Alyza
Kasalukoyan akong naglalakad ngayon pauwi samin. Hindi na ako nag pa hatid kay Jairus dahil busy ito at alam kong may importanting lakad siya ngayon. Kaya hito mag isang naglalakad sa ilalim ng bwan at ang lamig ng hangin.
Biru'in niyo ngayon ko na lang na subokan mag lakad mula front gate ng subdivision papunta sa buhay namin. May dalawang kanto pa akong lalakaren pero okay lang mas gusto ko to. Chill lang at wala kang iisipin na ibang bagay. I want to enjoy this moment.
Pero mas masaya siguro to pag kasama ko si Jairus sa paglalakad katulad sa mga movie. I alway try to patern my love story sa mga movie na napapanood ko but I always end up unsuccessful. Saki hindi naman talaga pang movie ang buhay natin. Expect the unexpected.
Habang naglalakad ako bumabalik lahat sa utak ko ang mganangyayari. Kong paano kami nagkita ni Jairus at kong saan nagsimula ang lahat. Ang saya lang dahil sa isang pagkakamali ko nakilala ko siya. Ang lalaking nong una malabo maging kami pero as time goes by mali pala ako. Hindi talaga natin malalaman kong ano ang gagawin ng tadhana sating mga buhay. Hindi ko naren alam kong anong mangyayari bukas.
Ng malapit na ako sa ikalawang kanto may kong ano akong naramdaman sa likod ko. Feeling ko may sumosunod sakin pero hindi ko alam kong sino. Dahan dahan akong lumingon at kitang kita ko ang tatlong lalaki na nagmamadali. Kaya ang ginawa ko tumakbo agad ako. Hay! Ano na naman ba to.
Tumakbo na lang ako kahit na takot na takot ako. Hindi pweding maabutan nila ako. Ng makalayo-layo na ako tumigil muna ako at sabay sabay lingon sa likod. Salamat wala na sila.
Huminga ako ng malalim at hindi ko na alam kong makakatakbo pa ba ako nito dahil nasa harapan ko na sila. Para akong puno na hindi ma kagalaw sa subrang kaba ko.
"Akala mo siguro hindi ka namin maaabotan nagkakamali ka" wika nong lalaki na naka jacket na itim.
"Ngayon na huli ka na namin wala ka nang kawala pa" wika naman ng isang lalaki at agad niya itong tinanggal ang suot niyang bonet.
"Wait parang familiar ang mga pagmumuka niyo sakin, nagkita na ba tayo?" wika ko at nilakas ko na lang ang loob ko.
"Hindi mo ba natatandaan, kami yong binulabog mo sa likod ng school" wika ng isang lalaki.
Patay sila nga to. Anong gagawin ko ngayon nito. Nangi-nginig naren ang tuhod ko at ang bilis na ng tibok ng puso ko. Paano ko sila lalabanan ni hindi ko nga alam kong paano sumontok.
"Ngayon natatandaan mo na kami?"
"Bakit ba kayo nan dito, anong gagawin niyo sakin"
"Wala kaming gagawin sayo nan dito kami dahil may pinabibigay ang boss namin sayo"
"Sinong boss at bakit niya ako kilala. At kayo sino kayo. Bakit niyo ginagawa sakin to" pinipigilan ko lang ang mga luha ko. Kailangan ko makaalis dito baka kong ano pang gawin nila sakin.
"Wag kang matakot, ano nga pangalan mo Alyza? Hindi ka naman namin sasaktan. Nan dito kami para ibigay sayo ang pinapautos ni boss"
"Paano ako makakasigurado na hindi niyo ko sasaktan?"
"May isang salita kami kay boss. Malalagot kami sa kanya pag sinaktan ka namin"
"Please, ibigay niyo na ang kailangan niyong ibigay sakin. Natatakot talaga ako sa inyo"
"Hindi pa nga kami tapus makipag kwentohan siyo. Bakit ka naman matatakot samin hindi ka naman namin sasaktan"
"Naninigurado lang ako"
"Alyza may tanong lang ako. Naniniwala ka bang mahal ka talaga ni Jairus?"
"Anong klasing tanong yan, at bakit niyo siya kilala"
BINABASA MO ANG
The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE
RomanceFollow your heart but always take your brain with you. Kaya ko pa bang magmahal pagkatapus akong lokohin. Kaya ko pa bang magtiwala muli. Kaya ko pa bang magpatawad. Kaya ko pa bang magbigay nang second change. Worth it pa ba akong mahalin. Nar...