Chapter 27

84 14 0
                                    

Alyza

Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko ng maramdaman kong may kamay na humahawi sa buhok ko.

"Okay kana ba anak?" pagtatanong ni mama sakin. Napabangon ako at dali dali siyang niyakap ng ma higpit at muli na naman na pa iyak.

"Ma, bakit kailangan kong maranansan ang ganitong sakit"

"Anak, pagsubok lang yan sayo, kailangan mo lang maging matatag at lumaban"

"Pero ma, pagod na pagod na akong lumaban sa laro na hindi ko alam kong mananalo ba ako o hindi"

"Anak, hindi lahat ng laro dapat mong ipanalo. Ang kailangan mo lang gawin ay laro'in ang laro dahil kong hindi mo ito lalaru'in masasaktan ka lang"

"Nasaktan na ko ma at sinubokan ko na ngang laro'in ang laro pero ako tong niloko"

"Anak, hindi ko man lang papawi ang sakit na nararamdan mo nan dito naman ako para ma kinig sayo. Tara sa baba paguusapan natin yan. Si kuya mo mona ang bahala sa kwarto. Maglilinis siya dito"

Pinunasan ko na ang luha sa mga mata ko at inalalayan na ako ni mama pa baba. Pag dating namin sa kusina pinainum niya muna ako ng tubig at sabay na inabot niya sakin ang salamin.

"Tignan mo ang sarili mo, hindi ganyan ang Alyza na nakilala ko" wika pa ni mama. Kaya napatingin ako sa kanya.

"Ma, hindi naman ako pangit para lokohin pero bakit niloko nila ako. Hindi naman ako malakas pero bakit sinaktan nila ako"

"Anak, hindi natin masisisi ang mga tao. Alam mo ba na wala tayong karapatan i judge sila sa mga ginagawa nila dahil tanging Dyos lang ang kayang mang husga satin"

"Ma pagod na pagod na ko"

"Natural lang ma pagod, pwedi kang magpangiha kong kailangan mo ng lakas. Wag mo lang sasabihin sa sarili mo na susuko kana agad dahil lang sa ginawa nila sayo"

"Hindi naman ako sumosuko"

"Ganyan nga, lumaban ka lang alam kong makukuha moren ang hostisya na hinahanap mo"

Huminga ulit ako ng malalim. May isang bagay pa ako na dapat itanong kay mama para malinawan ako kong totoo ba talaga ang pinagsasabi ni Stephanie sakin. Tinanong ko na si mama about sa ng yari noon sa kanila ni papa at sa totoong mahal ni mama.

"Anak, unang una pa lang bago pa dumating ang mama ni stephanie. Mahal na mahal na namin ang isat isa ng papa mo. Kaso nga lang dahil mayaman si Stephanie noon. Nagawa niya agawin ang papa mo sakon dahil sa pera. Binulag niya ito gamit ang pera. Mali ren ang pinagsasabi niya na binayaran ako ng lolo niya pera para bumalik ulit sakin ang papa mo. Walang nangyari ganon.  Paano kami ng kabalikan ng papa mo. Dahil na mulat sa katotohanan ang papa mo na hindi na nabibili ng pera ang pagmamahal. May sinabi ren ang papa mo sakin na nakipagtanan sila, lasing ang papa mo noon at walang nagawa pero pinatawad ko si papa mo dahil alam kong pinagsisisihan na siya ang gianwa niya. Kahit tanongin mo si papa mo. Ganon at ganon paren ang sasabihin siya sayo. Anak kong may mali man dito iyon ay ang mga lolo at lola ni Stephanie dahil ni hindi man lang nila inalagaan ang anak nila ng maayos kaya nagkaganon"

"Salamat talaga ma, malinaw na sakin ang lahat"

"Sorry anak, dahil ngayon ko lang nasabi sayo to dahil hindi ko naman alam na aabot sa ganito. Na may ibang anak pala ang papa mo at ginugolo ka niya ngayon"

"Okay lang ma, wala ka naman kasalanan. Ngayon alam ko na ang katutuhanan hindi na ako maaapektohan sa sasabihin niya sayo at kay papa"

"Mabuti naman anak, ka musta kayo ni Jairus?"

"Niloko ko niyang ako ma, pinalaro'an. Wala akong balak na makita siya ngayon at ayoko ng makita pa siya"

"Hindi mo ba pakikigan ang paliwanag niya"

"Ayoko na ma, malinaw na sakin ang lahat. Ginamit ren pala niya ang pamilya niya para lokohin ako. Isa siyang manloloko. At ang kinagagalit ko lang dahil niloko niya ako na patay na ang papa niya para lang ma kuha ang loob ko"

"Anak, sorry talaga dahil hindi man lang kita na ipagtanggol"

"Wala yun, gumaan naman ang sakit na nararamdan ko ngayon"

Pero deep inside gusto ko ng umiyak. Gusto ko ulit magwala pero nakakapagod na. Nakakapagod na maging tanga. Kasalanan ba mag mahal. Kong isang kasalan lang ito sana hindi ako ngayon nakakaramdan ng ganitong sakit at pait.

"Anak kong kailangan mo ng kausap nan dito lang ako. Ayokong nakikita kang malungot. Dahil mas triple ang sakit na nararamdan ko"

"Promise ma, lalaban ako"

Tumayo na ako at sakto bumaba na si kuya. Baka na linis na niya ang mga kalat na nagawa ko kagabi"

"Bunso, iiyak mo lang lahat yan. Basta wag ka lang magkakalat mahirap mag linis"

"Kuya naman, nagagawa mo pang biro'in ako"

"Pinapasaya lang kita. Basta sabihin mo lang sakin kong pupunta dito si Jairus uupakan ko talaga siya. Walang siyang karapatan na saktan ka. Ni ako nga hindi kita pinaiyak"

"Sige kuya, salamat talaga. Kailangan ko muna magisip-isip"

Dumiritsyo na ako sa kwarto. Sinara ko na ang pinto dahil ayokong pumasok sila dito. Hinarap ko ang  unan at nagsimula na naman tumolo ang mga luha ko. Kahit anong gawin kong pilit na wag umiyak kusa talagang lumalabas.

Dalawang bisis kong inuntog ang ulo ko sa unan para sa kahit ganong paraan ma ibsan ang sakit. Pero wala paren nangyari, masakit paren talaga. Parang na blender ang puso ko sa subra sakit. Akala ko totoo na lahat ng mga nangyayari sa buhay ko pero hindi pala.

Dahil na niwala ako sa isang tao na akala ko siya ang magbubuo ng mundo yun pala sisira sa mundo ko. Ang lalaking muli kong pinagbuksan pero siya pila ang wawasakan sa puso ko na labis kong iniingat na hindi masaktan. Jairus bakit mo na gawa sakin to. Anong bang kasalan ko sayo at niloko mo ko ng ganito.

Ang tanga tanga ko ren kasi. Nahulog ako sa mga pasweet- sweet mo. Sa mala-anghel mong muka, sa mga banat mo, sa mga pinanggagawa mo. Ikaw pa mis mo ang nagsabi sakin na wag maniwala sa sasabihin ng iba tungkol sakin. Sana na niwala na lang ako sa kanila noon, na kahit minsan hindi mo ko minahal dahil palabas lang lahat ito para sayon. Sana na niwala na lang ako sa kanila noon pa sana hindi na nangyari sakin to.

Sana hindi na ako nasaktan ng ganito. Para akong pinukpok ng martilyo ngayon. Gusto ko man magpakamatay pero ayoko, ayokong sabihin nila na nagpatalo ako sa isang laro na wala akong ka alam alam. Jairus naman kasi sana hindi ka na lang dumatingin sa buhay ko. Sana hindi na lang kita na kilala.

Manloloko ka. Dapat sayo mamatay na lang dahil ang sama sama mo. Kahit kailan hindi kita mapapatawad. Sisigurodohin kong magsisisika sa ginawa mo sakin.

----

The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon