Chapter 16

171 14 0
                                    

Alyza

Nasa cottage nami ngayon. Si mama busy sa paghahanda ng mga pagkain namin si kuya naman ay may ginagawa ren. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Dahil sa tuwing magtatanong ako kay mama na kong ano ang pwedi kong gawin ang isasagot niya lang sakin unahin ko daw si Jairuz.

Si kuya naman parang ingot. Ni hindi man lang ako pinatulog sa paghihiwa ng baboy. Bahala nga sila, gusto ko pa naman sana tumolong.

"Anak, maglibot-libot muna kayo kami na ang bahala ni kuya dito"

"Ma naman gusto ren naman tumolong"

"Bunso, wag na. Umalis na muna kayo. Jairuz ikaw bahala sa kanya"

"Si kuya walang problema"

"O siya umikot-ikot muna kayo dito"

Hinawakan na ni Jairuz ang kamay ko at agad na kaming naglakad. Sasama sana samin si Miah kaso pinigilan siya ni Jan dahil daw makakasira lang siya sa moment namin ni Jairuz.

"Alyza na ka kita ka na ba ng butterfly?"

"Oo naman bakit mo na tanong?"

"Wala lang, ang ganda kasi nila"

"Ganon ba?"

"Tara samahan mo ko pumunta sa butterfly garden. Sabi raw nila maraming paru-paru doon"

"Tara na nga lang para naman may gawin tayo dito"

Pagdating namin sa harap ng butterfly garden sinalubong agad kami isang ma tandang babae na na nga-ngasiwa dito.

"Are you a lover?" Pagtatanong nito.

"Hindi pa po. We are just friends" sagot ko kaya agad akong dinilatan ng mata ni Jairuz.

"Actually nililigawan ko na po siya"

"Good luck sayo. Alam kong sasagutin karen niya. Hindi man ngayon pero sa tamang panahon"

"Salamat talaga Nanay pinapalakas mo ang loob ko"

"Wala yun, mag enjoy kayo"

Umalis na agad ang matanda sa harap namin. Binitawan ko agad ang kamay ko sa pagkakahawak niya at tinignan siya. Ang lakas talaga ng loob niya na para sabihin yun. Kong hindi lang sana siya gwapo sinipa ko na siya. Bakit ko ba siya sinasabihan ng magagandang salita.

Alyza diba nga sabi ko mo sa sarili mo wagma fall ng madali. Kong si Jairuz talaga ang para sayo, sa takdang panahon ay magiging kayo kaya wag mong madaliin ang panliligaw niya. Laban lang Alyza.

"What's on your mind?"

"Ano ka facebook para tanongin ako ng ganyan"

"Bakit facebook lang ba ang pweding mag tanong sayo nito?"

"May pa engligh  ka pang na lalaman"

"Bakit ba kasi big deal sayo na mag salita ako ng english"

"Nakakapanibago kasi. Hindi ako sanay"

"Hindi ko naman kasi kasalan. Kong pwedi ko lang sabihin sa utak ko na hindi mag salita ng english edi nagawa ko na but I can't"

"Sige na nga lang. Mag english kong gusto mo"

"Ang init talaga ng ulo mo. Doon ka nga kukunan kita ng picture para naman kumalma ka"

Sinunood ko na lang ang sinabi niya. Pinatayo niya ako sa gilid ng halaman habang may lumilipad na mga paro-paro sa likod ko. Hindi ko alam kong amo ang trip nito ngayon pero sasabayan ko na lang.

The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon