Chapter 14

164 14 0
                                    

Alyza

From Jairuz:
Babe ka tatapus lang ng exam namin. Hindi ako sure sa mga sinagot ko pero alam kong tama naman lahat yun.

To Jairuz:
Anong babe ang pinagsasabi mo. Hoy walang tayo Jairuz. Ayosin mo buhay mo!

From Jairuz:
Ikaw talaga Alyza hindi ka ma biro alam ko naman na kunting kimbot na lang sasagutin mo na ako.

To Jairuz:
Anong sasagotin ang pinagsasabi mo. Ni hindi ka nga nanliligaw sakin.

Form Jairuz:
Hindi pa yun pangliligaw ang mga ginagawa kong effort sayo?

To Jairuz:
May sinabi ba akong manligaw ka? Diba wala so hindi counted yun!

From Jairuz:
Ang daya mo naman. Kailan mo balak akong payagan na manligaw sayo?

To Jairuz:
Sa pag dating ng tamang panahun.

From Jairuz:
Kailan ba ang tamang panahon? Alyza hindi na ako makapaghinay na ipagsigawan sa buong mundo na ang babaeng pinaiyak ng lahat girlfriend ko na.

To Jairuz:
Hindi mo ko madadala sa mga ganyan. Magkita na lang tayo sa labas ng gate. Palabas naman kasi ako ng classroom.

From Jairuz:
Okay, hihintayin kita dito. Magingat ka mahal na mahal pa naman kita.

Katatapus lang ng midterm exam ko at ang saya ko dahil nasagot ko lahat ng mga tanong. Hindi naman ako matalino sadyang madali lang talaga ang mga question.

Humantong pala kami ni jairuz sa pagte-text dahil sa exam namin. One week ren kaming hindi nag kita dahil sabi ko sa kanya mag focus mo na kami sa mga subject namin. Ayoko kasing masira ang pagaaral niya ng dahil sakin kaya minabuti ko na lang na mag text na lang muna kami.

Sabi ko ren sa kanya after exam namin babawi talaga ako sa kana. Yong project na ginawa ko na pa wow talaga ang teacher ko. Salamat talaga sa tulong ni Jairuz dahil sa kanya hindi na ako kumuha ng test dahil na abot ko naman ang tamang grado sa subject ni Sir.

Ang saya lang dahil hindi na ging hadlang si Jairuz. Kasi yong mga walang kong kwentang ex hindi yun marunong umitindi. Ang dami ko nga noong absent dahil lang sa ino-una ko sila palagi. Kalimotan na natin sila wala naman talaga akong pakialam sa mga wala kong kwentang ex.

Pagdating ko sa labas ng gate na kita ko agad si Jairuz. Ang cute niya talaga habang tumatagal. Ganito pala kiligin no, yong pa sweet lang na para bang hindi halata masyado. Ito kasing puso ko ang kulit. Bigla bigla na lang tumitibok kapag nakikita si Jairuz. Ito naman kasing si Jairuz sarap hampasin ng lapida masyadong napapacute alam naman niya na marupok ako.

"Tulala ka na naman?"

"Wala to mayiniisip lang ako"

"Sino? Ako? Alam mo napapagod na ako kakatakbo sa isip mo. Pwedi bang magpahinga muna ako?"

"Anong connection? Ikaw takaga katatapus lang ng exam umakyat na agad sa utak mo ang hangin"

"Ikaw naman Alyza,  sinisira mo na lang parati ang mga banat ko. Pero alam ko kinikilig kana"

"Kinikilig mo mukha mo. Tara na nga nagugutom na ako. Baka ikaw pa ma kain ko! Joke wag kang feeler"

Hindi ko alam kong bakit yun yong na sabi ko. Patay! Ikaw naman kasi Alyza masyado kang ma dal-dal yan tulong kong ano ano na ang lumalabas sa bunga-nga mo. Tinignan ko agad si Jairuz. Aba maysaltik sa ulo! Kinilig sa banat ko. Ang lapad lapad ng ngiti niya kulang na lang ma wala ang mata niya.

"Hoy! Tama na yan, mukha ka ng tanga"

"Okay lang maging tanga ako basta ikaw ang dahilan"

"Whatever! Tara na nga" agad ko ng hinawakan ang kamay niya at hinila siya.

"Alyza hinay-hinay lang baka ma putol ang kamay ko"

"Ikaw kasi ang bagal-bagal mo"

"Nagmo-moment pa nga ako. Hindi ba pweding damahin ko muna yong kilig na nararamdaman ko"

"Ptsss! Stop. Ang pangit mo pala pagkinikilig"

"At least ang galing mong bumanat. Isang salita mo palang feeling ko na sa heaven na agad ako"

"Baka gusto mong ipasagasa kita dyan para makapunta kana agad sa heaven"

"Alyza naman nagbibiro lang naman ako. Chill wag mong masyadong sakalin ang mga kamay ko. Let me handle this"

Agad niyang kinuha ang mga kamay niya at siya mis mo ang humawak sa kamay ko. Bakit kapag hinahawakan niya ang mga kamay ko parang kinukoryente ako. Lahat na ng happy cell ko pumupunta sa puso ko. Plus idag-dag mo pa ang lambot ng mga kamay niya. This is what you called heaven.

"Ayan ka naman pinapantasyahan mo naman ang kamay ko. Sige ka pag ako kinilig dito hindi na talaga kita bibitawan"

"Wala kang paki"

"Wow pag ako kinikilig ang O.A tignan, pag ikaw okay lang. Parang hindi naman patas yun"

"Alam mo gutom ka lang, ikain mo na lang yan"

"Hindi ako gutom. Baka gusto mo kainin na lang kita"

"Shit! Nakakadiri ka Jairuz"

"Wow pag sayo ang sweet sweet pag sakin na kakadiri. Hay na ko saan ba ako lulugar nito"

"Sa puso ko malamang"

"Kinikilig ako pero hindi ko ipapakita sayo"

"Bahala ka, wala akong pakialam"

Pagdating sa namin sa japanese restaurant, nag order na agad kami ng kakainin namin. Hindi ko alam kong bakit dito kami kumain dalawa. Basta ang natatandaan ko lang kong saan siya doon ako.

"Alam mo sa tuwing magkasama tayo puro kain na lang ang ginagawa natin"

"Ayaw mo non. Sabay tayong tataba"

"Ayoko tumaba, papangit ako masyado. Nagwo-work nga ako para naman mapagmalaki mo ko. Na you have a hot boyfriend. Abs palang maglalaway kana"

"Tsk! May saltik ka na talaga sa utak. Try mong mag pa doctor minsan baka resitahan ka pa ng gamot"

"Ikaw talaga, bakit ba ayaw mo kong suportahan? Hindi naman walay ang mga banat ko. Aminin mo kinikilig ka no?"

"Ayan ka naman. Ayoko ko lang na lumaki ang ulo"

"Hindi naman malaki ang ulo ko"

"Paamo mo malalaman ni hindi mo nga nakikita ang ulo mo"

Magsasalita na sana siya ng dumating na ang mga pagkain. Kaya ayun inalalayan na lang niya yong boy na ilatag sa lamisa namin ang mga i-norder namin.

"Let's eat" wika ni Jairuz matapus na ma ilatag ang pagkain.

"Oo naman, kakain talaga ako"

"Sige kumain ka lang ng kumain papataba-in kita"

"Kahit maging mataba man ako sexy paren ako no"

"Bahala ka sa buhay mo, by the way Alyza may tanong ako?"

"Ano naman yun?"

"Kaylan ako magsisimula mangligaw sayo?"

"Bukas... Tomorrow... The next day.... Next week... Hindi ko alam"

"Pero bakit sa mga dati mong ex ang bilis mong sinagot agad. Wala pang three days kayo na. Bakit sakin parang malabo"

"Jairuz noon ang tanga ko, marupok at madaling lokohin pero ngayon na toto na ako. Diba may usapan tayo na maghihintay ka"

"Ay! Oo nga pala no pero hanggang saan ako maghihintay?"

"Hanggang sa ready na ang puso ko. Jairuz bigyan mo mo na ako ilang araw pa na makapagisip ng maayos"

"Sige. Maghihintay ako basta wag masyadong matagal"

"Promise, kain na lang tayo"

Ngumiti na naman siya sakin. Hay na ko Jairuz bigyan mo lang ako ng kunting panahon. Once na ready na ako na mahalin ka hindi ko na hahayaan mang ligaw ka pa sakin dahil gagawin agad kitang boyfriend ko. Mahal na mahal na kita Jairuz.

Sorry ganon talaga magmahal ang marurupok.

---

The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon