Chapter 13

166 14 0
                                    

Alyza

"Dahil nagtagumpay tayo at tinulongan mo ko ililibre kita" panimula ko ng makalabas na kami sa bahay nila Daniel.

"So, it's a date?"

"Anong date ka dyan hindi no. Ka-kain lang tayo kaya wag kang feeler"

"Nagtatanong lang naman ako, baka lang naman diba?"

"Hindi mangyayari yun"

"Wag kang magsalita ng tapus. Tara na nga na gu-gutom na talaga ako"

"Gutom agad, ka-ka-kain lang namin doon sa loob"

"Iba kasi yun. Feeling ko kasi, na kong ikaw ang mangli-libre sakin mabubusog ako"

"Sige na nga lang., ano pa ba ang magagawa ko. Ang dami mo pang sinasabi, tara na"

Hinawakan na niya ang kamay ko at naglakad kami palabas ng subdivision. Wala kasing masasakyan dito kaya nilakad na lang namin. Malapit lang naman ang labasan dito.

"Saan no ba gustong kumain?" Pagtatanong niya?

"Dapat ako ang magtatanong sayo? Ikaw ba saan mo gusto?"

"Sa puso mo"

"Seryoso ako?"

"Seryoso ren ako sayo"

"Jairus ano ka ba. Kinikilig na ako sa mga pinanggagawa mo. Please lang itigil mo na"

"Saan ba kasi?"

"Kahit saan basta kasama lang kita"

Bahagya akong kinilig sa mga sinabi niya. Kasi sa mga past relationship ko never akong na karinig ng mga ganitong banat. Kadalasan kasi puro away lang ang ginagawa namin. Maliit na bagay pinagaawayan. Siguro immature pa ako noon.

"Kikiligin na ba ako nito?"

"Dependi wala naman may sabi na bawal kang kiligin dyan"

"Ewan ko sayo"

"Ikaw talaga ang cute cute mo kaoag nagagalit para kang kamatis"

"Kamatis? Mukha ba akong gulay?"

"Gulay ba ang kamatis akala ko frutas ito?"

"Iwan ko sayo mas maganda paren ako sa kamatis"

Hindi na lang siya nagsalita pero bakas sa mukha niya na natatawa na siya sa mga pinagsasabi ko. Sumakay na agad kami sa jeep papunta sa inasal house. Kasi gusto kong kumain ng isaw at dugo at isa pa maraming masasarap na pagkain doon hindi lang inihaw na manok.

Pagkadating namin ni Jairuz ay agad na kaming naghanap ng pwedi namingmauupuan. Nag order naren kami pagkain namin. Habang nakatitig ako sa kanya hindi ma wala wala sa isip ko ang mga salitang.

Handa na ba akong mag mahal muli?
Handa na ba akong bukas ang puso ko?
Hindi niya ba ako sasaktan?
Mamahal niya ba ako?
Si Jairuz na ba ang tao para sakin?

Napabalik ako sa sarili kong katinoon ng dumating na ang pagkain namin. Amoy pa lang mabubusog ka na talaga. Nilagyan ko nang kanin sa plato niya, tatanggi pa sana ito kaso wala siyang magagawa na ilagay na sa plato niya.

"Tara kain na tayo alam kong gutom ka na" wika ko.

"Hindi ako gutom, dahilan ko lang yun para ma kaalis na tayo. Kasi ang lagkit ng mga titig sakin ni Daniel"

"Hahahahahah, baka bet ka niya"

"Sorry na lang siya hindi kami talo. Ikaw lang kaya ang nagmamayari ng puso ko"

The Good Boy's Game - Book1 - COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon