Chapter 28

64 13 0
                                    

Alyza

Kahit na pagod ako kakaiyak ka gabi pinilit kong bumangon, my pasok pa kasi ako. Ayokong ma huli sa klasi namin. Kahit ganito ang sitwasyon ko ngayon hindi ako magpapakain sa lungkot. Kailangan kong tapangan ang loob ko kailangan kong ipakita sa kanila walang may nangyari at normal lang lahat.

Pagkatapus kong magbihis bumaba na ako at sinalubong ako ni mama sa kusina na abala sa pagluluto ng pagkain.

"Okay na pa ba pakiramdam mo anak?" pagtatanong nito sabay lapag ni mama ng pagkain ko.

"Hindi masyado pero kaya ko naman"

"Anak kong hindi ka pa handa pwedi ko naman ka usapin ang dean Sa school niyo na dito ka na lang sa bahay magaaral para makafocus ka ng maayos"

"Wag na, mas gusto ko na school ako. Mas mahirap mag self study ma"

"Kong yan ang gusto mo anak, kumain ka na para magkalaman na ang chan mo"

"Salamat ma"

"Wala yun, basta ipangako mo ulit sakin na kapag sinaktan ka pa niya at pinaiyak hindi ako magdadalawang isip na ipa pulis siya"

"Promise ma sasabihin ko agad sayo" ngumiti lang ako kay mama kahit wala akong gana.

Ayokong muling ma kita ang mukha niya. Okay na to, na hindi kami nagusap. Ayoko na kasi ng drama, at gustong makalimotan na siya na para bang walang may nangyari saming dalawa. Na hindi siya nabubuhay sa mundo ko. Sana pala hindi ko na lang binuksan muli ang puso ko, sana ngayon hindi ako nasasaktan.

"Ma alis na ako"

"Mag-ingat ka anak"

Habang naglalakad hindi ma wala wala sa isip ko kong paano nila ako na set up. Ang talino talaga ni Stephanie na ka bisado niya agad ang galaw ko. Pero hindi paren ako gaganti, kahit ganon na ang ginawa niya sakin. Hindi ko ugali ang gumanti bahala na ang karma ang magparusa sa kanya. Wala naman akong kasalan nag mahal lang naman ako ng mga taong manloloko.

Pagdating ko sa school, yumoko lang ako. Ayokong tumingin sa mga ka school mate ko dahil alam kong paguusapan namn nila ako. Alam naren nila siguro na ang nangyari sakin. Syempre mabilis kumalat ang mga balita, magtataka pa ba ako.

Ng malapit na ako sa harap ng pinto isang lalaki ang na kita ko nakatayo dito at hinaharangan niya ang da-daanan ko. Inangat ko bahagniya ang ulo ko at muli ko na silayan ang mukha ni Jairus, may pasa ito sa gilid ng bibig niya at sa kaliwang mata niya. Naka binda ren ang mga kamay nito.

Gustohin ko man na magalala sa kanya pero wala talaga, tanging galit lang ang bumabalot sa puso sa tuwing makikita ko siya. Wala na akong paki kahit mamatay pa siya. Mas mabuti na  ngayun para madali ko siyang makalimotan. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating na ako sa kinatatayo'an niya.

"Can we talk?" wika nito na para bang nahihirapan siyang magsalita.

Hindi ko siya pinansin at kahit tinignan man lang, pumasok na ako sa loob at hinayaan siyang nakatayo sa labas. Para saan pa ang uusap namin. Ipapaliwanag niya sakin kong paano niya ako niloko at pinagmukahang tanga. Wala na kaming dapat na pagusapan pa. 

Nanatili lang akong na ka yuko hanggang sa pagdating ng aming teacher. Gusto ko sanang kausapin si Miah, kaso absent na naman siya. Sana alam na niya na niloloko ren siya ni Jan, na tangin intention lang nito ay pabagsakin ang company nila.

Hindi ako ma ka focus sa sinasabi ni sir dahil hanggang ngayon gulong gulo pa ang utak ko. Hindi ko alam kong sino ba tong susundin ko ang puso ko ba na nagsasabi na kausapin siya o itong utak ko na pagod na pagod na intindihin ang sinisigaw ng puso ko.

Bakit ba kasi nangyari pa to sakin. Bakit ang bilis kong ma inlove sa isang tao. Tinaguri'an nga akong matalino pero ang bobo ko naman pagdating sa love. Psychology pa naman ang course ko tapus hito ako hindi ko man lang ma intindihan ang sarili ko.

Matapus ang lession tumayo na ako at lumabas na sa classroom. Napatingin ako sa gawi niya dagil nanatili paren siyang na katayo sa gilid ng classroom namin at pinagtitinginan na siya ng lahat. Dalawang oras ren pala siyang nakatayo para lang hintayin ako. Sorry Jairus ayoko ng magpaloko sayo. Sapat na yong ginawa mong pananakit sakin para hindi na kita mahalin.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad at hindi siya nilingon. Kasalahan mo to lahat Jairus. Ng dagil sayo naranasaan kong muli ang masaktan. Ng dahil sayo na wala na talaga ang tiwala ko sa mga lalaki,  isa kang patunay na ang katulad mong lalaki na may itchura ay manloloko.

Dali dali kong pinunasan ang mga luha ko. Buti na lang na ka yuko ako kaya hindi nila nakikita. Paglabas ko ng school dumiritsyo lang ako na para bang hindi ko alinta na kong sino ba ang dumadaan hanggang sa isang malakas na busina ang na rinig ko at mabilis ako tumingala at na gulat na lang ko dahil may lalaking humawak sakin sabay hatak papunta sa gilid.

"May balak ka bang magpakamatay, kong oo wag dito sa harap ng school" wika nong lalaki.

Pag-angat ko ng aking ulo. Napangiti ako dahil sinagip ako ni Izhekiel. Hindi ko alam kong bakit napangiti ako sa kanya.

"Sorry and thank you"

"Ikaw naman kasi hindi kaman lang tumitingin sa dinadaanan mo"

"Wala kasi ako sa mood"

"Bakit nagaway ba kayo ng boyfriend mo"

"Wala na kami Zheki, at ayoko na siyang pagusapan"

"Sorry, hindi ko alam"

"Wala yun"

Muli akong tumingin sa sasakyan na muntik na makasaga sakin. Sino kaya ang na sa loob nito. Kong sino man siya wala akong paki kasalan ko ren dahil ang tanga ko.

"Zheki, alis na ako maygagawin pa kasi ako"

"Gusto mo ihatid na kita, para kasing wala ka sa mood baka kong ano pa ang mangyari sayo sa daan"

"Wag na, kaya ko naman at isa pa wala naman may mangyayari sakin"

"Hindi natin masasabi yan. Tara na promise pag ako kasama mo walang mangyayaring masama sayo"

"Promise baka kasi niloloko mo lang ako, baka kasi pinadala ka ni Stephanie para e set-up ulit ako"

"Anong Stephanie pinagsasabi mo. Ayan ka na naman Alyza parang wala tayong pinagsamahan. Ten months kaya tayo magka-klasi"

"Sorry, naninigurado lang ako"

"Tara na nga"

Umalis na kami ni Izhekiel at hito na naman ako na ka yuko ulit. Wala kasi akong gana na tumingin baka kasi may makita pa ako na ikakasakit lang ng puso ko. Habang naglalakad kwento lang ng kwento sakin si Zheki. Nag kwento siya sa mga naging ka relasyon niya na na uwi lang sa wala. Paano ba kasi magmamahal na nga lang mas matanda pa sa kanya ng sampong taon.

"Zheki, didto na lang ako. Ako ng bahala na pumasok sa loob"

"Okay, magingat ka"

"Ikaw ren, salamat talaga. Dahil sa mga kwento gumaan gaan ang sakit na dinadala ko"

"Wala yun kong gusto mo ng kausap nan dito lang ako"

"Sure, bye magingat ka"

Naglakad na ako hanggang sa makarating na ko sa bahay. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako dahil sinusundan kami ni Jairus kanina pa. Akala niya siguro hindi ko siya na kikita, pero hindi na talaga niya mababago pa ang isip ko. Nasaktan na ako at ayoko ng maulit pa ito.

---

The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon