Rita's POV"Ano to? Diba sabi ko wag na kayong mag abala!!! Kayo talaga!! " sabi ko sabay titig sa cake na inabot nila sa akin.
"Madeeeeer!!! Hindi naman pwedeng Thank you next na lang yung ganap mo ngayong birthday mo!!! Alam namin na busy ka, pero dapat pinaglalaanan mo parin ng time yung birthday mo!!! Lalo na't next year, mawawala ka na talaga sa kalendaryo!!! " sabi ni Babbi.. Inirapan ko ito at napatitig ulit ako sa cake.
"Talagang ako yung pinahawak niyo sa cake noh??? Wow. Na surprise ako hah!! " sarkastik na sabi ko at nagtawanan ang mga bakla.
"Alam naman namin na kaya mo yan. Hello, trenta ka na Madeeeer!!! " sabi ni Timmy sabay pahid ng icing sa mukha ko..
"Hindi ko talaga matatapos tong thesis ko dahil sa inyo!!! " sabi ko sabay dila sa gilid ng lips kong napahiran ng icing..
"Oo nga pala! Eh bakit mo pa naisipang mag masteral? Eh kahit naman hindi ka grumaduate, no choice mga magulang mo.. Sayo parin ipapamana yung kumpanya niyo! "
"I need it. Like, guys!!!! Feeling ko kasi talaga, dito ko sa New york mamemeet yung pang forever ko!!! " biro ko sa kanila at nanlaki ang mga mata nila.
"Oh my ghaaaaad!! Really? Naghahanap ka na?!!! " di makapaniwalang sigaw ni Milan.
"Gaga! Di pwedeng mag joke? Hello!!! I don't need someone in my life. Kaya kong mag isa. Kaya ko. "
"Pero di mo kaya pag wala kami!! " sabi ni Timmy at natawa ako..
Sobrang kulay ng buhay ko kasama ang mga kaibigan ko.. Kulang pa yang tatlo na yan sa dami ng mga gay friends ko around the world..
I'm Rita Daniela Altamor... A Fashion Stylist , event organizer and Entrepreneur.. Mula ako sa pamilya ng mga Fashion Designer at may ari ng Altamor Centuar, a leading clothing brand in the Philippines..
Teenager palang ako, barkada ko na yang mga bakla na yan.. Hindi naman sa ayaw sa akin makipagkaibigan ng mga babae at lalaki pero mas magaan kasi talaga yung loob ko sa kanila.. Sabi nga nila, Bakla daw ako na nakulong sa katawan ng babae pero mali sila. Girl ako at alam ko kung ano ang gender identity ko. Wala akong problema dun.. Ilap din ang mga boys sa akin dahil madalas akong mapagkamalang gay dahil sa dalas ko silang kasama.. Ang hirap hirap mabuhay sa Pinas, masyadong tutok yung mata ng mga tao sa bawat galaw at salita mo, may mapipintas, may masasabi...
Pero dedma lang ang barkada sa kanila. Kaya naming mabuhay sa paraang gusto namin. We do bar hoppings everynight... Travel and party anytime, anywhere..
Sumilip ako sa bintana.. Mula sa 22nd floor ng building na kinatatayuan ko, tanaw ko ang napakagandang malilit na ilaw mula sa mga bahay at gusali dito sa New York.
6 months na simula ng tumira ako dito.. I need to finish my thesis bago mag end ang year para masunod parin yung nasa plano ko.. Next year, kailangan ko ng bumalik ng Manila para patakbuhin ang company ni Dad..
"About pala sa fahion week next year, ako ng bahala dun Rita.. Naka set na yung mga models.. And tutulong narin kami sa designed ng mga damit.. " sabi ni Babbi.
"Salamat talaga hah!!! Lakas ko talaga sa inyo!! Promise, matapos ko lang tong Masters ko, ililibre ko kayo sa lahat ng bars na pupuntahan natin. " sabi ko at napansin kong kuminang ang mga mata ng mga bakla..
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita