AlyzaKagigising ko lang at hito bakas paren sa mga mata ko ang ginagpis na dinulot sakin na walang kwentang kong ex. Namamaga paren ang mata ko at hindi ko alam kong anong pweding kong gawin para lang ma tago ito. Bakit ba kasi ang tanga ko masyado alam ko naman niloloko na ako pero parang wala lang sakin.
Wala talaga siyang hiya matapus kong ibigay sa kanya lahat lahat para lang mapasaya siya. Binigyan ko siya ng cellphone, damit, short, dinala ko siya sa mga sikat ng restaurant na ngayon niya lang na puntahan, nag grocery kami marami para lang hindi siya ma gutom, ako nagbabayad ng motor niya tapus ano lolokohin niya lang ako. Wala hiya ka Joshua manloloko ka, manggagamit.
Buti na lang talaga hindi ko sinuko sayo ang bataan ko. Pag nag kaganun. Wala na talagang may matitira sa pagkatao ko. Pero ang sakit lang dahil harap harapan niya ipinamukha sakin na ginamit niya lang ako para ma huka niya lahat ng gusto niya. Na pera lang ang habol niya sakin at hindi niya talaga ako mahal.
Ang sakit sakit subra. Gusto ko na sanang mag bigti ka gabi kaso ng mailagay ko na ang tali sa liig ko nakaramdan agad ako ng paghahabol ng hininga kaya hindi ko na lang itinuloy. Kong pwedi ko lang talaga siyang ipakulam para ma wala na ang pagkamakati niya. Kalalaking tao manloloko, wala ba talaga siyang kapatid na babae. Kainis siya wala talaga siyang kwenta. Ngayon pagsisisihan niya na iniwan niya ako.
Ipapakita ko sa kanya kong sino si Alyza. Pera lang pala ang habul mo sakin pwes ipapakita ko sayo kong sino ang niloko mo. Pero pano hindi ko naman ugali ang gumanti, mabait akong tao kaya wag na lang. Hahayaan ko na lang siya na magsama ng babaeng higad niya, hipon pala. Maganda katawan pero tapun ulo.
Nagayos na ako at nag lagay ng kunting make up sa mukha ko parang matakpan ang namamagang mata ko. Buti na lang talaga malaki ang naitutulog ng make up tuwing broken hearted ako. Bumaba na ako at agad ng nag paalam kay mama at sa pinaka mabait kong kuya.
"Alyza, wag ka munang magbo-boyfriend hindi makakapagkatiwalaan ang mga lalaki ngayon" paalala ni kuya sakin bago ako lumabas ng pinto.
"Ayus kuya, lagi kong tatandaan yan" agad ko ng sinara ang pinto.
Kong alam mo lang ilang lalaki na ang nagwasak sa puso ko. Kong alam mo lang kong gaano ako ka rupok kuya. Pero ayokong sabihin sayo yun dahil alam kong papagalitan mo lang ako at alam kong susugoren mo lahat ng ex ko.
Pagdating ko sa school text na ako kay Miah na maglilibot muna ako at mauna na siya pumasok classroom, dahil maaga pa naman at my isang oras pa ako bago pagsimula ang klasi namin. Kailangan ko munang maglanghap ng sariwang hangin.
Napadpad ang mga paa ko sa likod nga school na kong saan ang daming mga puno at halaman. Ang ganda ng lugar swak na swak sa nararamdaman ko ngayon. Ang sarap ng hangin at wait parang may mali dito bakit parang may naririnig akong ungol ng babae.
Parang may mali sa lugar na ito. Bakit naman ako makakarinig ng ungol ng babae dito. Sinundan ko ang ungol at dinala ako nito sa isang kubo at ganon na lang ang pagkagulat ko ng makita ko ang tatlong mga lalaking nanonood ng porn.
What the hell! Bakit dito panila na isipan manood na kong saan nag mumuni muni ako.
Dahan dahan ako ng lakad palayo ng biglang may na apakan akong kahoy na kong saan napasigaw ako ng malakas. Kaya agad ng napalingon sakin ang tatlong lalaki.
"OMG! wag kayong lalapit sakin marunong akong magkarati" wika ko habang nanginginig ang boses ko.
"Wow ang swerti naman nating masyado. Ang aga aga may blessing na agad na pinadala satin" wika ng lalaki na para bang abnormal. Dilaw ang buhok na para maninisid ng dagat.
"Buti na lang miss pumunta ka dito. Alam mo bang sabik na sabik na kami tikim ang isang babaeng katulad mo. Maganda na at subrang puti pa" wika naman ng lalaking kulay red ang buhok.
"Kong ano man ang binabalak niyo sakin nagkamali kayo ng kinalaban"
"Nanghahamon ka pa talaga samin. Babae ka lang at malalaki kami sayo" wika naman ng lalaking kulay pink ang buhok.
Dahan dahan akong tumayo at inayos ang tindig ko. Akala siguro nila sakin lampa ako. Pwes nagkamali sila ang aga aga kamanyakan agad ang naiisip nila. Paano kaya sila na kapasok sa school na to kong ganyan ang paguugali nila.
Sabi ko na nga ba. Lahat ng lalaki paglalaruan ka lang at pag nakuha na nila ang gusto nila sayo iiwan ka na lang. Buti na lang talaga hindi ko pa na isuko ang bataan ko kay Ryan Joshua.
"Handa na ba kayong masaktan?" paghahamon ko sa kanila.
"Matigas ka talaga, gusto mo talagang sinasaktan ka, pwes ipapatikim ko sayo ang sakit pero masarap"
Agad na silang sumogod sakin. Pero dahil ang sabi ko magaling ako magkarati nag bilang muna ako ng tatlo at agad na akong kumaripas ng takbo.
"TULONG MAY HUMAHABOL SAKIN MGA MANYAK" sigaw ko habang tumatakbo.
Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa hindi ko na namalayan nasa sa quadrangle na pala ako at isang iglap lang nabangga ako sa isang na pakatigas na bagay.
Sa subrang lakas nag pagkabangga ko tumilapon ako sa lupa at sa subrang sakit ng ulo ko hindi agad ako na ka tayo. Nang mahimas-masan na ako dahan dahan akong tumayo, na gulat na lang ako ng biglang may humawak sa kamay ko sa subrang kaba ko na baka ang ma manyak ang humahawak sakin, kahit na medyo hind pa clear ang na kikita ko kinuha ko na agad ang pagkakataon. Buong lakas kong sinipa ang bayag niya sa pagitang ng dalawa niyang hita. Nang mabitawan na niya ako agad na akong kumaripas ng takbo.
Buti na lang talaga na kawala ako sa kanila kong hindi na sa new na sana ako binabalita.
Isang babae patay matapus na gahasain ng mga hindi pang kilalang suspik sa loob ng kani lang campus, ayon sa na ka saksi pumasok daw mag isa ang babae sa gubat na kong hindi na napupuntahan. Ano ka kaya ang dahilan ng mga suspik bakit nila pinatay ang babae. Ang babae ang kilala sa tawag na Alyza.
Hito na naman ang isip ko, kong ano ano na naman ang pumapasok. Pag dating ko sa room namin na datnan ko si Miah na nasa labas ng pintoan namin na para bang may hinihintay.
"Bakit ngayon ka lang?" pagtatanobg nito sakin.
"Diba nag text na ako sayo"
"Nagtatanong lang naman ako, baka kasi kong saan saan ka naman ng galing"
"Alam mo Miah na toto na ako. Kaya please lang kong susumbatan mo na naman ako wag ngayon"
"Whatever, tara na nga ang aga aga ang init ng ulo mo"
Buti na lang talaga walang nang yaring masama sakin. May araw din talaga sakin ang mga mokong nayun. Tanda tanda ko pa ang pagmumukha nila kaya humanda kayo sakin.
---
BINABASA MO ANG
The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE
RomanceFollow your heart but always take your brain with you. Kaya ko pa bang magmahal pagkatapus akong lokohin. Kaya ko pa bang magtiwala muli. Kaya ko pa bang magpatawad. Kaya ko pa bang magbigay nang second change. Worth it pa ba akong mahalin. Nar...