Chapter 6

262 18 0
                                    

Alyza

"Okay class, review everything dahil sa next meeting magte-test ako"

"Okay sir" tugon ng lahat.

"Goodbye"

Ng makalabas na si Sir agad akong na pa buntong hininga. Hindi ko alam kong bakit hindi ko man lang ma kuha-kuha ang lesson. Ganon na ba talaga ako ka bobo para hindi pumasok lahat ng tinutoro niya sa utak ko. Bakit ba kasi na pakahirap ng subject na to ang daming babasahin.

Rizal untold story. Sino kaya na ka isip na gawin subject ang buhay ni Rizal. Bahala na nga, basta ang alam ko lang ay pambansang bayani natin si Rizal.

Nauna na akong lumabas dahil may pupuntahan pa daw si Miah. Siguro magkikita naman sila ng boyfriend niyang Canadian. Ano kaya ang trip nitong bestfriend ko ang dami namang gwapo dito sa Pinas. Siguro sa isip niya maraming ngang gwapo pero lahat manloloko. Na dala na seguro siya dahil sakin.

Kasalanan ko bang marupok ang puso ko. Nagmamahal lang naman ako kaso niloko pa ko. Mga lalaki talaga hindi na na kuntinto sa isa naging loyal pa sa lima.

Sasakay na sana ako ng motorsiklo ng bigla may humarang saharapan nito. Agad akong na patigil para tignan kong sino ang nasaharapan nito. It was Jairuz.

"Ikaw na naman? Hindi mo ba ako titigilan?" Sita ko sa kanya habang na ka taas ang kanang kilay ko.

"Alyza, please last na to. Pakiusap naman sumama ka naman sakin nasa hospital ngayon si papa at hinahanap ka niya"

"Ilang bisis ko bang dapat sabihin sayo na wala akong paki sayo at sa pamilya mo"

"Oo alam ko, pero wag ka naman maging madamot. Ito lang naman ang hinihiling ko sayo"

"Alam mo bang pinapasokan mong gulo Jairuz? Ni ako hindi ko alam na ganito pala ang papasokin ko"

"Alam ko, please after this hindi na kita gugulohin. Pagbigyan mo lang ako ngayon"

"Diba sabi ko sayo wag ako. Ang daming babae sa loob ng school natin doon ka mag hanap"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo. Maymahahanap pa ba akong Alyza na ka tulad mo sa loob?"

"Try mong mag hanap wag puro salita. Umalis kana nga sa harapan ko may pupuntahan pa ako"

"Alyza, ano bang dapat kong gawin para pumayag kana. Gusto mo magmakaawa pa ako sayo ngayon?"

"Stop it Jairuz, wala akong paki kahit mag wala ka pa dito. Gusto ko nang umiwi kaya please umalis kana para ma ka alis na ako"

"Alam kong nahihirapan kang magtiwala dahil sa mga kagagawan ng mga Ex mo pero ibahin mo ko sa kanila. Hindi lahat ng lalaki sa mundo sasaktan ka. Alam mo Alyza ikaw lang ang babaeng hinanga'an ko dahil kahit ilang bisis ka nang sinaktan parang wala lang sayo"

"Jairuz, kahit ano pang paliwanag ang gagawin mo hindi mo na mababago ang isip ko"

Hindi ito na ka pagsalita. Tinignan niya ako sa mata at ganon na lang ako nagulat ng may biglang tumolong luha sa mga mata niya. May kong anong kirot akong na ramdaman sa puso ko. Hindi ko alam kong bakit nakakaramdam ako nito. Dapat nga maging masaya pa ako dahil maykauna-unahang lalaki na na umiyak sa harapan ko.

Pero bakit ganong. Bakit parang kasalan ko pang umiyak siya. Deserve niya ba talaga ang umiyak wala naman syang kasalan ginagawa sakin. Alyza magisip ka.

"Pwedi bang pagkatapus nito wag mo na akong gugulohin" wika ko at agad kong hinawakan ang kamay niya at naglakad kami papuntang parking lot.

Tahimik naming tinahak ang daan papunta sa sasakyan niya. Pagpasok namin sa loob hindi paren kami nagsasalita. Parang may kong anong tensyon na hindi ko ma ipaliwanag.

The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon