Rita's POV
Nasa iisang room kaming lima. Pinapakita nila sa akin ang lahat ng mga pictures na kuha sa photoshoot kanina.
"Look, ang ganda ng mga kuha ni Ken!" tuwang-tuwa na sabi ni Timmy.
"Alam ko. Kaya nga Chan Images ang kinontrata ko eh. " sabi ko sabay tingin kay Ken.
"Edit ko na lang yan tapos send ko bukas yung final draft para sa approval mo. " sabi ni Ken sabay lapit sa akin.
"Pwede na ba tayo umuwi bukas ng umaga?" tanong ko sa kanila.
"Oy, tapos na work, vacation naman!!! Rita naman eh!! Daot ka sa pag swimsuit ko talaga! " naiinis na sabi ni Timmy.
"May naiwan pa akong trabaho sa Manila! Tsaka kung gusto niyo, maiwan na lang muna kayo dito. Ok lang sa akin na ako na lang maunang uwi. " sabi ko sa kanila.
"Masama pakiramdam mo diba? Napaano ka ba?" tanong ni Babbi
"Don't tell me, naglilihi ka!" biro ni Milan at pinanlakihan ko siya ng mata.
"Gaga. Wala pa nga! " natatawang sabi ko.
"Pero kailan pala yung proce----"
Hindi natuloy ni Timmy yung sasabihin niya dahil pinanlakihan ko siya ng mata.
Nakalimutan yata nilang nandidito si Ken. Ayokong marinig or malaman ni Ken lahat ng mga plano ko sa buhay lalo na yung tinutukoy nila..
"Ok. Na O-OP ako. " sabi ni Ken sabay kuha ng laptop niya sa harap ko.
"Ikaw, stay ka dito? " tanong ko kay Ken.
"Dito mo ako papatulugin sa kwarto mo? " tanong nito at natawa sila.
"Gago! Hindi yun!! Ang ibig kong sabihin, stay ka muna dito sa Baler or uuwi ka na din? "
"Kung ano yung balak mo, ganun din ako. Stay ka or hindi dito, sasamahan kita. " sabi ni Ken. Nagka instant blush on yata ako. Tanginesss.
"Halalaalaa. Landi! " tili ni Babbi at napangiti ako. Di ko mapigilan ngumiti eh.
"Go home na. Tomorrow morning. Tara? " sabi ko kay Ken at tumango ito.
"So, tara! Dinner na tayo! I mean, dinner na kayo! Diet pala kami. " sabi ni Milan.
"Hindi kayo kakain? "
"Kumain kami kaninang 5pm eh. Busog pa kami. Pasama ka nalang kay Ken mag dinner. "
Napatingin ako kay Ken at inilahad niya ang kamay niya.
"Tara. " aya nito at inabot ko naman ang kamay nito.
Magkasabay kaming pumunta sa El Rotero Restaurant dito lang din sa resort.
"Nakakaloka nga si Timmy, nagdala talaga ng swimsuit! Beach na beach na siya! " kwento ko kay Ken.
"Kanina pa yun. Panay picture nga kanina sa shore! "
"Ikaw? Bakit uuwi ka na din bukas? Ayaw mo bang mag bakasyon muna dito? " tanong ko sa kanya.
"I'm not a beach person. Tsaka may mga appointment din ako sa Manila. "
BINABASA MO ANG
One of the Gays
Fanfiction"I prefer to focus on who I am as a person and what I stand for ♥" -Rita