise bibigyan kita ng pagkakataon para linawin sakin ang lahat lahat. Jairus wag mo naman akong iwan.
"Anak, wag kanang umiyak lalaban si Jairus"
---
BINABASA MO ANG
The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE
RomanceFollow your heart but always take your brain with you. Kaya ko pa bang magmahal pagkatapus akong lokohin. Kaya ko pa bang magtiwala muli. Kaya ko pa bang magpatawad. Kaya ko pa bang magbigay nang second change. Worth it pa ba akong mahalin. Nar...